Kabanata 37 •CHARM POV• Isang malakas na sapok ang aking natanggap pagkakitang pagkakita palang saakin nina Kuya, napa-aray naman ako dahil do'n. Gabi na at heto ako ngayon, nakaupo sa kanilang harap at taimtim akong tinititigan. "Ayus ng outfit mo, ah! Lamig na lamig." Napataas ang gilid ng labi ko nang marinig ko ang komento ni Kuya Elkan, ang padalawa saaming magkakapatid. Nakaupo ito sa upuang kahoy na naririto at nakangising nakatingin saakin. "Baduy ka na nga manuot mas pinabaduy pa ng Maynila." Napabuga naman ako ng hangin sa panlalait ni Kuya Aashish, ang patatlo saamin. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kabuuan ko habang katabi ang kanyang gitara. "Ate? Huwag kang pauso mamaya pinagtatawanan ka na pala do'n." Napairap naman ako ng wala sa oras nang magsalita ang buns