The instrumental started. Elise was wearing a beautiful wedding gown. Nakangiti siya habang marahang naglalakad patungo sa dulo kung saan naghihintay sa kaniya si Kier sa altar. Hindi nakatakas kay Elise ang nangingislap na luha sa mga mata nito lalo noong nakalapit pa siya. Habang siya ay masaya lang talaga sa araw na iyon. Hindi maalis ang magandang ngiti sa mga labi niya. Hindi niya alam kung bakit umiiyak si Kier. Siguro ay tears of joy. But really, dapat pareho lang silang nakangiti sa araw na ito. It was a happy day. Masaya ang lahat. Ang pamilya ni Kier, sila Mara at ang mga anak nila ni Mike na naroon at isa sa mga imbitado. Sa araw na iyon ay natupad na ang pangarap ni Elise. Pinangarap niya noon ang maglakad sa aisle na ito at sa dulo naghihintay ang lalaking magiging asawa ni