bc

Unrequited Love (Taglish)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.6K
READ
forbidden
possessive
escape while being pregnant
maid
mafia
kicking
Writing Academy
Girlpower Revenge Writing Contest
waitress
like
intro-logo
Blurb

Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang isang prince-ping gaya nito. Years of unrequited love and he propose something to her. Isang deal na hinding-hindi niya pakakawalan. Hindi nga lang niya napaghandaan ang bawat sakit na kaakibat ng deal na hininge nito sa kanya. Hindi niya napaghandaan na kasabay ng pagmamahal niya rito ay ang mga taong handang gawin ang lahat upang mai-layo sila sa isa't isa. Hindi niya napaghandaan ang sakit na idinulot nito sa kanya dahil sa kabila ng pagbibigay niya ng kanyang sarili dito ay ibang babae parin ang itinitibok ng puso nito. She was just a passing fancy to him. She was just a rebound girl. She was just his f**k Buddy.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tulala akong nakatitig sa puting bagay na nakapatong sa maliit naming lamesa. Halo-halo ang aking nararamdaman. Kaba, takot at kakaibang saya. Halos sarado ang utak kong mag-isip at nakatitig lang ako sa puting bagay na iyon. Humagulhol ang mama ko. Kanina pa siya umiiyak. Nang makita niya ang resulta ay humagulhol na lamang siya. "ang senyorito rave ba ang ama niyang dinadala mo, freedom?" tulala akong bumaling ng tingin kay mama. Naiiyak ako. Naiiyak dahil hindi ko naisip ang posibilidad na mabubuntis ako My conscience were eating me. Si mama na naghihirap sa paglalabada matustusan lamang ang aking pag-aaral at mga pangangailangan at ako na nangarap ng magandang buhay para sa amin. Sa isang gabi ng kapusukan ay nagresulta ng panghabang buhay na responsibilidad I stared at my crying mother. Puno ng hinagpis at di mailarawan na pagod ang kanyang mukha. She's already old. I should've think of the consequences. Pero nabulag ako. Sarado ang isip at ginustong sundin ang nararamdaman at tawag ng laman. "s-sorry m-mama. Sorry. _sorry po" I cried. I cried my heart out. Hagulhol namin ang naging ingay sa katahimikan ng gabi. Tatlumpung minuto bago kame kumalma ni mama at tumitig sa kawalan "anong plano mo? Isang taon na lang at gagraduate kana free at alam mo ang buhay naten dito sa probinsiya. Kinausap ako ng senyora anak. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pero wala akong magawa. Kailangan nating umalis at lumayo sa lugar na eto. Para sa iyo at sa kaligtasan ng magiging apo ko" bumuntunghinga ako. Puro buntunghinga ang ginawa ko. Naninikip ang dibdib ko. Nag-aalala kong tinitigan ang nanay ko. Ginagap niya ang aking kamay at punung-puno ng pang-unawa akong tinitigan. Katatagan ang mababalatay sa kanyang pagod na mukha. "makikipagsapalaran tayo sa maynila anak. Pilitin mong kayanin na bumyahe ngayong madaling araw. Nakiusap ako kay senyora na bigyan tayo hanggang alas singko ng umaga" tumango ako. Hindi na ako makapag-isip ng tama at tuwid. Idagdag pa ang patuloy na panghihina ng katawan ko dahil sa paglilihi. Ayokong isipin ang mga kayang gawin ng Senyora Ermita Simon. Kilala siya sa buong lalawigan ng norte sa bayan ng Remedyos. Nagtatrabaho ang nanay sa hacienda Simon bilang labandera. Tuso at mapanganib kapag binangga ang patriarcha ng pamilya Simon. Idagdag pang walang lugar ang mga mahihirap na gaya ko sa pamilya nila. Nagkataong umibig ang hangal kong puso sa isa sa limang apo na lalaki ng senyora. Rave Matthias Simon, siya ang panganay na apo at ang siyang magmamana ng halos karamihan ng mga ari-arian ng kanyang pamilya. Alam ko ring ikakasal na siya sa babaeng pinili ng kanyang abuela para sa kanya. Business ventures and arranged marriage were always a thing for the rich like them. Kaya naman nang matunugan ng senyora ang nangyayari sa amin ng apo niya ay madali niya akong kinausap, pinagbantaan. Marami na akong naririnig patungkol sa ilang tauhan ng senyora na kanyang inutusan upang ipapatay ang taong gusto niyang mawala sa kanyang landas. Matagal na kameng naninirahan sa remedyos kaso dahil sa makasarili kong hangarin at sa tanga kong nararamdaman ay hindi ko na naisip ang konsekwensiya ng ginawa ko. Saan na kame ngayon pupulutin ng nanay ko. Wala pa akong ibang lugar na napuntahan maliban sa remedyos. Takot akong makipagsapalaran dahil wala naman akong ibang kamag-anak na kilala. Buong buhay ko ay sa remedyos na ako nagkaisip at lumaki. Ano na ngayon ang mangyayari sa amin ni nanay Malakas ang ulan nang ginising ako ni nanay dahil nandoon na raw si mang kardo, iyong pinakiusapan niya na nagtatricycle para ihatid kame sa sakayan papuntang daungan ng barko pa maynila. Dalawang araw pa ang lalakbayin namin. Natatakot talaga ako. Pilit ko lang nilalakasan ang aking loob. Sa huling sandali ay tinignan ko ang napakalaki at lawak na mansiyon ng mga Simon. Hindi ko naisip na aalis ako sa lugar kong saan ako lumaki at nagkaisip. Bakit ganon? Nagmahal lang naman ako. Mali bang ibigay ang iyong sarili sa lalaking kusang itinatangi ng iyong puso. Nagkataon lang na mayaman ang lalaking minahal ko. Dapat talaga hindi ako palageng nanunuod ng cindrella na pelikula. Nangarap pa naman akong maging si Cinderella ang buhay na tatahakin ko. Sino ba ang hindi mangangarap na maikasal sa isang mayamang lalaki, lalo pa at yung lalaking yun ay mahal na mahal mo. Kaso may wicked grandmother ang prince charming ko. At alam kong sa kabanata ng buhay ko ay napakaimposibleng maging kame ng lalaking itinatangi ko. Walang nagkakatuluyan na mayaman at mahirap sa totoong buhay. Sa kwento lang ni cindrella  nangyayari yun. Pero kahit pa. Mayaman parin naman si cinderella kong tutuusin. Ako naman ay walang-wala talagang maipagmamalaki. Unti-unting tumulo ang luha ko at nanikip ang dibdib ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni nanay sa akin ng mahigpit. Wala na. Wala na talaga kameng pag-asa ni rave na magkatuluyan.  - Nakakapagod ang dalawang araw na biyahe namin. Halos pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang panghihina. Nakakahilo ang bawat alon, idagdag pa ang ilang beses kong pagsusuka na halos wala naman din akong nilalabas. Ang nanay ko ay ilang beses akong hinilot at pinaamoy ng white flower upang bumalik lang ang kulay ko at mawala ang pamumutla. Nakahinga lang ako ng maluwang ng makaapak ang paa ko ng patag. Hindi talaga ako sanay sumakay ng barko dahil hindi naman din ako mahilig magbiyahe. Pumara ang nanay ng taxi at may binigay siya na address sa taxi driver "saan tayo titira dito ma?" nilibot ko ang paningin sa labas ng bintana ng taxi. Mga batang naglalaro at iba't ibang kabahayan ang aming nadaanan bago kame nakalusot at malinis na kapaligiran na ang aking nakikita. Ginagap ni nanay ang aking kamay at mariing pinisil "uuwi tayo sa bahay namin anak" mabilis akong napalingon kay nanay, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong bahay? "may bahay tayo dito ma?" umiling siya. Naghihirap ang mga mata niyang akong tinignan. Pati ako ay nahihirapan habang nakikita ko na nahihirapan si nanay magsalita kaya hinayaan ko na lang na gagapin niya ang kamay ko at hindi ko na siya pinilit magsalita Pumasok sa isang subdivision ang taxi. Mabuti at pinapasok kame ng guard. Bumaba pa muna si nanay bago may idinayal ang guard at kinausap ni nanay. Tapos saka kame nakapasok. Mahigpit din ang seguridad. Pagpasok ay namangha ako sa iba't ibang ganda at laki ng bahay na bumungad sa akin. Hindi ko na nga alintana ang ilang beses na pagpisil ni nanay ng mahigpit sa aking kamay. Huminto sa isang kulay asul na gate ang taxi. Bumaba kame ni nanay at pinasalamatan ang driver saka pinindot ni nanay ang doorbell "kanino etong bahay ma?" nginitian ako ni nanay saka ginulo ang aking buhok. Grabe ginawa niya akong bata. I am already twenty-one years old and yet she treats me like a child. Bumukas ang gate at niluwa ang isang nakangiting may-edad na lalaki katabi neto ang isang seryoso pero maganda parin at may-edad na babae na hindi nalalayo ang edad kay nanay. Tinignan ko si nanay at ngayon ko lamang siya nakitang may maaliwalas na mukha sa kabila ng pagod sa kanyang itsura. Nakangiti din si nanay habang may luha sa kanyang mga mata "kuya" rinig kong bulong niya. Nagulat ako kaya pabalik-balik ang tingin ko sa  lalaki at kay nanay. "ate" sabi ulit ni nanay. Hanggang sa narinig kong tumawa ng malakas ang lalaki at ilang beses kong narinig na nagsorry si nanay. Ate siya ng ate at sorry ng sorry. Wala akong naiintindihan! Niyakap ng  lalaki si nanay at ni tap ang likod neto. Nang ang  babae na ay bigla etong umatras at sinamaan ng tingin si nanay "at last the prodigal daughter is home" mapang-uyam netong sabi. Doon lamang nag sink-in sa akin na ang mga kaharap ko ay ang pamilya ng aking ina. Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ng mabilis ang aking puso. Ang malaking bahay sa likod nila ay nagpapatunay na mayaman ang pamilyang kinabibilangan ng nanay ko. Buong buhay ko ay namuhay ako ng simple at naayon lamang sa kong ano ang meron kame at kayang ibigay ng aking mga magulang. Ni hindi ko akalain na sa hindi ko pagkilala sa kamag-anakan ng mga magulang ko ay may itinatago pala sila sa akin. Kong hindi ba nangyari ang pagbubuntis ko at pagpapalayas sa amin ay wala bang balak ang nanay na sabhin sa akin ang katotohanan? Parang kuntento na kasi ang nanay sa pagtira namin sa remedyos. "ate patawad, I-i m so sorry" iwinasiwas ng babae ang kanyang kamay saka ako tinignan. Mapanuri ang kanyang tingin "Is this your daughter with him?" may pait akong narinig sa kanyang tanong. Yumuko si nanay at tumango. Matagal akong tinitigan ng babae. Sinusuri. "She looks exactly like me, fria. Mas mapagkakamalang anak ko siya kesa anak mo. Let's get inside and talk" ang boses niya ay punung-puno ng otoridad. Nginitian ako ni nanay at hinawakan ang aking kamay "siya ang tita Fiona mo anak. Siya ang nakatatanda kong kapatid na babae. Siya naman ang tito raul mo. Siya ang panganay sa aming tatlong magkakapatid" I was gaping. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng nangyayari. Nabuntis lang ako. Pinalayas lang kame. Tapos ganito ang malalaman ko. What is it with my mother?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
211.1K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.0K
bc

Faithfully

read
266.2K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.4K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook