CHARLIE MAAGA pa nang makarating ako sa opisina. Madalas ay nauuna akong dumating kaysa kay Kaleb. Kaya naman pagkakataon pa akong ilagay sa ibabaw ng lamesa ni Kaleb ang pagkaing aking inihanda para sa umagang iyon. Noong una ay kailangan ko pang magpumilit pumasok dahil palagi akong pinipigilan ng kanyang sekretarya. Hindi naglaon ay wala na rin itong nagawa sa aking pangungulit kaya naman pumayag na rin ito at hinayaan akong gawin ang aking nais. Ilang linggo na akong naghahanda ng pagkain para kay Kaleb ngunit parati ko lamang iyong nakikita sa kanyang basurahan. Ni minsan ay hindi nito kinain ang mga inihanda kong pagkain. Pero hindi na mahalaga sa akin ang bagaya na iyon. Ang importante ay napapakita ko sa kanya na seryoso ako sa paghingi ko ng tawad. Matapos kong ipagtimpla ng k