Sa mga sumunod na araw at linggo ay nagbalik naman sa dati ang lahat. Pumapasok nang muli si Stefan sa trabaho at nagkakasama sila. 'Yon nga lang ay hindi na ito ganoon kadalas umuuwi sa kanilang condo. Ayos lang naman. Bumabawi naman ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng kung ano anong regalo at lagi pang may kasamang magandang bouquet ng mga paborito niyang bulaklak. Nagkatinginan sila matapos ilapag ni Elise sa malapad na desk ng kaniyang boss ang mga papeles na kailangan nitong pag-aralan at pirmahan. Sumilay ang isang ngisi sa guwapo nitong mukha at tahimik siyang sinenyasang lumapit dito. Nangingiti narin siyang umiling at unti unting lumapit sa lalaki. Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kinauupuan nitong swivel chair ay hinila na siya nito at kinandong. Kumawala ang ma