Chapter Two

1138 Words
PARIS WALTERS   "Okay lang ba siya Ramiro ? Bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising? Pang apat na araw na niya dito" nauulinigan ko ang boses ng babae na may pag aalala subalit hindi pamilyar sa akin ang boses na yon.   "Shh, Calm down sweetheart. The doctor said she may wake up anytime now sadyang sobrang pagod lang ang katawan nang batang ito" sagot naman ng lalaki sweetheart? mag-asawa silang dalawa.   "Hmm" napaungol ako nang tuluyan ko ng binuksan ang mga mata ko nakita ko naman ang pag aalala sa mukha nila.   "Water" nanghihinang pakiusap ko sa dalawang estranghero na nasa harapan ko agad naman nila akong binigyan ng tubig.   "Okay ka lang ba hija?" tanong ng babae na sa kilos at pananamit mayaman siya "Masakit po buong katawan ko" sagot ko and  I took another slow drink and then said "Pwede ko bang malaman kung sino kayo at bakit nandito ako?" mahinahong tanong ko at dahil din sa ininom kung tubig napawi ang pananakit sa lalamunan ko na para bang ilang taon akong hindi nakainom ng tubig.   "Ako si Tita Amelia Alaniz at siya naman ang asawa kong si Ramiro Alaniz natagpuan ka naming wala nang malay sa kalsada akala nga namin nabunggo ka nitong asawa ko dahil ilang distansya na lang ang pagitan" sabi nito habang nakatingin sa akin pero ang mga mata nito na waring madaming katanungan.   "Maraming salamat po sa pagtulong sa akin ang laki kong abala sa inyo" nahihiyang sabi ko dahil wala naman silang responsibilidad sa akin pero nandito silang mag asawa at binabantayan ako.   "Hindi ka isang abala sa amin ng asawa ko kaya wag kang magiisip ng ganoon. Pwede bang malaman ang pangalan mo hija"   "Paris walters" napipiyok kong sabi nagkatinginan naman silang dalawa "Walters? Anak ka ba ni Martin Walters?" tanong nito hindi na ako magtataka kung kilala nila si daddy dahil sikat na businessman ang ama ko at isa siya sa hinahangaan ng lahat pero unting lumubog si daddy mula ng pinakasalan niya ang step mother ko at siya na mismo ang pumalit bilang CEO Marahang tumango ako pero nalungkot naman dahil naalala ko na naman si daddy hanggang ngayon kasi nasa mental hospital pa din siya at hindi nakakaalis malaki ang connection ng step mother ko doon kaya kahit ako hindi ko magawang kausapin si daddy.   "Kung hindi mo mamasamain, bakit puro ka sugat? at dahil sa mga natamo mo apat na araw kang walang malay" malumanay na tanong nito sa akin.   Nag d-dalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo naramdaman naman nila ang paguguluhimanan ko kaya nagsalita na si Mrs. Amelia hinawakan nito ang kamay ko nakaramdam naman ako ng lakas na para bang nandiyan siya sa tabi ko at hinding hindi ako iiwan "Alam ko na mahirap magtiwala lalo na pag hindi mo ito lubusang kilala pero sinisigurado namin sayo ng asawa ko na mabuti kaming tao"   "Hindi ka namin pipilitin kung hindi ka pa handang ikwento"  ani naman ni Mr. Ramiro habang nakadantay ang kamay niya sa balikat ng asawa nito nahihiya naman ako dahil sobrang abala ang ginawa ko sa kanilang mag-asawa.   Napayuko ako habang kinukutkot ko ang dulo ng kumot "Ang step mother ko" pagak kong sabi bumibigat na din ang dibdib ko "Napakasama niya"hindi ko na napigilan umiyak dahil naalala ko ang sinapit namin ni daddy sa kanya - oo nga hindi niya ako sinasaktan pero kinukulong naman niya ako na parang aso "Kung hindi mo pa kayang sabihin wag mong pilitin" pagpapakalma ni Mrs. Amelia sa akin habang nakasandal ang ulo ko sa kanya nakayapos ako sa kanya na para bang nanay ko siya.   "Plinano niya ang lahat unting unti nilang nilalason ang daddy ko at ginawang baliw kaya naman nagkaroon sila ng dahilan para ipasok siya sa mental hospital at siya ang mamahala ng business ni daddy at ako naman kinulong niya sa mansion at alam ko din na gagawin niya sa akin ang ginawa kay daddy kaya bago pa mangyari yun pinilit kong makatakas"   "Wala siyang puso paano niya naatim gawin to sa mag ama" galit na sabi ni Mr. Ramiro habang nakatingin sa aming dalawa.   "Alam niyang pag sumapit na ang ika labing walong kaarawan ko makukuha ko na ang mana ko kaya nakakutob na ako na pag nakuha ko na yon gagawa siya ng paraan para lumipat sa kanya ang lahat ng mana na makukuha ko sa mga magulang ko"   Mr. Ramiro looked even angrier as he said "Hindi ko akalain na ganoon si Elvira dahil sa t'wing nakakausap namin siya sa mga event napakabait niya yun pala masahol pa sa hayop ang ugali niya na pati ang step daughter niya balak niyang patayin para lang makuha ang kayamanan ni Martin at ang namayapa nitong asawa na si Chandria" "Magtulungan tayong dalawa" narinig kong sabi ni Mr. Ramiro naguguluhan naman na tinapunan ko siya ng tingin ganoon din ang asawa nito na nagtataka.   "Magtulungan?" pag-uulit ko sa aking narinig tumango naman siya at lumapit sa akin.   Sa totoo lang medyo kahawig ko siya kaya nga ang weird lang "Magpanggap ka bilang anak ko" napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya nagulat naman si Tita amelia at napatayo.   "Ramiro ano ba yang pinagsasabi mo bakit mo siya pagpapanggapin bilang si chase?"  nagtatakang tanong ng asawa niya.   Bumaling naman sa kanya si Tito Ramiro "Sweetheart, alam mo namang lagi tayong tinatanong ng mga investors natin kung bakit hanggang ngayon hindi natin pinapakita si chase dahil matagal nang panahon noong huli nila itong nakita bata palang si chase noon kaya naman ito ang naisip kong paraan lalo na nang matitigan ko itong si paris.. Halos magkamukhang magkamukha kaming dalawa kaya naman hindi ako pagdududahan kung anak ko nga ba siya"   Doon naman ako tinignan ni Tita Amelia medyo lumambot ang expression nang mukha niya "Kamukha mo nga siya Ramiro" may lungkot sa boses nito naramdaman naman ng asawa niya kaya niyakap siya makikita mo ang pagmamahalan sa kanilang dalawa.   Nasaan ba siya si Chase?   "Mawalang galang na po pero nasaan po ba ang anak niyo?"   Kumalas naman silang dalawa at tinapunan ako ng tingin " Sampung taon siya nang mamatay sa ibang bansa kaya naman sobra kaming nagdalamhati nang mawala siya pero itinago namin yon dahil tiyak maghahanap ng tagapagmana ang mga board member pag nalaman nila at ayaw din namin na maging sentro ng balita pinaniwala namin silang lahat na nasa ibang bansa si chase at ayaw magpakilala pero sobrang nap-pressure na kaming mag asawa dahil kahit ang board member ng company nagtatanong na din tungkol sa tagapagmana ng Alaniz Corporation.   "Kaya naman paris nakikiusap ako sayo na kung maari lang na magpanggap ka bilang si chase isipin mo na lang na panibagong buhay mo na din ito at wag kang magaalala tutulungan kitang ilabas ang daddy mo sa mental hospital at pabagsakin si Elvira"   Para kay daddy at para na din bumalik ang normal naming buhay "Pumapayag na po ako"matigas na sabi ko napangiti naman silang mag asawa sa narinig.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD