PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ace
AiTenshi
Jan 26, 2017
Part 10: Artipisyal na Puso
"Raven.."
Ang boses na aking narinig at kasabay noon ang pag t***k ng aking circuit..
"Lub Dub..."
Ito rin ang dahilan ng pag mulat ng aking mata. Dito ay nakita ko si kuya Sam na naka upo sa aking tabi at si papa naman ay abala sa pag ayos ng aking tuhod na batid kong napinsala sa aking pag bagsak mula sa itaas. "Buti naman at gising kana, bakit umalis ka ng walang paalam sa akin? Alam mo ba na ikaw ang laman ng mga balita sa tv. Yung pag bagsak mo sa mataas na tore ay pinag uusapan ng lahat!" ang sermon ni kuya Sam habang natitig ng tuwid sa aking mata
Hindi naman ako naka kibo bagamat noong masilayan ko ang kanyang mukha ay muli nanamang nagising ang aking pag kainis kaya naman sa halip na mag paliwanag ay ibinaling ko na lamang ang aking mukha sa kabilang gilid kung saan di ko sya makikita. "Hoy tol, humarap ka dito. Kailan ka pa natutong tumalikod sa akin ha?" ang wika ni kuya na may mataas na boses.
Hindi ako humarap, hinayaan ko lang siyang lunurin ako sa sermon..
"Samuel huwag mo na sigawan si Ace. Malakas ang sensor niya kaya't triple ang lakas ng boses mo sa kanyang pandinig. Hinay hinay lang. Marahil ay nag laro lang itong bata kaya't napunta doon sa tore. Maayos naman ang kanyang katawan, ang auto shutdown ay hindi talaga naiiwasan." ang pag tatanggol naman ni papa.
"Matigas kasi ang ulo niyan. At hindi lang iyon dahil umalis pa sya sa kwarto ko. Lumipat nanaman doon sa silid niya. Paano kita mababantayan kung nandoon ka? Humarap ka nga dito.." ang naiinis na sagot ni kuya Sam.
Hindi pa rin ako humarap kaya naman tumigil na lamang ito sa pag sasalita at umalis sa aking tabi.
Iyon ang simula ng pag iwas ko kay kuya Samuel. Madalas na akong naka kulong sa aking silid at nag babasa ng aklat o kaya ay nag lalaro ng computer ng online games. Kapag oras ng pag kain ay hindi ako tumatabi sa kanya, pati pakikipag usap rito ay malabo rin. Hindi na rin kami sabay naliligo o mag katabing natutulog. Ang totoo noon ay hindi ko naman dinamdam na pinaulanan niya ako ng sermon, ang talagang dinaramdam ko ay ang pag mamahal kong nauwi sa wala. Parang pina asa lang niya ako sa pag mamahal na hindi naman pala maaaring maging akin. Mabuti pa noong nakaraang araw na nahulog ako sa tore ay sinalo ako ng lupa. Eh sa kanya? Walang salo.. Nasaktan pa ako.
Isang araw habang papasok ako sa sala ay narinig kong na uusap sina kuya Sam at kuya Mark habang nanonood ng basketball sa tv. At dahil nga umiiwas ako kay kuya Sam ay nag pasya na lamang akong gumapang sa gilid ng bahay at sa likod mag daan. At noong matapat ako sa kanilang kinalalagyan ay malinaw kong narinig ang kanilang usapan.
"Naging iwas na sa akin si Ace, hindi ko alam kung anong mali." wika ni kuya Sam.
"Hindi ko nga alam pare, sa tingin ko ay hindi nagustuhan ni Ace ang mag karoon ka ng gf." tugon ni Kuya Mark.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong kuya Sam.
"Bulag ka ba pre, nag seselos si Ace doon sa gf mo. Ganoon talaga ang mga baby brother, masyadong attention seeker ang mga ito. Gusto ay parating sila ang sentro sa paningin mo. Espesyal si Ace, kung anong mayroon sa mga kasing edad niya ay mayroon din siya kaya't sa tingin ko ay ayaw lamang niyang nahahatian sa iyo." ang paliwanag ni kuya Mark samantalang ako naman ay mas lalo pang nainis. Kulang nalang ay wasakin ko rehas ng bintana sa pang gigigil. Pero gayon pa man, batid kong na bulls eye niya ang aking eksaktong nararamdaman. Galing talaga ni Kuya Mark.
Nag patuloy sila sa pag uusap ngunit hindi ko na pinakinggan ang mga ito. Agad akong tumalon sa balkunahe ng aking silid at doon ay muling nag kulong. Gumagawa ako ng paraan upang libangin ang aking sarili basta huwag lang ako maramdam ng pag kainip lalo't pinag bawalan ako ni kuya Sam na lumabas sa gate. Okay lang sa bakuran basta huwag ako lalabas ng gate dahil malilintikan raw ako kapag sumuway ako sa kanya.
Katulad dati ay nakahiga lamang ako habang abala sa pag babasa ng aklat. Palipat lipat ako ng pahina hanggang sa padako ako sa parte kung saan ipinaliliwanag ang puso ng tao. Maigi kong pinag masdan ang anyo nito kaiba sa bagay na nasa akin.
The Heart Article Paste
The human heart is an organ that pumps blood throughout the body via the circulatory system, supplying oxygen and nutrients to the tissues and removing carbon dioxide and other wastes.
"The tissues of the body need a constant supply of nutrition in order to be active," said Dr. Lawrence Phillips, a cardiologist at NYU Langone Medical Center in New York. "If [the heart] is not able to supply blood to the organs and tissues, they'll die."
In humans, the heart is roughly the size of a large fist and weighs between about 10 to 12 ounces (280 to 340 grams) in men and 8 to 10 ounces (230 to 280 grams) in women, according to Henry Gray's "Anatomy of the Human Body."
The human heart has four chambers: two upper chambers (the atria) and two lower ones (the ventricles), according to the National Institutes of Health. The right atrium and right ventricle together make up the "right heart," and the left atrium and left ventricle make up the "left heart." A wall of muscle called the septum separates the two sides of the heart.
A double-walled sac called the pericardium encases the heart, which serves to protect the heart and anchor it inside the chest. Between the outer layer, the parietal pericardium, and the inner layer, the serous pericardium, runs pericardial fluid, which lubricates the heart during contractions and movements of the lungs and diaphragm.
The heart's outer wall consists of three layers. The outermost wall layer, or epicardium, is the inner wall of the pericardium. The middle layer, or myocardium, contains the muscle that contracts. The inner layer, or endocardium, is the lining that contacts the blood.
"Parehas lang naman tumitibok at pumipintig ng ilang beses sa isang minuto. Ang kaibahan lang ay pear shaped ang puso ng tao samantalang sa akin ay bilog lamang na may asul liwanag sa gitna." ang bulong ko sa aking sarili habang naka bukas ang aking dibdib at maiging pinag mamasdan sa salamin ang anyo ng aking artipisyal na puso. Pinag kukumpara ko rin ang nakatala sa libro at sa kung anong mayroon ako sa aking dibdib.
Napa buntong hininga na lamang ako..
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ay siya naman pag bukas ng pinto ng aking silid. Dahil sa sobrang pag kabigla ay hindi ko nagawang isara ang aking dibdib kaya't nakabuyangyang ito na siya namang kinagulat ng pumasok na si kuya Sam. May hawak itong susi ng kwarto kaya't mabilis siyang naka pasok ng di kumakatok. "Tol, anong ginagawa mo? Bakit mo binuksan ang dibdib mo?" ang tanong ni kuya.
Muli akong humarap sa sarili at nag wika. "Kapag nasisira ang kable sa aking paa at tuhod ay parati itong pinag durugtong ni papa para maging mabuti ang aking pakiramdam. Kaya heto binubuksan ko ang aking dibdib, baka kasi may nalagot na din na kable kaya't nakakaramdam ako ng ganitong sakit."
"Tol, tama na.. please." ang wika ni kuya habang nangungusap ang mga mata.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan kuya. Robot lamang ako, hindi ko deserve na titigan mo." ang sagot ko.
"Alam kong hindi ka pabor na mag karoon ako ng kasintahan. Alam kong iyon ang dahilan kaya't nagiging iwas ka sa akin." ang tugon niya sabay hawak sa aking dibdib upang isara ito.
Umiwas ako at muling nag salita. "Wala iyon kuya. Masaya ako para sa inyo dalawa. Pareho kayong tao na may pusong nag mamahal. Natural na puso at hindi katulad ng sa akin na isang artipisyal. Mag mahal ka lang.. Huwag mo akong isipin dahil makina lamang ako. Kaunting sundot lang at butingting ay magiging maayos rin ako. Agad agad." ang naka ngiti kong sagot habang pilit na pinipigil ang aking pag iyak.
"Tol, tama na.. Huwag mong gawin iyan. Mag usap tayong dalawa. Please naman. Ayoko ng ganito tayo palagi nag iiwasan at hindi mag kaunawaan. Mahal kita tol, huwag mong isiping hindi." ang wika nito habang isinasara ang aking dibdib.
"Pag kaiba lang siguro tayo ng paniniwala pag dating sa pag mamahal. Sa tingin ko, ang pag mamahal mo at pag mamahal ko ay hindi nagkatugma. Parang baterya ito na parehong negatibo kaya't hindi umandar." ang natatawa kong sagot bagamat nag simula ng tumulo ang luha sa aking mata. "Hahaha naiyak ako. Huwag mo itong pansinin baka sira lamang ang program sa aking mata kaya't kusang tumutulo ang tubig mula dito." ang sagot ko sabay takbo sa balkunahe at mabilis na lumundag mula sa ibaba.
Hinabol ako ni kuya Sam at tinatawag na paulit ulit ngunit hindi na ako ito pinansin. Muli ko siyang sinuway sa pamamagitan ng pag talon sa gate palabas.
Nakakatuwa lamang isipin na naka ugalian ko na ang tumakbo kapag ako ay nasasaktan. Kahit naka yapak ako ay ayos lang basta maibisan ko lamang ang sakit na dulo't ng aking pag mamahal.
Noong makatiyak na malayo na ako sa bahay ay nag pasya akong mag tungo na lamang sa parke upang doon ay mag palipas ng oras. Naupo na lamang ako sa ilalim ng isang puno at dito ay inalis ang dumi sa aking dalawang paa. Balot ito ng alikabok at kaunting gasgas dahil sa mga batong aking natatapakan bagamat di naman masakit. Kahit papaano ay balat pa rin kasi ng tao ang naka balot sa aking katawan kaya't madali pa rin itong nasusugatan.
Patuloy ako sa ganoong posisyon, pinatay ko ang aking oras sa panonood sa aking paligid. Nakakalibang pag masdan ang mga dalawang taong mag kapareha habang naka upo sa mga pahingahan. Mayroon ding mga bata na nag lalaro, nakasakay sa bisekleta, skate board at iba pa. Ang lahat ay balot ng ngiti sa kanilang mga labi kaya't kahit paano ay napapangiti na rin ako kapag pinag mamasdan sila sa ganoong kasiyahan.
Tahimik..
Patuloy ako sa pag himas sa aking mga paa noong may bumulagang ice cream na strawberry flavor sa aking harapan. Noong iangat ko ang aking ulo ay nakita ko nga si kuya Sam na naka suot ng puting tshirt at basket ball short, naka ngiti ito habang hawak ang ice cream. "Para sayo tol. Alam kong dito lang kita matatagpuan eh."
Tila nabato balani naman ako sa kanyang gwapong mukha, idamay mo pa yung kanyang ngiti na nakaka akit pag masdan. Itataas ko pa sana ang aking pride ngunit kusang gumalaw ang aking kamay at kinuha ang ice cream mula sa kanyang pag kaka hawak. "Bakit nandito ka?" ang tanong ko sabay kagat sa ice cream.
Umupo ito sa aking tabi at inakbayan ako. "Sinundan kita.." sagot niya habang naka ngiti.
"Eh bakit sinundan mo ko?" tanong ko ulit.
"Dahil gusto ko." matipid niyang sagot sabay kagat din sa ice cream na aking hawak.
Maya maya ay muli siyang ngumiti at inilingkis ang kanyang kamay sa aking bewang. "Huwag kana magalit, hindi pa naman kami ni Ellen. Binibiro ko lang naman sila mama at papa tungkol doon. Sadyang mahilig lang talaga siyang kumapit sa aking braso kaya't napapagkamalan kaming mag kasintahan. Huwag kana mag selos ha." ang wika niya habang hinihimas ang aking likuran.
"Weh, di ako naniniwala. Seryoso ka kaya nung sinabi mong mag kasintahan kayo sa harap nila mama." ang tugon ko.
"Weh ka rin, sanay ay hindi ka nag tatakbo palayo sana ay naabutan mo ang pag kakabuking ko noong sabihin ni Ellen na hindi naman talaga kami." ang sagot ni kuya.
"Narinig ko kayong nag uusap ni kuya Mark eh. Rinig na rinig ko ang sinabi niyang kasintahan mo yung babae na iyon."
"Rinig na rinig rin namin yung pag gapang mo sa gilid ng binatana. Kitang kita namin yung balanggot mong kulay pula na naka sungaw doon sa kurtina. Ang plano lang talaga namin ni Mark ay inisin ka ng todo. Nag seselos ka ba talaga tol?" ang tanong niya dahilan upang matahimik ako.
"Mag kapatid tayo diba? Bakit ako mag seselos?" sagot ko naman.
"Kung sa bagay. Makapag gf na nga bukas." ang naka ngiting asong sagot niya kaya naman tinapik ko ang kanyang bilugang braso. "Hmp."
"Arekupp, sakit nun ah. Nag kapasa yata oh." ang pag mamaktol ni kuya Sam habang kunwari ay namamalipit sa sakit. "Arrekuupppooo, ang sakit.. Sobrang sakit! Ikiss mo ko para mawala." ang pang uuto niya.
"Edi ikiss. Tsup." pag halik ko sa kanyang pisngi.
"Arekkupp. Ayoko dun. Gusto ko dito." ang wika niya sabay nguso.
Wala naman akong nagawa kundi ang halikan siya sa labi. Kunwari'y nag mamaktol ako na parang isang bata bagamat gusto ko rin naman siyang halikan.
Noong mga sandaling iyon ay tila nabura ang tampo at hinanakit ko kay kuya Sam. Talagang alam na alam niya kung paano ako papa amuin, mga bagay na hindi ko magawang iwasan at kontrolin dahil sa bawat yakap, halik at titig niya ay mabilis ako napapasailalim sa kanyang kagustuhan na parang isang matapang na hipnotismo. Isang ngiti, haplos at tingin lang niya ay nang hihina ako, iyon ang mga bagay na hindi ko maaaring itanggi sa aking sarili.
Ninamnam ko ang pag halik ko sa labi ni kuya Sam. Napa pikit na lamang ako habang mag kasugpong ang aking mga nguso. At dahil nga kubli naman ang puno ay walang ibang naka saksi sa aming ginagawang pag hahalikan maliban sa mga halaman sa paligid.
Nasa ganoong pag nanamnam ako ng bigla na lamang bumitaw si kuya at kasabay nito ang pag tatakbuhan ng mga tao sa paligid. "Tol, tayo na sa sasakyan. Mukhang may gulo sa doon sa kabilang parte ng parke." ang pag yaya ni kuya sabay hatak sa akin paalis.
“Nakakainis naman! Moment namin ni kuya Sam iyon eh! Bakit nasira paaa!!” ang galit kong sigaw sa aking sarili noong maantala ang aming lambingan.
"Pare anong problema? Bakit nag kakagulo?" tanong ni kuya sa isang taxi driver.
"Naku pre, yung RedChip corporation ay nag labas nanaman ng isang palpak na makina. Hayun, nang gugulo nanaman doon sa di kalayuan." ang wika nito habang nag aapurang sumakay sa kanyang kotse.
"Delikado dito tol. Tayo na umuwi." ang pag yaya ni kuya.
"Kuya maraming mapapahamak kapag hindi ako kumilos." ang sagot ko sabay bitiw sa kanyang kamay.
Napakunot ang noo ni kuya at muli akong hinawakan. "Tol, gawain iyan ng mga pulis. Huwag na tayong maki alam okay?"
"Pero kuya, hindi iyon kaya ng mga pulis. Ang makaka tapat sa makina ay ang kapwa niya makina at ako iyon. Sandali lang ako, babalik ako agad." ang wika ko sabay takbo patungo sa pinagyayarihan ng kaguluhan.
"Ace! Bumalik ka dito! Tang inaaa! Ace!" galit na sigaw ni kuya at wala na rin itong nagawa kundi ang sumunod sa akin.
Patuloy naman ako sa pag takbo hanggang sa marating ko nga ang lugar kung saan nag sisilikas ang mga tao. Sa paligid nito ay maraming alagad ng batas na nag papa putok ng baril upang pigilan ang naturang makina sa pag aamok.
Sunod sunod na pag sabog ang bumalot sa paligid kaya naman halos nabalutan ito ng makapal na usok at mula dito ay lumabas ang isang batang halos kasing edad ko, kasing tangkad kasing hugis ng katawan..
Maya maya ay tumakbo ito ng mabilis patungo sa mga pulis at lumundag sa ere ng ubod ng lakas. Kaya naman tumakbo rin ako at sinagupa ang naturang kalaban.
Nag abot kami sa ere at ginawaran ko ito ng isang malakas na sipa bilang unang pag atake.
itutuloy.