I tucked him to bed. Pinilit kong buhatin ang senyorito at pahigain sa kanyang kama. Malalim na ang kanyang paghinga. Ni hindi ko akalaing makakatulog siya sa dibdib ko habang patuloy ang kanyang pag-iyak kanina. Nang maisaayos siya sa kama ay kinumutan ko siya hanggang bewang. Umupo ako sa kanyang gilid at tinitigan ang kanyang maamong mukha. Tulog na tulog ang senyorito. Payapa ang kanyang paghinga. Halata na ang kanyang maiitim na stubbles na nagpangyari upang mawala ang dati-rati napakalinis at boy-next-door niyang mukha. Halos tatlong taon din bago ko ulit siya nakita at habang nakatitig ako sa nakapikit niyang itsura ay kumabog ng mabilis ang aking puso at nakikita ko ngayon na ang lalaking dati kong hinahangaan ay ibang tao na. His already a man now. Nagkaroon na siya ng ilang gatla