Part 9: t***k

1807 Words
  Ace AiTenshi Jan 24, 2017   Part 9: Tibok   "Ace, saan ka ba galing anak? Bakit bigla ka na lamang umalis doon sa school ng kuya Sam mo?" ang bungad ni papa noong maka uwi ako sa bahay pasado alas 5 ng hapon.   "Wala po pa.." sagot ko sabay akyat sa hagdan. Napakamot nalang ng ulo si papa habang pinag mamasdan ako sa pag panhik. "Teka, napano ba iyang sapatos mo? Bakit naka paa ka?" pang uusisa niya.   "Tumakbo po kasi ako doon s parke, napabilis kaya't nasira ito." sagot ko.   "Hindi ba't parating ibinibilin sa iyo ng kuya Sam mo na huwag kang tatakbo ng mabilis dahil hindi makakayanan ng iyong sapatos ng matinding pwersa. Pasaway ka talagang bata ka." ang wika ni papa.   "Nasaan si kuya?" tanong ko naman.   "Hindi uuwi ang kuya mo ngayon, may victory party sila doon sa campus. Tiyak na mag iinom ang mga iyon kaya't huwag mo na siyang hintayin." ang sagot ni papa.   Napa buntong hininga na lamang ako habang pumapasok sa aming silid. Marahil ay kasama rin ni kuya yung kasintahan niya kaya't tiyak na nag eenjoy ito doon sa party nila. Nakakainis talaga! Sana ay hindi nalang ako nag pumilit mag tungo doon sa school nila edi sana ay maayos pa ang pakiramdam ko ngayon, pero sa kabilang banda, siguro ay ayos na rin ito. Habang maaga ay nalaman kong pinag lalaruan lang pala niya ang damdamin ko. Muntik na  akong mawala sa aking kinalalagyan, mabuti nalang dahil alam ko na ngayon kung saan ako lulugar.   Tahimik..   Noong mga sandaling iyon ay napako na lamang ang aking tingin sa kisame habang ang aking kamay ay naka patong sa aking dibdib. Pilit kong pinakikinggan ang t***k ng aking puso o circuit na nag bibigay ng buhay sa aking katawan. Maigi kong dinama ang pag t***k nito, mabilis at malakas. Napaka tataka lamang dahil ang puso lang ang bukod tanging bagay sa mundo na gumagana pa rin kahit na nawawasak ng kung sino. May sarili itong paraan ng pag hihilom na hindi mapapantayan ng kahit na anong artipisyal na makina. "Eh yung puso ko kaya? Kakayanan din mag hilom kahit gawa lang ito sa dugo at bakal?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy na naka pako ang tingin sa itaas.   Makalipas ang ilang minuto, sumagi sa aking isipan na kalimutan na  lamang ang nararamdaman ko para kay kuya Sam. Nag desisyon nalang din ako na huwag nang makihati sa kanyang silid. Hindi na rin naman ako magiging komportable sa mga yakap at halik niya lalo't hindi naman iyon talagang para sa akin.   Hinakot ko lahat ng aking gamit pabalik sa aking dating silid. Ayos na sa akin ang mag isa.. Basta't huwag ko na lamang maramdaman ang kakaibang sakit katulad ng naramdaman ko kanina. Kahit ang ilang kilometrong pag takbo ay hindi napawi ang kirot na  iyon kaya ayoko nang maalala pa. Mainam nang umiwas kaysa lalo lamang akong masaktan. Hindi naman iyon nangangahulugang mahina ka o kaya ay duwag. Minsan ang pag iwas sa bagay na nais mo ay isang uri rin ng katapangan na iwaksi ang anumang nag papaligaya sa iyo kung ang katapat naman nito ay walang katapusang kalungkutan. Sa huli ay tiyak na makakasanay ko ring kalimutan na lang ang lahat.   Noong gabing iyon ay wala akong ginawa kundi ang tumitig sa kawalan. Mag pagulong gulong sa higaan at manood ng telebisyon. Syempre ay hindi maiwasang sumagi sa aking isipan si Kuya Sam lalo't kapag ganitong oras ay naka higa na ako sa kanyang bilugang braso habang nakayakap siya sa akin. ERASE ERASE! Bakit nga ba iniisip ko pa ito. Paniguradong sa mga oras na ito ay mag kalingkis na sila ng babaeng iyon. At wala akong magagawa kundi ang iwaksi ang lahat ng negatibong bagay sa aking isipan.   Kinabukasan, naabutan ko si mama na nag luluto ng almusal. Sinabi niya sa akin na naka uwi na raw si kuya Sam kaninang alas 5 ng umaga at lasing na lasing ito. Huwag ko raw muna iistorbohin dahil pagod siya at tiyak na masakit ang ulo. "Eh wala naman akong balak istorbohin siya! Ni hindi ko siya lalapitan!" ang sigaw ko sa aking sarili habang naka hawak sa kutsara na halos maging ga titing nalang sa tindi ng pag kakayupi. "Ace, ano ba iyang ginagawa mo sa kubyertos? Kumuha ka na lamang ng iba doon." ang wika ni mama sabay agaw sa akin ng nasirang kasangkapan.   Hindi naman ako kumibo at itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pag kain. Dito ko na lamang ibinuhos ang aking pag kainis kay kuya Sam. Subo dito at kagat doon ang aking ginawa. "Ace, huwag kang masyadong kumain ng marami ha, baka hindi kana naman matunawan. Hinay hinay lang hijo." ang puna naman ni mama noong makitang nakalobo na aking pisngi sa dami ng pag kain sa bibig.   Hindi ulit ako kumibo..   Makalipas ang ilang minuto ay natapos akong kumain. Agad akong tumayo at mabilis na nag tatakbo palabas ng pinto. Narinig ko si mama na tinatawag ang aking pangalan ngunit hindi na ako lumingon. Hindi ko na rin binuksan ang gate dahil nilukso ko na lamang ito para maka tawid ng mas mabilis. Bakit pa ako aastang tao eh hindi naman ako tao. Isa akong robot, android, manikang bakal kaya't nararapat lang na gawin ko ang ano mang naisin ko. Hindi naman sa nag rerebelde ako ngunit ganoon na rin iyon.   Naalala ko nga dati, kapag tumatalon ako sa gate o lumalakad ng mabilis ay nagagalit sa akin si kuya Sam. Ang nais kasi nya ay kumilos ako ng normal batay sa galaw ng isang normal na 16 anyos na kasing edad ko kuno sa paligid. Bawal ang lumukso sa gate, bawal ang tumakbo ng mabilis, dapat kontrolin ang pisikal na lakas at bawal din ang umalis ng walang paalam. Kulang nalang ay kabitan ako ni kuya Sam ng CCTV camera sa katawan upang mamonitor niya ang aking mga kilos.   Patuloy ako sa pag takbo ng mabilis. Halos nagugulat ang mga sasakyang nag daraan dahil nasasabayan ko sila o kaya ay nalalagpasan pa. Naging agaw pansin rin ako sa pag lukso ko sa mga malalaking truck na animo ninja. Minsan naisip kong masarap din pala na walang kuya Sam sa aking tabi dahil nagagawa ko ang ganitong mga bagay. Malaya ako ngayon bagamat parte nga ito ng pag rerebelde ko kung pag rerebelde nga ba itong maituturing o kacute-tan lang.   Habang nasa ganoong pag takbo ako ay tumugtog naman ang isang musika na nag mumula kung saan na siyang nag bigay sa akin ng kakaibang sigla.   Feels like today lyrics Rascal Flatts   I woke up this morning With this feeling inside me that I can't explain Like a weight that I've carried Been carried away, away But I know something is coming I don't know what it is But I know it's amazing, you save me My time is coming And I'll find my way out of this longest drought [Chorus:] It feels like today I know it feels like today I'm sure It's the one thing that's missin' The one thing I'm wishin' The last sacred blessin' It feels like today Feels like today You treat life like a picture But its not a moment frozen in time It's not gonna wait Til you make up your mind, at all   Ilang minuto rin ako sa ganoon pag lukso ng mataas at pag takbo ng mabilis hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na naka tayo sa pinaka mataas na tore ng cell site sa buong siyudad. Ito ang nag susupply ng malakas na signal para mga cellphone at iba pang gamit pang komunikasyon sa buong bayan. Mula dito ay natatanaw ko ang kabuuan ng siyudad. Mga mga bahayan at mga gusali ay nag mistulang maliit kaha ng posporo kung iyong pag mamasdan mula dito sa itaas.   Nakakalibang ring pag masdan ang mga ibon na nag liliparan sa aking paligid at ganoon din ang malamig na hanging dumadampi sa aking katawan. Tila ba panandalian akong napako sa aking kinatatayuan habang naka tanaw sa kawalan. Wala namang eksaktong patutunguhan ang aking isip, magulo pa rin ito ngunit hindi ko na lamang iniinda.   Malakas ang ihip ng hangin mula dito sa itaas. Ang toreng ito ay katumbas ng 18 na palapag na gusali kaya't talagang masisilayan mo ang lahat mula dito. Nasa ganoong posisyon naman ako ng mapatingin ako sa asul na kalangitan. Ang ulap nito ay nakalilibang pag masdan na animo bulak na nag sabog sa alapaap. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang bumubuo ako ng imahe mula dito. Mayroong hugis puso, bulaklak, elepante, dragon, aso at kung ano ano pa.   Tahimik..   Patuloy sa pag ihip ang malakas na hangin at gayon din ang buo ko ng mga imahe gamit ang mala bulak na ulap. Ilang minuto rin ako sa ganoong pag lilibang hanggang maya maya ay tila nag iba ang anyo ng langit ang kulay asul ay unti unting kulay pula at kasabay noon ang pag babago rin ng paligid sa aking harapan. Ang mga magagandang gusali ay nawasak na animo dinaanan ng delubyo. Hindi ko lubos maisalarawan ang takot at kaba sa aking dibdib habang pinag mamasdan ko ang walang buhay na paligid.   Maya maya ay nakaramdam ako ng malakas na pag yanig ng lupa kaya naman napa kapit na lamang ako sa bakal ng tore. Maayos naman ang lahat kanina, ngunit bakit nag bago ang paligid? Parang nawasak na siyudad ang tumambad sa aking paningin ngayon.   Binalot ako ng pinag halong pag tataka at kaba. Halos mapasigaw na lamang ako noong biglang sumulpot sa kalangitan ang isang malaking bagay na kulay pula. Animo planeta na unti unti bumabagsak sa lupa at sa bawat pag galaw nito ay nag dudulot ng malakas na pag yanig..   Halos mangatog ang aking tuhod sa matinding takot. Karaniwan sa napapanood ko sa telebisyon ay kometa ang bumabagsak sa kalangitan ang isa ito ay planeta na hindi ko mawari. Ni hindi ako makatayo sa aking kinalalagyan hanggang sa isang malakas na pag sabog ang tumambad sa aking paningin na kinasira ng lahat..   "BOOOOMMMMMMMM!!!"   Binalot ng liwanag ang buong siyudad at kasabay nito ang pag babalik sa normal ng paligid..   Hindi ko alam kung saan nag mula ang pangitaing iyon. Basta ang alam ko ay pinaka nakakatakot na ito sa lahat.   Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa tore habang umiihip ang malaming na hangin.   Tulala..   Maya maya ay lumabas sa screen ng aking mata ang katagang "Shutting Down."   Unti unting nahulog ang aking katawan na mataas na tore at kasabay noon ang pag dilim ng aking paningin..   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD