•CHARM POV• Pagod akong napatingin sa mga taong nagkakasiyahan sa mansyon. Heto parin ako at nakagapos kasama itong kapatid ni Atiyah na si Treyston. Kampon talaga sila ng kadilim, magkapatid na magkapatid nga sila! Pinakalma ko ang aking sarili dahil kapag lalo akong nagpaapekto ako sa lalaking ito ay mas lalo akong mawawalan ng ideya kung paano makakaalis dito. Napakunot ang noo ko nang makitang nagsisipasukan sa mansyon ang buong grupo ni Adam. Kahit medyo malayo ako ay kitang kita ko ang kagwapuhan nila. Para silang mga prinsipe kasama ang kani-kanilang prinsesa. "Ganu'n din sana tayo, Adam." Naibulong ko sa kawalan. Miss na miss ko na s'ya, gusto ko na s'yang makasama. 'Yung mga biro n'ya at banat na gusto ko na muling mapakinggan. "Dramatic," asar no'ng Treystor. Mariin ko ito