CHARLIE KAGAYA nang mga nakaraang araw ay hindi pa rin ako tumigil sa paghahanda ng almusal at kape para kay Kaleb. Kahit pa sa bawat pagkakataon ay itinatapon lamang niya ang mga inihanda ko para sa kanya. Halos magdadalawang linggo na rin mula nang magsimula akong magtrabaho sa kanyang kompanya. Ngunit hirap pa rin akong makakuha ng pagkakataong makausap ito nang masinsinan. Madalas kasing naroon si Stephanie kaya hindi ako makasingit upang kausapin ito. Kapag wala naman ang babae ay tila sinasadya nitong umalis upang iwasan ako. "How's work?" Napapitlag pa ako nang biglang may magsalita mula sa aking likuran habang abala ako sa paghahanda ng almusal na aking dadalhin para kay Kaleb sa araw na iyon. Mabilis akong bumalik sa aking likuran at natagpuan ko ang ina ni Kaleb na nakatayo