Ace
AiTenshi
Feb 16, 2017
Part 22: Pangako ng Umaga
Kinabukasan, pag mulat ng kanilang mata ay isang matamis na halik ang iginawad ni kuya Pier sa labi ng kapatid. Hinaplos haplos niya ang mukha nito at maaging tinitigan na para bang bawat detalye sa mukha ni Raven ay kanyang tinatandaan. Ang aking sarili naman ay ngumiti at muli yumakap kay kuya Pier, sininubsob ang mukha sa kili kili at saka muling natulog.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman noong mga sandaling iyon, ang bawat eksenang ipinapakita ng memorya ni kuya Pier ay talagang makabasag puso at malalim na kalungkutan ang idinudulot sa akin. Perpekto sana ang lahat kung hindi limitado ang kanilang oras. Bagamat paubos na paubos at ano man saglit ay maaaring huminto ang lahat, ginugol nalang ito sa masasayang sandali na punong puno ng pag mamahal at lambingan.
Sa pag lipas ng araw mas lumala pa ang kondisyon ng paligid, wala nang tao dahil ang iba ay namatay na. Ang mga gusali ay wasak na at kaunti na lamang ang natitira nabubuhay. Ang bundok na madalas akyatin nina kuya Pier ay abo na rin at hindi na ito halos makilala. Ang sabi sa balita ay isang linggo na lamang at ilang oras ang itatagal ng mundo bago ito tuluyang mawala sa solar system. Ito raw ang kabayaran sa sobrang katinuhan ng tao, ang lahat daw kasi ng sobra ay nakakasama at minsan ay nag reresulta pa ito sa kapahamakan mg lahat.
Isang araw habang abala ang aking sarili sa pag hahanda ng hapunan. Biglang pumasok si Kuya Pier mula sa pinto ng sala. Tahimik itong lumapit sa kapatid at niyakap ito ng mahigpit. "Mahal na mahal kita tol, mahal mo rin ba ako?" ang tanong niya habang nakayakap mula sa likuran.
"Oo naman kuya, mahal na mahal kita. Masaya ako dahil nandito ka." sagot ng aking sarili.
"Mag tiwala ka sa akin tol. Pangako ko na mabubuhay ka." ang bulong nito.
"Ha? Anong ibig mong sabihin kuya? Handa na rin naman akong mawala.. Basta kasama ka, hawak ko pa rin ang kamay mo kahit na sa pinaka huling sandali."
"Iyon din ang nais kong mangyari tol, ang makasama ka hanggang sa huli. Marami salamat sa ligayang dulot mo sa buhay ko. Mas naging makulay ito dahil nandito ka sa aking tabi. Ngayon Raven, sabihin mong nag titiwala ka sa akin." ang seryosong bulong nito.
"Mahal kita kuya, nag titiwala ako sayo." ang sagot ng aking sarili.
Lalong humigit ang yakap ni kuya Pier at maya maya ay ginawaran niya ito ng halik sa labi. "I love you tol, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa gagawin ko." ang wika nya at doon ay mabilis na gumalaw ang kanyang kamay sabay turok ng injection sa leeg ng kapatid habang yakap niya ito.
Nag sisigaw ang aking sarili at pilit na kumawala ito sa pag kakayakap ni kuya Pier. Pero hindi natinag si kuya, naka turok pa rin ang hiringilya sa katawan..
"Kuya- ku--ya ba-bakit? Tulungan moo ak-akkoo. " ang wika ng aking sarili habang nanginginig ang buong katawan at bumubula ang bibig. Gulat na gulat na ako sa pangyayari. Lumalabas na pinatay ni Kuya Pier ang kanyang sariling kapatid.
Napaluhod na lamang si kuya Pier habang tinitigan ang kapatid na naka handusay sa sahig. Maya maya ay umiyak ito at nag sisigaw na animo nasisiraan ng bait. Pinag susuntok niya ang sahig, sinira ang mga gamit sa paligid at inuntog ang ulo sa kusina. Damang dama ko ang pinag halong sakit, lungkot at pag sisisi sa kanyang nagawang pag kitil sa buhay ng pinaka mamahal.
Ako naman ay napaluha na lamang habang pinag mamasdan sila sa ganoong masalimuot na posisyon.
Habang nasa ganoong pag iyak si kuya Pier at dumating naman si Papa sa kusina at nag wika nito. "Pumasok na tayo sa laboratoryo, wala na tayong oras." ang wika nito at doon ay binuhat nila ang aking sarili (Raven) papasok sa isang lihim na silid sa pinaka basement ng bahay.
Muling nag bago ang senaryo ng paligid. Ngayon ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang malaking laboratoryo. Sobrang high tech na ang pasilidad nito. Ang mga monitor ng computer ay halos may sarili nang buhay, kusang kumikilos at nag ttrabaho. Halos malayong malayo na ito sa lab nina kuya Samuel na mano mano ang pag gawa. Dito ay inuutos lang sa computer ang nais nilang mangyari at iyon na ang bahalang gumawa sa lahat.
Inihiga ni kuya Pier ang hubot hubad na katawan ni Raven sa isang lugar at dito ay iniscan ito ng computer ng maraming beses habang ang data ay lumalabas monitor. Tumagal ng ilang minuto ang pag scan habang si papa naman ay naka upo sa isang parte ng monitor at nag dedesenyo ng kamay, paa, at katawan ng isang robot. Ang mga buto sa aking katawan ay isa isang pinapalitan ng bakal na animo nag eedit na larawan sa mga photoshop. "Ilagay mo na si Raven sa converting machine, matatapos na ang desenyo ng kanyang katawan." ang wika ni papa at doon ay binuhat ako ni kuya Pier patungo sa isang ilalagyan na may na hugis oblong. Inilagay niya ako doon at tinurukan ng kung ano anong kable sa katawan. Mayroon sa dibdib, sa braso, sa leeg, sa ulo. Halos lahat ay napuno ng tubo at pag katapos noon ay isinara niya ang hugis oblong na lalagyan at unti unting umakyat ang kulay green na tubig mula dito.
Isang isang nag proseso ang computer. Ang bawat data ay lumalabas sa monitor, tuloy tuloy mahaba at hindi ko maintindihan. Basta ang pag kakaalam ko lang ay ang mga buto sa aking katawan ay binubura ng makina at pinapalitan katulad sa desenyo ni papa sa isang monitor. Ang mga lamang loob ay ganoon pa rin ngunit balot na ng metal ang mga ito. Nakaka kilabot na senaryo iyon at hindi na ito kaya't abutin ng tao. Kaya naman wala ni isa ang makapag paliwanag ng aking arkitektura dahil gawa ako sa isang advance na sibilasyon na 200 taong ang agwat.
Patuloy ang pag scan ng computer sa aking katawan. Sa kabilang monitor naman ay makikita ang pag t***k ng aking puso, pag baba at pag taas ng dugo. Samantalang si kuya Pier naman ay napaupo na lamang sa isang sulok habang patuloy sa pag iyak. "Sabihin mong masama akong kuya papa." ang wika ni kuya Pier.
"Masama kang kapatid iho. Ngunit alam kong mahal na mahal mo si Raven at nais mong dugtungan ang kanyang buhay. Kaya't kahit labag ito sa aking kalooban ay wala akong nagawa dahil nakita ko sa iyong mata kung gaano mo kanais mabuhay ang iyong kapatid. Mahal ko kayong dalawa ni Raven dahil mga anak ko kayo. Alam ko rin na hindi ordinaryo ang iyong samahan ngunit hindi ko nalang ito pinapasin dahil alam kong masaya kayong dalawa sa isa't isa. Sigurado akong masaya rin ang iyong ina sa iyong desisyon. Alam kong gumagabay pa rin siya sa atin mula sa kalangitan." ang wika ni papa sabay tapik sa balikat ng anak.
Katakot takot na scanning code ang lumabas sa monitor..
Maya maya ay lumabas ang katagang..
Completed..
Muling nag bago ang senaryo ng aking paligid. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili na naka tayo sa harap ng isang capsule. Ito na yung sasakyan na ipinakita sa akin nina kuya Samuel sa basement ng bahay.
Buhat ni kuya Pier ang walang saplot na katawan ni Raven at inilagay ito sa loob sa ng capsule. Tinurukan ng tubo at mga kable sa katawan saka binuksan ng monitor. "Ito ang pinaka latest na invention ng ating korporasyon doktor Pier Consunji." ang pabirong wika ni papa. "Hindi ko akalain na magagamit natin ang capsule na dinesenyo mo noon pa."
"Ang capsule na ito ay mag lalakbay sa kalawan at papasok sa isang lagusan ng oras. Sa makatuwid ay intensyon kong ibalik si Raven sa mundo bago pa mangyari ang lahat ng ito. Maaaring bago mag 100 taon o 200 taon. Bahala na basta alam kong may panibagong bukas na nag hihintay sa kanya. Nirecord ko sa memorychip na ito ang aking ala-ala, sana ay panoorin niya ito kahit alam kong pag mulat ng kanyang mata ay hindi na niya maalala pa dahil binura na ng program ang lahat ng kanyang nakaraan." ang wika ni Kuya Pier.
"Ang Capsule na iyan ay isang time travelling device. Hindi pa ganoon kapulido ang pag kakagawa ngunit tiyak ko makakalusot ito sa planetang Mars at sa pag sapit ng isang taon o higit pa ay makakatagpo ito ng worm hole sa outer space na otomatikong babalik sa nakaraang mundo kung saan payapa na ang lahat. Sana ay maaari niyang itama ang pag kakamali ng mga tao upang hindi na mag ugat sa malagim na trahedya ang lahat katulad nito." ang wika ni papa sabay halik sa pisngi ng aking sarili na naka lagay sa capsule. "Bon vayage anak. Mag iingat ka." ang bulong nito.
Maya maya ay si kuya naman ang lumapit sa akin. Idinikit nito ang kanyang noo sa aking noo. At doon ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nasa ganoong posisyon.
Noong mga sandaling iyon ay halos sumabog ang aking dibdib sa senaryong aking nakikita.
Wala nang salita binitiwan si kuya Pier. Pinindot niya ang buton ng capsule at sumara ito saka nag simulang umangat mula sa lupa..
3 2 1..
Lumipad ang capsule mula sa itaas habang sina kuya at papa ay naka tingala lang at pinag mamasdan ang pag kawala nito sa papunta sa kalangitan.
"Good job son. Proud ako sa iyo." ang wika ni papa sabay akap sa anak.
Tahimik..
Dito ay nag simula ng yumanig ng malakas sa buong lugar..
Nanatiling mag yakap ang mag ama bago balutin ng isang malakas na liwanag ang buong kapaligiran..
END OF PROGRAM.
Iyon na ang hudyat ng pag sabog ng daigdig..
Itutuloy..