Kung gaano karangya ang buhay ko. Kabaliktaran naman ng buhay pag-ibig ko. Buhay pag ibig sa pamilya,at pag ibig para sa taong mahal ko. Naka tunghay ako sa kalawakan ng Kamaynilaan sa veranda ng aking unit. Hawak ang kopita ng alak, nilalaro ko yun paikot ikot sa palad. Ngayon nakatulala lamang ako doon na parang malaking hiwaga ito sakin. Love is the most powerful of all. Kung masasaktan ka dahil sa pagmamahal kahit iinom mo pa ng maraming alak ay sa huli ,mananatili pa rin ang sakit. Gosh, sobrang lalim na nang pag iisip ko. Kasalukuyan kasama ko ngayon si Loisa at Cassy. One week na din. Hindi ko alam kung bakit hindi padin ako kinocontact ni Daimos. Kung hindi siya makakauwi dito ay uuwi ako ng Isla.

