•CHARM POV• Napamulat ako sa aking pagkakatulog nang may maramdaman akong humahalik sa aking noo at pisngi. "Sorry kung nagising kita." Kinusot ko ang aking mata at mariing napatuon ang atensyon kay Adam. Nakasuot ito ng malinis at napaka gandang suit, paniguradong papasok na ito sa trabaho n'ya. Umupo ako sa aking pagkakahiga. "Ang ganda naman ng salubong ng umaga ko," saad ko habang nakangiting nakatingin sa kanya. Napaka gwapo n'ya at hindi ako magsasawang sabihin ang mga katagang iyon araw-araw. Napangiti naman s'ya, napahawak ako sa makinis n'yang mukha at bahagya iyong hinagod. "Kailan ko kaya masosolo ang mukhang 'to?" Napatawa si Adam at mas lalong lumapit sa akin. "Gusto mo ngayon na?" Ako naman ang napatawa at napahampas sa malaki n'yang balikat. "Anong oras ka uuwi?" p