Ace
AiTenshi
Jan 22, 2016
Part 8: Makina at Pag ibig
"Goodmorning baby bro ko." ang naka ngiting bati ni kuya Sam habang nag susuot ng short. "Magandang umaga kuya" sagot ko naman habang kinukusot ang aking mata. "Saan ka papunta?" tanong ko ulit.
"Edi sa school bro. May laban ang team namin ngayon sa varsity kaya maaga akong aalis." ang sagot niya.
"Sasama ko kuya. Gusto kong manood eh. Please.." pangungulit ko.
Tumingin sa akin si kuya Sam niyakap ako nito ng mahigpit. "Umppp, pampaswerteng yakap.. Ummmp." bulong niya na parang nangigigil.
"Eh kuya naman eh, sasama na kasi ako. Please." pag pupumilit ko
"Pwede ka namang mag punta doon para manood tol." sagot niya.
"Talaga kuya? Wait lang ha. Gagayak na ko!! Yes!!"
"Wala naman akong sinabing ngayon ka na sasama sa akin. Ang ibig kong sabihin ay maaari kang manood doon sa campus kung kasama mo sina mama at papa. Hindi kita pwedeng pabayaang mag isa doon dahil baka mawala ka sa dami ng tao." ang wika ni kuya.
"May tracker naman sa program ko kuya kaya't siguradong hindi ako mawawala. Eto oh sample “Accuracy 10 meters, location is 5.30 to 6.40 Calle Madrid 20883 – Track Loaction NS 0001 002” pag mamalaki ko.
"Huwag matigas ang ulo bro. Hindi ka pwedeng umalis ng walang kasama ha." ang muling pag tanggi niya sabay halik sa aking noo at pisngi. Mabilis nitong kinuha ang kanyang bag at saka nag mamadaling lumabas ng silid.
Wala naman akong nagawa kundi ang sundan ito hanggang labas at panoorin ang pag alis ng kanyang sasakyan palabas ng gate. Napaupo na lang ako sa hagdang patungong balkunahe at niyakap ang aking tuhod sabay patong ng aking baba dito na animo isang kawawang bata na inaway ng mga kalaro. Natanaw ako sa labas ng gate habang napapabuntong hininga.
Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon ng dumating naman ang sasakyan ni papa galing sa opisina. Noong makababa ito ay agad akong tinanong kung anong problema. "Nag away ba kayo ng kuya Sam mo? Mukhang malungkot ka ah." ang pang uusisa nito sabay abot ng isang box ng pizza.
"Pa, pwede ba tayo manood sa school nila kuya? May game kasi sila ng basket ball mamaya." tanong ko kay papa habang naka sunod dito.
"Tanungin mo muna ang kuya mo kung payag siyang pumunta tayo sa school niya. Baka naman magalit iyon sa atin." ang wika ni papa.
"Hindi pa, ayos lang naman sa kanya iyon. Please! Gusto ko lang makitang mag laro ng basket ball si kuya Sam." ang pakiusap ko naman.
"Oh siya, ayain mo ang mama mo. Panonoorin natin si Sam sa kanyang pag lalaro. Ikaw talagang bata ka lahat ng maisipan mo." ang wika naman ni papa.
At iyon nga ang set up, matapos ang almusal agad kaming nag tungo sa school nila kuya Sam upang manood sa kanyang laro. Syempre ay excited na excited naman ako habang papasok sa gate ng kanilang paaralan. "Anak isuot mo itong sumbrero mo. Mahirap na dahil baka macutan ang lahat sa iyo." ang biro ni papa sabay suot ng balanggot sa aking ulo. Samantalang ako naman ay naka ngiti lamang habang masayang nag lalakad sa hallway.
"Sana pwede akong mag aral, nakaka inggit yung mga naka suot ng uniporme." ang wika ko habang hinahabol ng tingin ang mga halos kasing edad ko na nagdaraan sa aming harapan. "Kung qualified ka lang ay ipinasok na kita rito. Iyon nga lang ay hindi maaari dahil ang lahat ng katalinuhan ay naka install na riyan sa program mo na parang isang high tech na computer. Baka matalo mo pa ang iyong guro sa oras ng discussion." biro ulit ni papa habang natatawa.
"Pwede naman itong ioff anytime papa. Saka sa pagalay ko ay bagay rin sa akin mag suot ng itim na pantalon at puting polo. Mas maganda iyon kaysa rito sa short at rubber shoes." ang tugon ko naman.
"Syempre naman hijo, sa gwapo mong iyan, tiyak na lahat ng damit ay papabagay sa iyo." naka ngiting wika ni mama habang hawak ang aking braso.
Ilang sandali pa at nakarating ang gym kung saan kasalukuyang dinaraos ang game. Sa labas palang ay naririnig na ang malakas na cheer at sigawan ng mga taong nanonood kaya naman mas lalo pa akong naexcite.
Pag pasok namin nila mama ay agad kong hinanap si kuya Sam na noon ay abala sa pag depensa sa kanilang basket. Pawis na pawis ito ngunit napaka gwapo pa rin niyang tingnan. Halos lahat ng kababaihan ay abala sa pag cheer sa kanya, ang ilan naman ay may hawak na banner at cards na nakasulat ang kanyang pangalan.
Sa tuwing pino-focus sa big screen ang mukha ni kuya Sam ay talaga namang nag hihiyawan ang mga tao na animo nasisiraan ng bait dahil sa kanyang kagwapuhan. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot na kulay itim na jersey. "Ace, mabuti at nakarating kayo." ang bati ni kuya Mark noong makita kaming naka upo sa bleacher, nag mano rin ito kina mama at papa.
"Makulit kasi itong si Ace, gustong gustong mapanood ang kuya Sam niya sa pag lalaro." sagot naman ni mama.
"Mahusay mag laro si Sam, isa siya sa star player ng team at bukod pa roon ay siya rin ang pinaka sikat dito sa campus." ang paliwanag ni kuya Mark habang inaabutan ako ng candy.
"Salamat kuya Mark. Mukhang mananalo na sila kuya." tugon ko habang pinag mamasdan si kuya Samuel na abala sa pag d-dribol ng bola.
Hiyawan ang mga manonood..
Maya maya ay tumakbo ito ng mabilis patungo sa basket ng kalaban at tumalon ito ng malakas upang idaldak ang bola sa ring. "Nice! Dunk!!" ang sigaw ko habang pumapalakpak.
"Woooo!! Panalo na iyan. 53 - 35. Panalo na sila Sam!" ang natutuwa ring wika ni kuya Mark.
3 2 1... natapos ang oras..
Isang masigabong palakpakan at hiyawan ang lumukob sa buong gym. Kasabay nito ang pag aannounce sa kanilang kopunan bilang kampeon sa naturang game. Masayang masaya ang buong team at ganoon din si Kuya na kumakaway sa mga taga hanga niya habang naka pako ang ngiti sa kanyang mapulang labi. At dahil nga marami pang taong bumababa mula sa bleacher ay hindi agad ako maka lakad upang puntahan sila. Kung pwede nga lang ako lumundag patungo sa ibaba ay talagang gagawin ko. Madali lang naman iyon para sa akin.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita kong may lumapit na babae kay kuya Sam at hinalikan ito sa pisngi. Maya maya ay nag yakap sila at binuhat pa ni kuya ang babae saka inikot sa ere na parang senaryo sa isang romantikong pelikula. "Aba, mukhang nag kakamabutihan na sina Sam at Ellen ah." ang wika ni Kuya Mark.
"Ellen who? Sino naman siya?" ang tanong ko na may halong pag kainis Ewan, ngunit para bang nakaramdam ako ng kung anong bagay sa aking dibdib. Mabigat ito at hindi agad agad maiproseso ng aking system. Basta ang alam ko lamang ay naka pako ang aking tingin sa kinalalagyan nilang dalawa na nag papakita ng ka sweetan sa isa't isa.
"Si Ellen ay matagal nang nililigawan ni Kuya Sam mo. Miss Campus sya at lumalabas sa isang show sa telebisyon tuwing sabado. Ang lahat ng kalalakihan dito sa paaralan ay talagang siya ang pantasya. Patay na patay si Sam dyan kaya nga nag papakitang gilas ito kanina pa." ang paliwanag ni kuya Mark.
"Ganoon ba? Kung ganoon siya ang gusto ni kuya Sam?” Tanong ko ulit. Akala ko pa naman nag papakitang gilas si kuya Sam sa akin, nun pala ay sa babaeng iyon! Hmp!!” bulong ko sa akin isip.
"Oo naman. Sino ba naman ang hindi mag kakagusto dyan kay Ellen, maganda, sexy, maputi at napaka kinis. Saraapp." ang pilyong sagot ni kuya Mark. "Bonus nalang ang malusog niyang dibdib."
Tila binalot ako ng kakaibang pag kainis noong mga sandaling iyon. Hindi agad ako naka kibo at mas pinili ko nalang tumahimik at kimkimin ang aking nararamdaman upang walang makahalata nito. Ang pinag halong matinding kaba, paninikip ng aking dibdib na may kasamang kirot ay isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Wala tuloy akong magawa kundi ang himasin ang aking dibdib habang lumalakad palapit sa kanilang kinalalagyan.
"Congrats anak. Ang husay mo." ang wika ni papa sabay tapik sa balikat ni kuya Sam.
"Buti naka panood kayo papa. Nga pala si Ellen girl friend ko." ang pag papakilala nito sa aming mga magulang.
"Nice to meet you hija. Bagay na bagay kayo ni Sam. Gwapo at maganda." ang naka ngiting wika ni papa
"Nga pala, iyon ang kapatid ko si Ace. Gwapo no?" ang mamalaki ni Kuya Sam sa kasintahan niya at maya maya ay lumapit ito sa akin para hilahin ako sa patungo sa kanyang mga ka team. "Mga pare kapatid ko! Si Ace.." ang dadag pa niya habang naka akbay sa akin at ipinakikilala ako sa kanyang mga kasamahan.
"Hi Ace, kilala kita eh. Combot Champ! Idol" ang bati ng isa. Ang iba naman ay niyakap ako at pinisil ang aking pisngi. "Tangina pareng Sam napaka gwapong bata naman nito. Pwede bang ampunin? Pwede pa ba itong ligawan?" ang tanong ng isa.
"Tangina, lalaki iyan eh. Bulag ba kayo?" natatawang wika ni kuya.
"Oo nga, alam naming lalaki pero wala kaming paki alam. Ayos lang.. Cute cute cute.." ang sagot naman ng mga ito at binigyan pa ako varsity jacket.
Hindi naman ako ganoong kumikibo dahil ang isip ko ay lumilipad kung saan saan. Idagdag mo pa ang kakatwang pakiramdam habang pinag mamasdan ko ang babaeng si Ellen na nakalingkis kay kuya Sam na animo isang sawa. "Nakaka inis! Kung pwede ko lang silang ipower punch ay talagang gagawin ko na." ang sigaw ko sa aking sarili. Hindi ko na mamalayan na naka kapit na pala ako sa bakal na haligi ng basket dahilan para mayupi ito at mawala sa ayos kaya naman muli akong bumitaw at mabilis na lumabas ng gym.
Tuloy tuloy akong tumakbo palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako tutungo, basta ang alam ko lamang ay dapat maibisan ang mabigat na bagay na namumuo sa aking dibdib kapag nakikita ko si kuya Sam at iyong babaeng kasintahan niya. "Ang sabi niya sa akin ay mahal niya ako. Pero parang ilusyon ko lamang ang lahat. Hindi ko na tuloy maunawaan kung ano ang ibig sabihin ang pag mamahal, tila yata iba ang pag kakaintindi ko sa bagay na nais niyang iparating. Ngunit para saan ang mga halik sa labi? Ang yakap niya, ang lambingan namin? Lahat bang iyon ay hindi totoo? Umasa lang ba ako at iyon ang nag papasakit sa akin ng husto?" ang paulit ulit na tanong ko sa aking sarili habang tumatakbo palayo.
Halos ilang minuto rin akong tumatakbo, walang eksaktong patutunguhan basta ang alam ko lamang ay nasasaktan ako at kailangan kong maibisan ang hindi magandang pakiramdam na ito.
Habang nasa ganoong paktakbo ako ay bigla akong nadapa at sumadsad sa lupa. Dito ko napansin na nasira na pala ang aking rubber shoes. Wala akong nagawa kundi ang sumalampak na lamang sa lupa at damputin ang aking sirang sapatos at kasabay nito ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Malakas ang pag bagsak kong iyon sa lupa at lumikha nito ng maliit na hukay, kataka takang wala akong naramdamang sakit.
Tahimik..
Pinag masdan ko ang aking mga kamay..
Dito ko napag tanto na muntik ko na palang makalimutan ang katotohanan na ako ay isang makinang bakal lamang. Hindi ako tao at wala akong puwang sa tinatawag na "pag mamahal."
itutuloy..