Katatapos lang ng monthly meeting namin sa kumpanya at pabalik na ako sa opisina ko. Marami akong mga pipirmahan na proposal ng mga managers ko sa bagong produkto na gagawin namin. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa opisina ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Veronica ang rumehistro sa screen ng phone ko. Agad kong sinagot ang tawag niya dahil baka may importante itong tawag. Sa dami ng mga tawag na nare-receive ko araw-araw isang tawag lang ang hindi ko pwedeng baliwalain, at ‘yo ang tawag ni Misis. Kung ayaw kong matulog sa sahig ‘wag kong balewalain ang tawag niya. Sinagot ko ang tawag niya. “Hello, Honey!” “Honey! I have good news for you!” nagtitili pa ito sa sobrang kaligayahan. Kinutuban ako sa good news niya. Kapag may sinasabi kasi siyang good news ay tungkol