Kabanata 31 •CHARM POV• Dumaan ang mga araw at nag-iba na ang trato sa akin ng amo ko. Simula nang araw na iyon ay tila bumaliktad na ang mundo ko. Walang nangyari nang araw na nasa kwarto n'ya kami at nagpapasalamat ako doon. Alam ng utak ko na hindi tama iyon ngunit sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin ay nagiiba na ang ihip ng hangin saakin. Gusto 'kong damadampi ang mga palad n'ya saakin ngunit sa tuwing iniisip ko 'yon ay gusto 'kong sabunutan ang sarili ko. Napahalukipkip ako sa kinahihigaan ko. Nakatikim ka lang, magkakaganiyan ka na. Napapikit naman ako ng mariin nang pumasok ang katagang iyon sa utak ko. Anong magagawa ko kung 'yan ang nararamdaman ko. Kung ganiyan ang sinasabi ng katawan ko. Ganiyan kalakas ang tama ko. Napahinto naman ako, kalakas ang tama? May gusto