Sweetie Hindi na ako makaramdam. Nagmanhid na ata ang puso ko. Paralisado na siguro ang puso ko dahil sa mga nangyari. Lalo na sa pagkawala ni Melo. Nagsiunahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko sa pag alala sa mga nangyari kanina. Hindi ko na kaya. Namatay si Melo ng dahil sakin. Ako dapat ang mamatay at hindi siya. Mas kakaunti na lang ang nalalabi kong araw kaysa sa kanya pero nauna pa siya sakin. Nakatakas ako dahil nawalan ng malay si Tristan dahil sa pambubugbog sa kanya ni Melo. Yung bumaril kay Melo na guwardya siguro ni Tristan ay hinagis ko sa kanya yung batong hawak lang ni Melo pagkapasok niya sa kwarto. Nawalan ng malay yung guwardya kaya nakatakas ako. Masakit man na iwan si Melo doon, kailangan kong humingi ng tulong. Babalikan ko siya doon. Kahit wala na siyang buhay