Kabanata 36 •CHARM POV• Hindi ako mapakali saaking kinauupuan dahil sa kaba at pag-aalalang nararamdaman. Palingon lingon ako kay Goss at sa dinadaanan namin. Seryoso lamang ito nanagd-drive. Malayo na ang abot namin at alam kong wala na kami sa kamaynilaan. "Goss?" basag ko sa katahimikang namamayani saaming dalwa. Nakita ko namang tumingin ito ng saglit saakin at muling ibinalik ang tingin sa harapan. "Goss? Alam 'kong galit ka at nagawa mo lang 'yun dahil sa bugso ng damdamin," saad ko ngunit nanatili parin itong tahimik at deritsong nakatingin sa dinadaanan namin. "Pero Goss mali 'yung ginawa mo. Dapat nagbigay galang ka kay Kuya Bert dahil mas nakakatanda s'ya sa'yo." Doon na s'ya napatingin saakin. "Mali na tutukan mo s'ya ng baril." Napatingin naman ako sa baril na hawak n