MAGDAMAG na naghimas ng malamig na rehas si Grant sa loob ng city jail dahil sa pagdampot sa kanya ang security guards sa ginawa niyang panggugulo sa condo unit ni Meiryn. Tulad ng instruksyon ng epal na best friend ng dalaga na si Austin sa mga awtoridad, dinala nga siya sa pinakamalapit na police station at dahil sa blotter sa kanya kung kaya’t magdamag siyang nakulong. Hindi naman niya nagawa ang makatulog kahit na ilang minuto man lang, nakahimas lamang siya sa rehas ng kulungan at magdamag na nakatulala sa kawalan. He even smirked habang hinihintay ang pinatawagan niyang magpipiyansa sa kanya at siyang mag-aayos ng kailangang asikasuhin para mailabas na siya mula rito sa kulungang ito. “Mr. Lorenzo, laya ka na!” Sumunod siya hanggang sa labas ng presinto nang buksan na ng jail guar