CHARLIE SI TITA Remi ang sumundo sa akin mula sa ospital nang makalabas ako. May mga kailangan pa akong tapusin sa opisina kaya kinailangan kong bumalik sa bahay ni Tita Remi. Bagama't hangga't maaari ay ayaw ko nang bumalik sa opisina ni Kaleb, alam kong hindi tama na iwan ko na lamang nang basta-basta ang mga trabaho ko roon. Susubukan kong tapusin iyon nang mas maaga upang makaalis na ako agad. "Ipabuhat mo na lang 'yan sa mga kasambahay, Charlie. Mabigat ang mga iyan baka mabinat ka pa," turan ni Tita Remi nang makarating kami sa kanilang mansyon. "Kaunti lang naman po itong mga gamit ko. Kaya ko na po ito, Tita." "Ikaw bahala. Pero huwag kang masyadong magpagod, ha? Kakagaling mo pa lang. Kailangan mo pa ring magpalakas. 'Yan ang bilin ng doktor," paalala nito. "Opo, Tita. Don't