Pinarada ni rave ang sasakyan sa labas ng gate ng malaking bahay ng mga Leviste. Sa buong durasyon ng biyahe ay hindi ako inimikan ni rave. Seryoso siyang nagda-drive at hindi man lang ako binigyan kahit sulyap man lang. Walang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Kinakabahan na nga ako e, anong plano niya? Kukunin niya ba sa akin si riley? Ni hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya habang kausap ko si riley. Is he going to talk to tita fiona and ask her the custody of our son. Ang dami dami kong iniisip idagdag pa na halos hindi ko na napasukan ang ilang subjects ko sa school. Bumaba si rave at hindi ko na inantay na pagbuksan niya ako ng pinto. Nauna akong pumasok sa loob ng ancestral house. Kinakabahan talaga ako. Taka kong tinignan ang bukas na gate. Wala din akong nakitang