"Nurse Elise!" malapad ang ngiting sinalubong sa kaniya ni Angie, isa sa mga batang pasyente ng ward. Ngumiti si Elise at nilapitan ito. Bahagya niyang inayos ang medyo nagulo nitong buhok. She also checked her IV. Hindi pa siya nag-iisang buwan rito sa ospital ng mga dela Cuesta, and she's definitely loving her job here. Maayos ang pamamalakad at nakasundo pa niya agad ang mga kasamahang Nurses din at ilang Doktor at staff. It's been years. Bumalik noon si Elise sa kinalakhang probinsya para maipagpatuloy ang nahinto niyang kurso. Ginamit niya ang perang naipon mula sa pagtatrabaho sa mga Prieto. Nang makapagtapos at maipasa ang board ay sa tulong narin nila Mara at Mike ay agad siyang nakapagtrabaho sa ospital na pinapasukan din ng kaibigan. Nilibot ni Elise ang tingin sa iba pan