Minsan pala sa sobrang kaba ay mas pipiliin mo nalang ang manahimik. Nakikisabay ang ihip ng hangin at ulan sa labas kaya hindi masyadong kita ang daan. Dahilan kung bakit mabagal ang pagtakbo ng sasakyan ni Rad. He's just silent the whole time. Wala kaming imikan. Ang ulan sa labas ay nakikisabay din sa dagundong sa t***k ng aking puso. "Saan ka pupunta?" Suddenly he broke the silence. Kung ano man ang plano niya kung bakit niya ito ginagawa ay wala akong ediya. Alam ba ni Pia ang mga ito? Kawawa ang anak nila pag nagkataon. Naiinis akong maisip ang ginagawa ni Rad at pinapakita sa akin habang naiisip ko rin ang anak niya. Ayoko nang maulit ko ang minsan nang naging kasalanan ng magulang

