HUMUGOT ako ng malaman na hininga nang lumabas ng kuwarto si Lester. Pinagmasdan ko ang pagkain na sinadya kong lutuin para sa kanya ngunit hindi niya inubos dahil sa inis. Mali ba ang ginawa ko na pumirma ng kontrata ng hindi niya alam? Muli akong umupo upang tapusin ang kinakain ko. “Hays! Sayang naman ang sarap pa naman ng pagkakaluto ko.” Niluto ko pa naman ang mga paborito niyang pagkain. Hindi naman pala niya ma-a-appreciate. Nang maubos ko ang pagkain ko sa plato ay tinawag ko ang katulong namin upang ligpitin ang mga kalat. “Manang, nasa labas ba si Lester?” tanong ko sa katulong namin na nagliligpit ng pinagkainan namin. “Kanina pa sila umalis.” “Umalis siya?” muli kong tanong. “Kanina pa siya umalis. Ang akala ko po ay alam n’yo na umalis siya." Umiling ako. "Hindi siya