Kabanata 32 •CHARM POV• Buhat buhat ni Sir Adam si Jia at mabilis na naglakad papuntang taas. Tumabi naman ako para hindi makaharang sa dadaanan n'ya. Nakapikit na si Jia at sobrang gulo ng damit. Ang make up na nalusaw sa kakaiyak at buhok na sobrang sabog pero kahit na ganoon ay napakaganda parin n'ya. Si Ma'am Glo naman ay dala-dala ang isang sling bag na sa tingin ko ay kay Jia. "Charm?" Napalingon naman ako kay Sir, taka itong nakatingin saakin. "Nagising kaba dahil dito?" Patukoy n'ya sa bitbit n'yang si Jia. Hindi naman ako nakasagot dahil sa gulat. "Go to my room now Charm, matulog kana." Utos nito. Magsasalita pa sana ako ng putulin n'ya ako. "Huwag matigas ang ulo ayoko ng napupuyat ka," saad nito na kinatimpi ko na naman. Pagkatapos n'yang sabihin 'yun ay umalis na s'y