2

1725 Words
Chapter Two Nagising ako dahil sa tawanan mula sa labas ng kwarto. Nang sipatin ko ang oras sa relo ko ay na realize kung pitong oras na akong tulog. Kaya naman bumangon na ako. 10:30 am na. Magaang ba rin ang pakiramdam ko pero gutom. Kaya naman bumangon na ako. Nang buksan ko ang pinto at isilip ang ulo ko'y natahimik ang mga kalalakihan na nasa sala. "Islao, chicks mo?" nanlaki ang mata ng isang lalaki na siyang unang nakapansin sa akin. "Tanga. Boarder ko iyan." Agad na pagtatama ni Islao. "Miss, wala ka bang short?" parungit nito. Saka ko lang naalala na malaking shirt lang ang suot ko. Kaya agad kong isinara ang pinto. Nakaramdam ako ng hiya. Dali-daling naghanap ng short. Nang nakahanap ay isinuot ko iyon. Saka ko dinampot ang wallet ko. Nagbilang pa ng tatlo bago muling binuksan ang pinto. Napatingin na naman silang lahat sa akin. "Hi!" bati ng isa. Mga gwapo naman sila. Magaganda rin ang katawan na katulad kay Islao. "Hi," tipid kong bati. "Saan ka pupunta?" tanong ni Islao na nakatingin sa hawak kong wallet. "Bibili lang ng pagkain." "May pagkain sa kusina. Nagluto si Manang." Itinuro nito ang kusina. Nahiya akong magtanong kung libre ba o may bayad. Pero nagtungo na lang ako sa kusina. May isang ginang akong inabutan doon. "Hala! Ang ganda naman ng bagong boarder." Ngiting-ngiti na ani ng ginang. Abala ito sa paghuhugas ng plato. Pero agad niyang inihinto pagpasok ko. "Hi po!" bati ko sa ginang. "Ako si Manang Wawe," pakilala nito sa akin. Agad pang nagpunas ng kamay saka iyon inilahad sa akin. "Ako po si Prima." "Nagugutom ka ba, hija? May pansit akong niluto." "Magkano po---" "Ahay! Libre lang. Ano ka ba?! Maupo ka't pagsasandukan kita." Dahil sa welcoming na aura ng ginang ay hindi na ako nag-alinlangang maupo at hintayin na lang sa mesa ang pancit. Habang nagsasandok ito ay gumagala ang tingin ko. "Bobo ka ba? Hugasan mo ang ginamit mo!" basa ko sa nakapaskil na notice sa harap ng lababo. Napangiwi ako. Sunod ay gumawi ang tingin ko sa ref. "Tatambay kang bukas lang ang ref? Gusto mo bang habambuhay nang tumira sa loob ng ref? Tanga!" Gosh! Ano bang klaseng notice/warning ang mga iyon? "Ito, hija. Ano bang gusto mo? Juice o tubig?" "Water lang po, manang." Ikinuha naman ako nito ng tubig. Gumawi ang tingin ko sa switch ng ilaw. "Sinong iilawan mo? Multo? Tanga. Patayin mo ang ilaw." Grabe. Hindi ba pwedeng isulat na lang nila ng turn off the lights? Parang ang sungit-sungit naman ng gumawa. "Ito, hija." Paglapag n'ya ng isang baso ay sinalinan din niya ng tubig iyon. Sa pitcher sumentro ang tingin ko. "Last touch, salinan mo!" mahinang bigkas ko. "Kung ikaw ang huling humawak at makaubos ng tubig ay required mong lagyan ng laman, hija," paliwanag ng ginang. Napatango-tango naman dito. Acceptable naman iyon. "Manang, sinong nagsulat ng mga ganyan?" ani ko rito. "Si Islao, 'nak." "Parang galit po siya no'ng sinulat niya ang mga iyan," ani ko. "Aba'y galit talaga, 'nak. May mga pasaway kasing boarders dito. Baka magulat ka pa sa iba. Wala pa iyan." Natatawang ani nito. "Manang, magkano po ito?" turo ko sa pansit. "Anong magkano? Libre nga lang iyan. Ikaw naman. Iyang mga nandyan," turo nito sa cabinet. "Iyan iyong mga pwedeng bilhin. May presyo naman. Ang bayad ay roon mo na lang ilagay," turo nito sa box. Tumango-tango naman ako. "Dito ka po nakatira, Manang?" "Aba'y hindi, 'nak. Tinatawag lang ako ni Islao kapag maglilinis dito o kaya kapag may ipapaluto siya." "Pumipirmi po ba rito si Islao?" kailangan kong malaman iyon para hindi ako magulat paglabas ko ng pinto ng kwarto kung naroon siya. "Aba'y wala namang trabaho ang batang iyan, 'nak." "Po?" sa laki ng katawan ng lalaking iyon ay wala siyang trabaho? "Wala. Iyong kita lang niya rito sa paupahan at iyong allowance na galing sa magulang niya ang tanging income niya. Tambay ba. Pero hindi naman siya naghihirap." Hindi pa rin enough iyon. Sa laking tao niya ay binubuhay pa siya ng magulang niya? Well, wala kaming pagkakaiba. I mean sa akin kasi'y ayaw akong pagtrabahuin ni dad... prinsesita ba. "Pero mabait iyang si Islao. Kung may kailangan ka'y magsabi ka lang sa kanya. Safe na safe ka rin dito. Kung may humarang man d'yan sa 'yo sa labas... sabihin mo lang ang pangalan ni Islao. Safe ka na." Tatandaan ko iyon. "Sige po," ngumiti pa ako sa ginang. "Pero tagasaan ka, 'nak? Bakit napadpad ka rito sa paupahan ni Islao?" "Tagasiyudad po ako, Manang. Nandito po ako sa San Guillermo para hanapin ang sarili ko. Hindi ko po kasi mahanap sa siyudad ang purpose ko." "Sana'y rito mo mahanap, 'nak." "Sana nga po, Manang." Pagkatapos no'n ay nilubayan na ako nito. Ipinagpatuloy nito ang paghuhugas ng pinggan. Nang natapos naman akong kumain ay plano ko sanang hugasan kahit hindi ako marunong pero inagaw ng matanda at siya na raw ang gagawa. Kaya naman lumabas na ako pagkatapos kong magpasalamat. Nang nasa sala na'y naalala kong bumalik sa kusina. Naroon din kasi ang banyo. Pagpasok ko roon ay napansin ko ang nakapaskil na naman sa tapat ng bowl. "Tae/ihi mo, buhusan mo. Alangang ako pa? Tae ko ba iyan?" wala bang matinong words para ipaalala ang dapat gawin? Ramdam na ramdam ko ang sarcasm. Umihi lang naman ako. Pagkatapos ko'y tiniyak kong malinis ang toilet. Sagad sa buto ang sarcasm sa mga nakasulat na paalala ni Islao. Binabasa mo pa lang, parang sinasampal ka na. Paglabas ko't pagdating sa sala ay wala ng tao roon. Bumalik ako ng kwarto. Wala pa ako sa mood mag-ikot-ikot. Kaya naman tumambay na muna ako roon. Nagri-ring ang phone ko pagpasok ko. Agad kong in-check. Ang caller ay si yaya. "Ya?" sagot ko. "Ano ng balita sa 'yong bata ka? Kumusta ka? Okay ka ba? Ano na?" "Ya, isa-isa lang ang tanong. I'm okay. Narito ako ngayon sa San Guillermo at nagrenta ng kwarto." "Nagrenta ng kwarto? Why? Pwede ka namang bumili ng property d'yan para solo mo. Bakit nagrenta ka lang ng kwarto?" napabungisngis ako. Yes. Afford kong bumili ng property if gusto kong solo ang lugar. Pero hindi naman iyon ang purpose ko rito. Mas better na iyong ganito para pwede akong lumarga agad kung hindi ako happy rito. Mas madaling lumipat at umalis sa isang lugar ng walang iisipin. "I'm okay here. Mas madali pong magpalipat-lipat ng lugar kung renta lang ang gagawin ko." "Safe ba d'yan? Ibigay mo sa akin ang address at pangalan ng owner... what if magpasunod na lang ako ng bodyguard at assistant d'yan---" "Yaya, I'm fine here. Don't worry na po. Si daddy nga po pala? Alam ko pong nakita niya akong umalis. Ano pong sabi niya?" "Wala na raw siyang pakialam. Bahala ka na raw sa buhay mo," napabuntonghininga ako. Sabi ko na nga ba. Napagod na sa akin si daddy. Gumawi sa wristband ang tingin ko. Kulay puting wristband iyon na palagi kong suot-suot. "Pero sure ako na sinabi lang niya iyon dahil nagtatampo siya sa 'yo. Mahal na mahal ka ng daddy mo, Prima. Tampo lang iyon panigurado. Mas pinili mong umalis kaysa kausapin siya at ipaliwanag ang nararamdaman mo. Balik ka na rito, hija. Nag-aalala rin ako na wala ka rito sa tabi ko." "Yaya, I'm okay here. Babalitaan naman po kita sa mga nagaganap dito sa akin. Bye po, yaya," hindi ko na hinintay pang pigilan ako nito. Ibinaba ko na ang tawag. Saka pabagsak na humiga sa kama. I'll stay here for now. Mukhang okay naman ang mga tao rito. Pagsapit ng 3 pm ay nagpasya akong lumabas na muna. May malapit na talipapa rito kaya maglalakad-lakad muna ako roon. Dala ko lang ang wallet ko. May mga tambay sa labas ng gate. Mga gwapong tambay na agad sumaludo sa akin nang lumabas ako. Ngumiti lang ako sa kanila bago lumakad na patungo sa talipapa. Tinitignan ang mga nasa paligid. Naa-amaze dahil sobrang mura ng mga nakikita ko. "Tatlong apple po ay 50 lang?" bulalas ko sa tindera. "Oo, ineng. Murang-mura lang ito. Bili ka na. Ngayon lang ito mura. Habol ka na." Agad akong naglabas ng wallet. Kumuha ako ng isang libo roon. "500 pesos po sa apple and 500 pesos sa orange." Malawak ang ngiting ani ko. "Aba! Totoo? Sige, iplaplastik ko na." Tuwang-tuwa na ani ng ginang. Isinupot niya iyon. "Ganda!" tawag ng isang lalaki sa akin. Nakasukbit lang ang damit nito sa balikat at puno ng tattoo ang katawan. Pogi. "Tulungan na kita." Kasama ito kanina ni Islao. Dahil nag-offer ito ay tinanggap ko naman. Siya ang kumuha ng nakasupot na prutas mula sa tindera. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakasunod ang lalaki. "Wow!" excited na turo ko. "Too cheap!" amaze muling lumapit sa isdaan. "Bili na, ineng. Murang-mura at fresh pa." Naglabas akong muli ng isang libo. 50 lang ang kilo ng tilapia. Kaya naman isang libo na ang binili ko. "Ang dami naman," dinig kong ani ng lalaking tattoo-an. "'Di ba!" bulalas ko rito. "Sobrang dami ko nang nabiling tilapia. For only 50 pesos ay may isang kilo ka ng tilapia. Sa isang libo ay may 20 kilos ka na. Sobrang mura." Na-excite pa na ani ko. Napailing lang ang lalaki na parang hindi gets ang logic sa sinabi ko. Hindi lang prutas at isda ang nabili ko. Nang nakakita ako ng bigas na nagkakahalaga ng 35 pesos ay isang sako rin agad ang binili ko. "Aanhin mo ba ito?" pabalik na kami sa paupahang bahay. Buhat nito ang lahat. "Kakainin sa bahay." "Sobrang dami nito---" "Ang mura kasi!" "Hindi porke mura ay halos bilhin mo na lahat. Diyos ko ka, Prima." Pagdating sa bahay ni Islao ay inabutan namin ito sa balcony. Salubong ang kilay at nakatingin sa dala ng hindi ko pa kilalang kaibigan nito. "Ano iyan?" asil ng lalaki sa kaibigan. "Binili ng boarder mo. Porke mura ay binili na lahat," medyo sarcastic na ani nito. "Oh, kunin mo." Ipinasa niya kay Islao ang isang plastic ng isda. "Ulamin mo hanggang magtae ka. Bente kilos na tilapia." "What the f**k?" ani ni Islao. "Sobrang mura, Islao. Nakatutuwa na mura ang presto ng isda at prutas dito." "Kaya bumili ka ng bente kilos? Aanhin mo?" "Ulam," sagot ko naman. Ano bang gagawin sa isda? Hindi ba't uulamin. Anong masama roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD