CHARLIE NANG sumapit ang gabi ay nagtipon-tipon kaming sa lahat sa may pool area para sa opening party. May kainan at kaunting alak na nakahain para sa gabing iyon. Pilit na hinanap ng aking mga mata si Kaleb. At gaya nang inaasahan ay nasa tabi nito si Stephanie. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa habang umiinom. Hindi ko napigilan ang aking sarili na alalahanin ang mga sandali namin ni Kaleb noon dito sa Baler. Noon ay ako ang kasama niya sa inuman at kuwentuhan. Masaya naming pinag-uusapan ang kung anu-ano bagay. Ang sakit lang isipin na mayroon nang nag mamay-ari sa dati mong puwesto. Ngunit hindi ako susuko. Hangga't nararamdaman ko ang galit niya sa akin ay mananatili akong aasa. Naniniwala akong ang galit niya ay katumbas ng nararamdaman niya para sa akin. Dahil kung tunay na wa