“POWDER room lang ako,” sandaling paalam ni Meiryn sa kanyang sekretarya at kay Austin para tumungo muna saglit sa pinakamalapit na CR bago magsimula ang bidding para sa auction na gaganapin ngayong araw. Austin understandingly smiled and nodded to her, ganoon din ang sekretarya niyang si Ruth. “Gusto mo ba samahan na kita, Miss?” the latter even asked. Bahagya siyang umiling. “Hindi na. Malapit lang naman dito sa hall, eh, kaya kaya ko na.” “Sigurado ka?” She surely nodded, at tumuloy na nga. Pagkarating sa loob, humarap siya sa malaking salamin sa tapat ng isang sink at nag-retouch ng pressed powder. Kahapon pa, actually, sila nakarating dito sa Surigao del Sur, at kasama niya all along sina Austin at Ruth para nga sa action na gaganapin ngayong araw at sinisiguro niyang gagawin n