Kabanata 30 •CHARM POV• "Ano bang movie ang maganda?" "Gusto ko 'yung action!" "Romance!" "Pangbakla naman 'yan Saghie e." "E, kung horror nalang kaya?" "Horror? P'wede din." "Sige, Horror nalang!" Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila, isa lang ang importante saakin. Si Sir. Ang lahat ay naandito na at s'ya nalang ang wala. Segu-segundo akong tumitingin sa pinto para maabutan na dumating s'ya ngunit wala. Magkakasamang nagkukumpulan silang lahat doon maliban kay Sean na nakaupo lang sa isang tabi at may tangay-tangay na sigarilyo. Matyaga akong nakaupo sa isang sofa na naririto, sa totoo n'yan ay napakaganda ng kwarto ito. Punong puno ng maka modernong kagamitan. Mula taas hanggang baba, gusto ko mang mamangha at kalikutin ang mga bagay na naririto ay hindi ko magawa da