Chapter 2

2427 Words
Malaki at malawak ang bahay ng mga Leviste. Puting-puti ang kabuuan ng kulay ng bahay. Halos masasalamin mo na ang iyong sarili sa sobrang kintab ng sahig. Dumiretso kame sa komedor o kong tawagin ay dining area. May katulong doon na nag-aasikaso ng mga pangangailangan ng pamilya. Idagdag pa ang masyadong nakakatakot na awra ng kapatid ng nanay ko. Nakaupo siya sa pinakagitna ng hapag-kainan na alam mong siya talaga ang batas sa lahat. Nasa kanan niya si tito raul na maaliwalas ang bukas ng mukha at si nanay ay sa kaliwa. Katabi ko naman si nanay. "buweno at kumaen muna tayo. Gusto kong pag-usapan ang sadya mo fria sa mismong opisina ko" kaya kahit nanginginig at kinakabahan sa sobrang kapal at init ng atmospera ay kinaya at pinilit kong lunukin ang bawat kanin at ulam na sinusubo ko. Kitang-kita ko parin na kinakabahan si nanay pero pilit niya akong nginingitian. Sobrang awkward na kong hindi lang sa ilang beses na kwento at ngiti tapos halakhak ni tito raul ay baka gugustuhin ko na lamang na hindi sumabay sa pagkaen. May something kasi si nanay at tita Fiona. Ewan ko ba at malakas ang pakiramdam ko na may alitan sila. At kanina ko pa nga rin iniisip kong bakit ngayon lang umuwi si nanay sa kanila. Maayos at maganda naman pala ang naging buhay niya noon pero bakit siya nagtitiis na maglabada at maging tauhan ng senyora ermita. Kahit si tatay noon ay wala ring sinasabi noong nabubuhay eto. Basta palage nilang pinaparamdam ni nanay na mahal na mahal nila ako. Pagkatapos kumaen ay kinausap ako ni nanay na antayin ko na lamang daw siya. May pinatawag siyang isang matandang katulong na siyang sumama sa akin sa itaas ng malaking bahay. Binuksan ng matanda ang isang kwarto at nakamamangha kong gaano kaganda, kalaki at kalawak ang kabuuan ng kwarto. "eto ang kwarto ni mam fria iha. Matagal na panahon narin magmula ng mapilitan siyang maglayas at hindi na nagpakitang muli. Natutuwa akong bumalik na siya" mamasa-masa ang mga mata ng matanda. Ginagap niya ang aking kamay "ikaw ang anak nila ni Richard hindi ba. Kay ganda mong bata" iniwanan ako ng nagpakilalang si yaya beth. Siya daw ang nag-alaga sa tatlong magkakapatid kaya parang anak na ang turing niya sa kanila. Marami pa sana akong gusto at nais itanong kaso ay hinayaan ko na lamang si yaya beth. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Kulay pink eto na hinaluan na itim na disenyo. Malinis at maaliwalas dahil bukas din ang glass panel ng terrace at nililipad ng hangin ang puting kurtina. Tinignan ko ang mga pictures na nakadisplay sa ibabaw ng tv at napangiti ako. Kasama ni nanay si tita Fiona at tito raul. Halata sa mukha nila ang saya sa nakangiti nilang larawan. Pinapagitnaan nila si tito raul at nakaakbay eto sa kanila. Malaki ang ngiti ni nanay samantalang ang ganda at aliwalas naman ng mukha ni tita Fiona. At habang nakatitig ako sa kabuuan ng kanyang itsura ay di ko maiwasang pagkumparahin ang itsura namin. Kamukhang-kamukha ko siya! Kaya pala titig na titig siya sa akin kanina. Natapos ko ng malibot ang kwarto. Magmula sa walk-in closet na may mga gamit pa yata ni nanay noong dalaga siya. Sa napakalaking bathroom. At sa terrace na nilabas ko kanina at kitang-kita ko ang ganda ng tanawin sa labas neto. Nilingon ko agad ang pintuan ng bumukas eto. Akala ko ay si nanay na. Pumasok ang isang dalagang alam kong hindi nalalayo sa edad ko. Nakataas ang kanyang kilay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa kasunod ang isa ring dalaga. Tingin ko ay mga disiotso ang edad at pangatlo ay mga kaedaran ni nanay. Nakangiti ang ginang sa akin "you must be fria's daughter" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakatitig lang sa amin ang dalawang babae. Nakahalukipkip ang matanda samantalang taas kilay naman ang mas bata. "these are my daughters iha. Mga pinsan mo sila. Si Aviona at Ava. Ako naman ang tita vanna mo, asawa ako ng iyong tito raul na siyang kapatid ng mama mo" magiliw ang ginang. Halata na mabait siya dahil palage siyang nakangiti at kitang-kita na maaliwalas ang kanyang mukha. Kaso ang kanyang pabango ay hindi ko nagustuhan. Kanina pa ako nagpipigil ng hininga. Hawak niya kasi ang aking kamay at nahihiya akong bumitaw. "mom, stop holding here. She looks weird" sabi ng mas bata na nakangiwi pa habang nakatitig sa akin. Binitawan naman ako ng ginang. Mabilis akong pumunta sa bathroom at dumuwal. Hinang-hina ako. Ni hindi ko namalayang sumunod pala sila sa akin "are you okay iha" pumasok ang ginang at sinalat ang aking mukha. "you look pale" sabi ni aviona ang mas matanda sa magkapatid "a-ayos lang po ako. Sabi ni mama normal lang daw po sa isang buntis ang ganito kapag naglilihi. Their mouths were gaping habang nakatitig sa akin "you're pregnant? How old are you? You still look so young." ewan ko ba at basta na lamang akong naiyak. I saw judgement in their eyes. Nasasaktan ako bigla-bigla. Masyado akong sensitive magmula ng mabuntis ako. Inakay ako ni tita vanna at pinaupo sa kama. Inutusan niya si ava na kumuha ng maligamgam na tubig para mapainom sa akin. Bumuntunghinga ang ginang. "Does your mother tells you the story why she left home" tinignan ko si tita vanna. Inaarok kong may alam siya. Halata kasi na alam niya kaso bigla siyang umiling sa akin. "wala kang alam. As much as I want to tell you. Gusto kong si fria ang magkwento sa iyo kong bakit siya lumayas sa bahay na eto. You know your mother is the most kind and understanding person I've ever known. Kaya naman nalungkot ako nang malaman kong nabuntis siya at lumayas" pilit na ngiti ang binigay sa akin ni tita vanna. Pagbalik ng anak niya ay pinainom niya agad sa akin ang maligamgam na tubig para daw bumuti ang pakiramdam ko. Tapos ay tinanong niya ako kong nagpacheck-up na ako na inilingan ko lang. And she called their family doctor. Gusto niya raw malaman ang kalagayan ko at ng baby at para maresetahan narin daw ako ng vitamins. Ang payat payat ko daw kasi at namumutla. "eto ngang si aviona ay pinipilit ko ng mag-asawa. Haynaku iha at mas gusto niyan gumala ng gumala. Ayaw na ayaw magpakulong sa isang lalaki. She's already twenty-five and yet she is still enjoying pa daw. Sana naman ay magkaayos na si ate fiona at si fria. For sure ay lalambot din ang puso ni ate ngayon pang magkaka-apo pala siya. Hindi mo naitatanong at mahilig si bata si ate fiona." and tita vanna talks a lot nag-enjoy ako sa bawat kwento niya idagdag pa na hindi naman umalis ang dalawa niyang anak at nakikinig lang sa nanay nila. Nakikita ko ang palagiang pag-ikot ng mata ni ava at ang pag-ismid ni aviona sa kay tita vanna. Hindi naman sinisita ng ginang ang mga anak. Iniirapan lang. "you are so talkative mom" humagikhik si tita vanna. Naputol ang kwentuhan ng may kumatok at bumukas ang pintuan kasunod ang pagpasok ni nanay na magang-maga ang mga mata. Si tito raul ang kasunod niya saka si tita fiona. Kanina ko pa iniisip kong nasaan ang mga magulang nila. Kaso nahiya naman akong itanong. "daddy" magkasabay na tawag ng magkapatid. Umikot ang mata ni tita vanna. And I heard her say daddy's girl much. Napangiti tuloy ako. "iha, kukunin ko na ang mag-iina ko. We'll talk tomorrow okay. Magpahinga ka muna at sabi neto ni fria ay hirap kang magbuntis. Congratulations nga pala tito tap may head saka inakay si tita vanna palabas ng pintuan ng kwarto kasunod si aviona at ava na nakangisi pang kumindat kindat sa akin. Nang tatlo na lamang kameng natira ay tumukhim si tita fiona saka niya ako tinaasan ng kilay at umupo sa upuang naroon. "we want to tell you something freedom. I want you to hear the whole story why your mother left home" maotoridad na sabi ni tita fiona. Nakikinig lamang ako ng magsimulang magkwento si tita samantalang ang nanay ay puro punas ng kanyang bawat luha. Awang ang bibig ko at tinitigan ang matigas at halos walang ekspresyon na mukha ni tita fiona. I now know why she's so tough and she's hiding behind her strong demeanor. Mom was pregnant that's why she left home. Pinalayas siya ng kanilang mga magulang dahil nabuntis siya. Nabuntis siya ng asawa ng kanyang kapatid. Papa Richard was tita fiona's husband. Ang sakit malaman ng lahat ng katotohanan patungkol sa aking pagkatao. Ang sabi ni tita fiona ay alam niya kong saan nakatira si nanay at ang kanyang asawa. She talked to them. Nakiusap ang tatay na hayaan na lamang sila ni nanay na mamuhay ng tahimik. Kahit nasasaktan ay pinilit tanggapin ni tita fiona ang lahat. She annulled their marriage. She accepted her fate pero hindi matanggap ng mga magulang ang nangyari sa kanilang panganay at sa kanilang bunso. Kahit ilang beses huminge ng tawad si nanay ay hindi eto pinakiharapan ng kanyang lolo at lola. Kaya pala minsan ay umaalis si nanay at isang linggo pa bago siya nakakabalik. Ni hindi ko alam ang dami palang pinagdadaanan ng nanay at tatay. Kaso kilala sa lipunan ang pamilya leviste. Naging tahimik ang hiwalayan at magmula noon ay walang nag-ungkat ng mga pangyayari. Itinuring na patay ang bunsong leviste. "I want you to stay here with me hanggang sa makapanganak ka. Pagkatapos ay mag-aaral ka ulit at tapusin ang kurso mo saka mo kuhanin ang kursong gusto kong kuhanin mo. You will work part-time and study at the same time. Mananatili ang buhay na nakasanayan mo. I want to introduce you to everyone but your mother wants you to remain hidden and safe and live the life of being simple. Kaya naman gusto ko lamang ay sundin mo ang nais at gusto ko. Pagkatapos mong mag-aral ay pwedeng mo ng gawin ang nais at gusto mo. Finish your studies freedom. I will be with you all the way" Ni hindi ko akalain na sa pagtapak namin ng maynila ay makikilala ko ang totoong katauhan ng nanay ko. Sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan ko, namin ng nanay ko ay hindi ko mapaniwalaan na sa isang iglap lamang ay magbabagong lahat ang aking buhay. The first trimester was very tough. Hinang-hina ang aking katawan sa paglilihi. Mabuti na lamang ay kaagapay ko si nanay at tita Fiona, na nakapalagayan ko ng loob. Ang hidwaang nangyari at naganap dekada na ang lumipas ay naglahong parang bula ng makita ko kong gaano kabuti at nag-aalala si tita fiona sa aking kalagayan. Dalawa sila ni nanay na umaagapay sa aking pagbubuntis at nahihiya na ako sa family doctor ng mga leviste na ilang ulit pinapatawag ni tita fiona sa pag-aalala sa akin. Nang mag apat na buwan ang tiyan ko ay naging maayos ang aking kalagayan. May mga pabugso-bugsong pagduduwal parin pero mas bumuti ang aking kalagayan. Halata sa mga mata ni tita fiona at nanay ang kagalakan sa panibagong supling na dadating sa pamilya leviste. Palage si tito raul sa bahay tuwing sabado ng gabi kasama si tita vanna at ang dalawa kong pinsan na babae na nakapagpalagayan ko ng loob. Si aviona na nagtatrabaho bilang international model at part time blogger at si ava na nag-aaral parin pero nagpapart-time sa coffee shop na pag-aari ng pamilya leviste. The leviste corporation have lots of many subsidiaries. Isa sa mga hawak nila ay ang coffee shop. Mayroon ding model agency. Ang pinakamalaki ay ang LV o Leviste Networks. Ang president ng kompanya ay si tita fiona. Isang tv network na siyang pumapangatlo ngayon sa buong bansa. Maraming artist ang naturang network. Pero napapanatili parin ni tita Fiona ang pagiging pribado ng kanyang buhay ganoon din si tito raul. Kahit si aviona ay nagsimula sa maliliit na project na kalaunan ay naging isang tanyag na modelo. Nang mag seven months ang tiyan ko ay palage na sa bahay si ava at aviona. Palage akong dinadalhan ng cassava cake na sinasaway naman ni nanay dahil kain ako ng kain ng matamis at nag-aalala silang baka mahirapan ako sa panganganak. Pinagsalikop ko ang aking kamay habang nakatitig sa monitor at inaantay ang doctor na kanina pa nakakunot ang noo at tinitignan ang computer. Ginagalaw niya ang aking tiyan. Walong buwan na ang aking tiyan at hirap siyang hanapin ang gender ni baby. Nag-aantay ang pamilya ko sa sasabhin ng doctor. "ang tagal grabe" si tita vanna pa talaga ang kanina pa nagrereklamo. "gosh. I cancelled my appointment just to know the gender of the baby" si aviona nakapagpangiti sa akin. Tuloy ay naiyak na naman ako. Magmula ng makasama ko ang pamilya ng nanay ay nag-iba na ang takbo ng buhay ko. Nawala sa isip ko ang mga dalahin at bigat sa aking dibdib patungkol sa tatay ng aking anak. Kahit hirap ay natutuwa akong makita ang excitement sa mga mata ng mga taong-unti-unti kong pinahahalagahan sa paglipas ng buwan na nakasama ko sila. "there, there. It's a BOY" naghiyawan sila sa galak. Tapos ay bigla akong napatakip sa tenga nang tumili si tita vanna "magbayad ka raul. Panalo ako. I told you. Ang ganda ni freedom. Lalaki ang anak niya. Huwag kang magpapaniwala na kapag babae ay maganda ang nanay kapag buntis" ngumisi si tita at kumindat. Kakamot-kamot si tito raul na kinuha ang kanyang pitaka "tita Fiona. Pay me now. I won" humagikhik si ava. At nakipagpustahan pa talaga si tita fiona. Tuwang-tuwa ang doctor. Inirapan ni tita fiona si ava habang kumukuha ng pera sa kanyang shoulder bag. "brat" Hindi ko na talaga mapigilan kaya humalakhak na ako. I am very happy. Whatever that happens in the past will remain in the past. Habang nakatingin ako sa mga taong nasa loob ng laboratory room ng ultrasound ay hindi ko maiwasang magpasalamat sa Diyos. They should be enough for me. Ang ngiti at kanilang tawa ay nagbibigay sa akin ng lakas upang magpatuloy sa buhay at  huwag matakot. I should accept my fate that Rave Matthias Simon, the father of my child, will never be mine and cannot be mine. His too high for me. Idagdag pa ang mga matapobre niyang mga kamag-anakan at ang mapanghusga niyang abuela. I shouldn't think of anything but my child. Maraming magmamahal sa kanya at alam kong magagabayan siya ng maayos habang lumalaki. Nagkatitigan kame ni tita Fiona. Gone was the intimidating aura. She smiled at me. I mouth thank you because I can't tell how much she mean to me now. "magiging maayos ang lahat anak. Magtiwala ka sa Diyos" bulong ng nanay ko habang pinupunasan ang aking tumutulong luha. Nakangiti ko silang tinignan isa-isa kasabay ng mumunting bulong ng pasasalamat sa nasa ITAAS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD