"Oh, Levie, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo dahil kami ng Daddy mo tatlong araw na wala rito sa bahay," bilin ko sa panganay kong anak na si Levie "Yes, Mom, ingat kayo si Daddy," sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa 'kin. Nameywang akong tumingin tumingin sa kanya. "Levie," tawag ko sa kanya. Sinubukan ko kung titingin siya sa akin ngunit hindi siya tumingin sa halip ay abala sa kanyang cellphone. "Levie!" Sabay kurot ko sa tenga niya. "Aray! Mommy!" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na kapag kinakausap kita ay sa akin ka dapat titingin!" Inis kong sabi. Simula ng matuto siyang maglaro sa cellphone ay hindi na makausap ng maayos si Levie, madalas pa ngang nalilipasan siya ng gutom lalo kapag wala kami sa bahay. "Sorry, Mommy!" sig