Chapter 37

1416 Words

KALEB "Sir, andito na po tayo," turan ng driver habang marahan akong niyuyugyog upang magising.  Marahan kong idinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang pamilyar na gate ng bahay ng aking mga magulang. Hindi sila madalas manatili rito dahil hindi maaaring iwan ang aming kompanya na nakabase sa ibang bansa. Kaya naman hindi ko maiwasang magtaka kung bakit biglaan na lamang ang desisyon nilang magbakasyon dito sa Pilipinas.  "Thank you," saad ko saka agad na inayos ang aking sarili bago tuluyang lumabas ng kotse upang kunin sa kanya ang manibela. "Here," turan ko sabay abot ng bayad para sa serbisyo niya ngayong gabi. "Naku, sir! Napakalaki naman po nito," gulat nitong saad matapos niyang makita ang tatlong libong piso na aking inabot. "It's fine. Umuwi ka na. Sasabihan ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD