Kabanata Seven - Mia POV

1205 Words
Nakatitig lang ako sa taong kaharap ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya sa totoo lang. Ito ung pangalawang beses na nakita ko s’ya ng ganito kalapit at tama silang lahat. Nakaka-intimidate nga ang awra n’ya. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip n’ya at wala s’yang pinapakitang kahit anong emosyon. “Are you done checking me?” tanong n’ya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. “Ano po bang kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kanya. Hindi naman siguro n’ya ako kakausapin kung wala s’yang kailangan sa akin diba. “I need the manuscript,” sabi n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Akala ko ba nagkalinawan na kanina? Kasi may kailangan pang ayusin sa script at wala naman akong magic para isang palakpak ko lang ay naayos na agad. “I will send it to you tomorrow morning sir, may konting revision lang po tulad ng napag-usapan sa meeting kanina.” sabi ko sa kanya. “I’m not referring about the manuscript for the variety show, I’m asking for the drama that you are working as of now. I asked the head writer regarding the manuscript of the show and she pointed it to you. I suppose to review that manuscript yesterday but you did not submit it,” sabi n’ya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Sa dami ng iniisip ko kahapon nawala sa loob kong ipasa ung natapos kong manuscript. Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa katangahan ko. Akala ko ay naisend ko ung manuscript na tinapos ko kagabi habang binabantayan ko si Lance sa ospital. Pinagpuyatan ko pa naman ‘yon. “Sorry Mr. McClay I will send it to you today, I forgot to send it last night. I’m really sorry,” sabi ko sa kanya at napayuko na lang sa katangahan. “Next time pass it on time, I am a busy person and I value my time. I hope this won’t happened again,” sabi n’ya sa akin. “Yes Mr. McClay,” sabi ko sa kanya at tinalikuran na n’ya ako. Napapailing na lang talaga ako sa katangahan ko, sa dami ng pwede kong makalimutan ‘yon pa talagang isend ung manuscript eh kulang na lang kainin ako ng head writer namin sa sobrang pagmamadali nila para lang maipasa ‘yon. Hindi ko rin naman alam na si Mr. McClay rin pala ang hahawak ng drama na ‘yon. Mabilis akong nagpunta sa opisina namin para paisend ko agad sa kanya ang ginawa ko kagabi. “Sis kamusta?” tanong sa akin ng kapwa ko writer. Para kasi akong nabagyo ng pumasok ako dito sa opisina namin. “Ang dami kong kailangang gawin,” sabi ko sa kanila at napabuntong hininga na lang. “Kaloka naman kasi ‘yan ex-boyfriend mo,” sabi nila sa akin at napatango na lang ako. “H’wag n’yo na lang pansinin parang hindi n’yo naman alam na ganun talaga ‘yon. He wants everything to be perfect para maayos ung project and to gain more revenue,” sabi ko sa kanila. Napailing na lang sila sa sinabi ko. Alam nilang ex-boyfriend ko si Mark. Alam ng lahat dito sa opisina na may relasyon kami dahil bago naman kasi kami pumasok dito sa entertainment ay kami na. Nagkaroon na nga lang ng conflict nung naging direktor s’ya dahil kung sino-sino ang nakakasama n’ya at naging busy ako. College pa lang magkakilala na kami ni Mark at do’n nagsimula ang istorya namin. He courted me and I fall in love. Siya ung naging karamay ko sa lahat lalo na ng umuwi sa probinsya si Lola. Kasama ko s’ya sa bahay pero nagbago ang lahat ng biglang mag click ang isang show na ginagawa nila. Madaming nagbago at isa na do’n ang pakikitungo n’ya sa akin. Ang taas na n’ya at ang hirap ng abutin. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa harap ng laptop ko at sinimulan ng isend kay Mr. McClay ang manuscript na kailangan n’ya. Kailangan ko rin tapusin ngayon ang script para sa variety show na inaasahan din n’ya mamaya. Buong maghapon akong hindi umaalis ng opisina at hindi halos tumatayo sa may station ko para tapusin at ayusin ang mga manuscript na nakambak sa lamesa ko. “Mia wala ka bang balak umuwi?” tanong sa akin ni Bea. “Isesend ko na lang ‘tong files tapos uuwi na rin ako,” sagot ko sa kanya. “Sige mauna na kami, ingat ka!” sabi n’ya sa akin at tinanguan ko sila. Ako na lang ang naiwan dito sa loob ng opisina namin dahil uwian na. Normally lahat kami nag o-overtime pero mukhang ako lang ata ngayon ang mag o-overtime. Wala naman akong pasok bukas kaya okay lang saka bawi na rin sa ilang araw kong hindi pagpasok. Inabot din ako ng dalawang oras bago ko natapos at naisend kay Mr. McClay ang manuscript na kailangan n’ya. Pagod na pagod ako kahit na maghapon lang naman akong nakaupo. Eight o'clock na ng gabi at kailangan ko ng umuwi para makapagpahinga kaya naman inayos ko na ang gamit ko at sinugurado kong natapos ko lahat ng dapat kong tapusin ngayon bago lumabas. Muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil paglabas ko kay taong bumungad agad sa akin. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at ramdam ko ung mabilis na t***k ng puso ko dahil sa gulat. “May balak ka bang patayin ako sa gulat?” inis na tanong ko sa kanya. Medyo madilim na rin naman kasi dito sa may hallway. “Nagiging magugulatin ka na ngayon, bawasan mo na ang pagkakape mo.” sabi n’ya sa akin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. “Anong kailangan mo? Wala ng tao sa loob dahil umuwi na lahat ng writer,” tanong ko sa kanya. “May isa pa, kaharap ko ngayon.” sabi n’ya sa akin. “Ano ngang kailangan mo?” tanong ko sa kanya. Wala akong oras makipaglokohan sa kanya at gusto kong magpahinga. “Mag-usap tayo please,” sabi n’ya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Mark ayoko ng gulo, tapos na tayo at wala na tayong dapat pang pag-usapan!” mariing sabi ko sa kanya. Simula ng gawin n’ya ‘yon tinapos na n’ya ang relasyon naming dalawa saka nagsinungaling s’ya sa akin. “Babe please, hindi ko ginusto ung nangyari saka pakinggan mo naman ako.” sabi n’ya sa akin. “Mark tapos na tayo, hindi ko alam kung bakit ka bumalik pero kung ano man ang dahilan mo please tigilan mo na ako.” sabi ko sa kanya. “May iba na ba Mia?” tanong n’ya sa akin. Wala namang iba. Walang naging iba simula nang umalis s’ya at iniwan ako ng walang dahilan pagkatapos ng mga nalaman ko. “Just leave me alone. Alam kong magkatrabaho tayo ngayon sa show pero labas ang personal na buhay natin do’n kaya please maging civil na lang tayo sa isa’t-isa Mark,” sabi ko sa kanya at iniwasan ang tanong n’ya. Ayoko ng balikan kung ano pa ang nangyari noon. Matagal ko ng ibinaon sa limot ang sakit na ginawa n’ya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD