"Elise..." namutawi sa mga labi ni Stefan. Ilang sandali silang nakatingin lang sa isa't isa bago may tipid na ngiti ang ginuhit ni Elise sa kaniyang mga labi. "Stefan, Catherine," she formally greeted the two. Tipid naring ngumiti sa kaniya si Catherine. While Stefan stayed a bit stunned. "Anak n'yo..." puna ni Elise na nakatingin na ngayon sa batang lalaki. Makikitang kamukha ito ni Stefan... "O-Oo..." sagot sa kaniya ni Catherine. "May appointment kami ngayon sa Pedia niya... uh," Bumaling ito kay Kier na nanatili sa kaniyang tabi. Tumango naman si Kier at giniya na ang mga ito—mukhang ito pa ang Pedia ng anak nila Stefan at Catherine. "Elise," tawag sa kaniya ni Kier. Maagap naman siyang bumaling sa lalaki at tumango. "Sige, babalik narin ako sa Ward." paalam din niya. T