KALEB "SHE'S back," saad ko baka muling tumungga sa isang baso ng alak na aking hawak. "Who's back?" tanong ni Alekhine. Kasalukuyan akong narito sa bar ni Alekhine na matatagpuan sa tutok ng hotel na pagmamay-ari nito. Dito ako madalas uminom noong mga panahon sinusubukan ko pa lamang kalimutan ang lahat ng sakit dulot nang pag-alis niya. "You know who I'm talking about," saad ko saka matalim itong tiningnan. Mahina itong tumayo, "You can't even say her name outloud. Sigurado ka bang naka-move on ka na?" biro nito. "Of course I am!" giit ko. "Oh, chill. Tinatanong ko lang naman. Violent reaction ka kaagad d'yan," natatawang saad nito habang abala ito sa pagpupunas ng mga wine glass sa aking harapan. Wala pang masyadong tao roon dahil wala namang madalas magpunta sa bar ng tanghali