Ngunit minsan ay nagiging malupit sa atin ang mga pangyayari. Kapag akala mong ayos na. Masaya kana. Parang muling ipapaalala sa iyo na hindi pa pala. Na pagkatapos ng saya ay sadyang may kasunod na sakit at kalungkutan—reminding us all that life is always like that. Hindi palaging maganda ang takbo ng buhay. Hindi palaging masaya...
"I am not marrying that woman!" parang kulog ang boses ni Stefan sa loob ng opisina nito.
Tahimik lang si Elise na nakikinig habang kaharap ang pinto ng office. Nasa loob ngayon ang mga magulang ni Stefan. Kinukumbinsi ng mga ito ang panganay na anak na pakasalan ang napili ng mga itong mapapangasawa ng anak.
Dinama ni Elise ang kaniyang puso sa pamamagitan ng paglapat ng nakakuyom na palad sa kaniyang dibdib. Halos hindi na niya maramdaman iyon. Para bang unti-unting namamanhid. Nawawalan ng pag-asa at takot. Natatakot para sa mga susunod na mangyayari.
"Stefan, son, give this a chance." anang boses ni Vivienne Prieto habang kinakausap ang anak. "Catherine Villegas is a good woman! And you deserve someone like her for a wife—"
"I already told you! I have a girlfriend—"
Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Elise. Mukhang sa ganitong pagkakataon na yata masasabi ni Stefan sa mga magulang nito ang tungkol sa kanila.
"Dominic!"
Ngunit naputol na ang pagtatalo sa loob nang biglang napasigaw si Vivienne tawag ang pangalan ng asawa nito.
Naging mabilis ng mga pangyayari na hindi na halos masundan ni Elise. Sinugod si Dominic Prieto—ang ama ni Stefan—sa ospital. Inatake ito sa puso at hindi naging maganda ang kalagayan nito ngayon habang naka-admit.
Stefan was guilty. Sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa ama nito. "Kapag may nangyari pa kay Dad..." umiling ito at kita ni Elise ang pagtulo ng luha sa pisngi ng kasintahan.
Mahigpit niya itong niyakap para aluin at makaraan ay giniya patungo sa naghihintay nitong sasakyan. Si Josef na ang nag-drive no'n pauwi sa kanilang condo dahil wala sa ayos si Stefan para makapagmaneho pa.
Ilang araw naring naka confine pa rin sa ospital ang ama nito. Nagalit na rin si Vivienne Prieto sa anak at mukhang ito pa ang sinisisi sa nangyari sa asawa. Kaya naiintindihan ni Elise kung nagkakaganito man ngayon ang kasintahan. And she promised to herself na hinding hindi niya ito pababayaan lalo pa ngayon.
At nagtuluy-tuloy ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay niya. Hiniling pa rin ni Dominic Prieto sa anak ang pagpapakasal nito kay Catherine Villegas. Kasalukuyan din kasing humaharap sa problema ang kompanya ng mga Prieto at makakatulong ang mga Villegas.
Parang sinaksak ng punyal ang dibdib ni Elise sa riyalisasyon. Wala siyang magagawa para makatulong kay Stefan sa kahit na ano. Sa problema man nito sa pamilya lalo na sa kompanya. Sa katunayan ay dagdag pa siya sa mga pasanin ni Stefan. Hindi tulad ng babaeng nakatakda nitong pakasalan na alam niyang may kakayahang tulungan si Stefan at ang pamilya nito...
"It's okay, Stefan... Kailangan ka ng pamilya mo ngayon..." halos wala sa sariling nasabi niya sa kasintahan isang gabi.
Nasa balkonahe silang dalawa ng kanilang condo. Tumingala si Elise sa kalangitan at napagmasdan ang napakaraming kumikinang doon. Maganda ang panahon. Hindi nakiayon sa nararamdaman niya sa kaniyang kalooban na parang binabagyo.
"Elise..." bigong tawag sa kaniya ng nobyo.
Nagpakawala siya ng isang marahang buntong-hininga bago muli itong binalingan at hinarap. Agad siyang nasaktan sa nakikitang nasasaktan din ito ngayon. Namumula ang mga mata. He looks frustrated and tired but there was still determination in his eyes as he looked at her. Na para bang sinasabi nito sa kaniya gamit ang mga mata nitong nakatitig lang sa kaniya na magiging maayos din ang lahat...
Nakagat ni Elise ang pang-ibabang labi sa pagpipigil ng hikbi na kumawala pa rin. She was fast to close the distance between them and hugged the man she love so tightly. Para bang ayaw na niya itong makawala sa klase at higpit ng yakap niya dito. Iyon naman talaga ang totoo. Ayaw niya itong mawala sa kaniya! Ngunit parang iyon pa ang hinihingi sa kaniya ng kapalaran. Inalala niya kung sobra sobra ba siyang naging masaya sa mga nakaraang taon para bawian siya ng ganito! Siguro... Siguro nga naging sobrang masaya siya dahil kay Stefan! Simula nang makilala niya ito. At ngayon ito rin ang kukunin sa kaniya dahil ito lang din ang makakapagdulot sa kaniya ng sakit at kalungkutan. Ganoon naman, hindi ba... palagi, pinapatikim lang sa atin ang saya. Tapos ay binabawi rin at pinapalitan ng pait ang saya.
"I'm sorry, baby..." basag ang boses nito habang kinakausap siya. Nanatili lang silang magkayakap. "Forgive me, Elise... But I promise. I'll make a way out. Tayo pa rin sa huli." naramdaman niya ang mariin nitong halik sa kaniyang buhok. "Ikaw lang ang mahal ko. I will always be here for you. Hindi ako mawawala kahit pa pagkatapos ng mangyayari."
Iyon ang huling gabi na legal pa sila. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos... Dahil sa mga sumunod na araw ay naroon siya. Sa malaki at napakagandang ayos ng simbahan. Sa mismong kasal nito... Kasal ng lalaking pinakamamahal niya.
Ang lalaking akala niya noon ay sa kaniya lang makikipag-isang dibdib. At siya lang din ang magiging asawa nito...
Ngunit sadyang malupit ang kapalaran... Lalo na siguro sa mga tulad niyang minsan ay labis labis ding nakadama ng kaligayahan... Kaya sobra din kung bawian.
"Do you take Lloyd Stefan Prieto as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
"I do." walang pagdadalawang-isip iyon na sagot galing kay Catherine. Nakangiti ito at masayang maikasal sa lalaki.
"Lloyd Stefan Prieto, do you take Catherine Villegas as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Natahimik ang lahat. Matagal bago nakasagot ang lalaki. "I do," sa huli ay nasabi rin nito sa halos pabulong na boses.
Nagbaba ng tingin si Elise at naipikit na lamang ang mga mata. Good thing that she was seated at the last seats at the back with Josef beside her. They were invited. Kahit papa'no ay nagtatrabaho pa rin sila sa mga Prieto. Particularly Stefan Prieto na mismong CEO. At kasal ito ng kanilang boss...
"I now pronounce you husband and wife."
Kasunod no'n ang magarbong palakpakan na pumuno sa loob ng simbahan.
Tumulo ang luha mula sa mga niyang nanatiling nakapikit at nakababa ang ulo. Hindi na muling nag-angat ng tingin si Elise at alam naman niya. Inaasahan naman ng lahat ang susunod na mangyayari. Ang mga labing noon ay kaniya lang ngayon ay hahalik na sa labi ng iba...
Para siyang unti-unting pinapatay simula pa man.