•CHARM POV• Ramdam ko ang pagbitaw sa akin ni Treyston habang si Atiyah ay talon parin ng talon sa sayang nararamdaman n'ya. Hindi ako makagalaw at wala akong masabi sa narinig. Anong kalokohan 'to? Napapikit ako ng may tila tumarak sa aking puso, ang sakit sobra. Muli na namang nagtubig ang mga mata ko at mabilis na naglabo ang paningin ko. Malalim ang hininga kong kinapa ang likod ko para may pagkuhaan ng lakas sa pader pero wala, napabagsak ako dahil ramdam kong biglang naglambot ang mga tuhod ko sa narinig. "Charm!" rinig kong sigaw ni Adam, hindi ko 'to magawang tingnan dahil sobra akong nasasaktan sa sinabi n'ya. Biglang lumapit si Goss sa akin at pilit akong itinatayo. "Bitawan mo s'ya Calvin! Huwag na huwag mo s'yang hahawakan!" sigaw ni Adam habang pilit paring kumakawala sa