Parang dinaanan ng buhawi ang buong loob ng villa. Nagwawala kasi si Gino. At kahit anong pigil nina Ace at Lui sa kanya, bugbog lang ang napapala nila. Sobrang galit, hinagpis, pangungulila, lungkot, sama ng loob at pagsisisi ang nararamdaman ni Gino dahil hindi niya lubos maisip na si Sweetie pala ang gagawing pain ng kung sino. Sinuntok niya ng napakalakas ang pader. Mapapansin ang bloodstain sa pader nang unti unti niyang ibaba ang kanyang kamaong nagdurugo. Malahalimaw ang aura niya siya sa sobrang galit. "Gray, calm down. Walang magagawa ang pagwawala mo mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo." Sabi ni Lui na may pag aalala. Nakatayo lang silang dalawa ni Ace sa may pintuan palabas ng villa. May dugo sa gilid ng labi si Lui samantalang namamaga naman ang kaliwang pisngi ni Ace