"Ano? Pumapayag ka sa suhestiyon ko? As in, sumasang-ayon ka na sa gusto ko? Mananatili tayo na kasal?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mikel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kadali ko lang siya na mapapapayag sa nais ko na mangyari.
"Yeah, payag ako. Pero kailangan natin na magkaroon ng malinaw na kasunduan sa lahat ng bagay-bagay. I don't want any loop holes on this."
"Sige, payag ako. Game na?!"
Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang patuloy na sumusubo ng pagkain. "Game na? Laro ba ito?"
"Asus naman! Ang ibig ko sabihin ay tara na at pag-usapan na natin ang lahat."
"Kumain ka muna." utos niya pa sa akin.
"Puwede naman natin pagsabayin ang pagkain at pag-uusap. Kaya simulan na natin ang usapan tungkol sa kasunduan."
"I don’t like talking while I am eating. Kaya puwede ba, keep your mouth shut at kumain ka na lang muna. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaingayan mo." Napasimangot na lamang ako sa mga sinabi niya. Nirolyohan ko pa siya ng aking mga mata bago ko itinuon ang atensyon ko sa sariling pagkain.
Paano na lang ba ako tatagal nito sa lalaki na ito bilang asawa ko? Daig pa ang military kung makadisiplina sa akin. Parang hindi naman asawa ang hanap niya, feeling ba niya ay anak niya ako? Pero may pagpipilian pa ba ako? Sa ngayon, siya na lang ang tangi na opsyon na mayro’n ako at mas makakabuti na tiisin ko na lang ang pagkamasungit niya kaysa ang makasal ako sa lalaki na ayaw ko. Pero hindi ba parang ganoon din iyon? Hindi ko rin naman gusto si Mikel, pero at least ako at ang katangahan ko ang nagdesisyon para sa kinahantungan namin. At isa pa, guwapo naman siya, masungit nga lang.
Ilang minuto pa kami na nanatili na tahimik habang kumakain. Hindi man ako sanay sa ganito ay wala akong magawa. Ang atensyon niya ay nasa sarili niya na pagkain. Napapa-isip tuloy ako kung bakit niya naging kaibigan ang Stan na kaibigan niya. Mukhang napakalayo ng personalidad nila at mas gugustuhin ko pa yata na maging asawa ang mokong na iyon kaysa rito na parang sundalo.
"Are you done?" Napaangat ako ng ulo buhat sa pagkakatitig ko sa styro na pinaglagyan ng pagkain kanina. Biruin mo, sa sobrang lungkot ng buhay ko sa pagsabay sa kan’ya kumain ay hindi ko na namalayan na naubos ko na ang kinakain ko. Ibinaligtad ko pa ang styro upang makita niya na wala na itong laman kaya agad naman na nangunot ang noo niya sa akin. "Puwede ka naman na sumagot na lang, bakit kailangan mo pa gawin ang ginawa mo?"
Napasapo na lamang ako sa noo ko. Kakailanganin ko yata ng mahabang pasensya para sa lalaki na ito. "Father, este, hubby, minsan action speaks louder than words. At isa pa, sabi mo, keep my mouth shut, diba? Oh eh ‘di shut the mouth ginawa ko, kaya aksyon na lang ang ibinigay ko sa’yo."
"Whatever. Bungangera ka na, pilosopa ka pa. Halika na at nang mapag-usapan na natin ang kasunduan." Tumayo na siya at iniwan na lamang ang kalat ng pinagkainan namin sa lamesa.
Dahil sa may natitira pa naman ako na kahihiyan ay ako na ang nag-imis ng kalat ng pinagkainan namin at nang masigurado na malinis na ang lamesa ay tsaka ako sumunod sa kan’ya sa may sala.
"What took you so long?" Inis na tanong agad niya sa akin nang maglakad ako at maupo malapit sa kinauupuan niya.
"Ang oa mo! Wala pa nga na limang minuto ka na naghintay rito, took so long agad? At para sabihin ko sa’yo, nagligpit pa ako ng pinagkainan natin. May kahihiyan pa rin naman ako."
"Hindi mo na dapat na ginawa iyon. May pumupunta naman na taga-linis rito."
"Mikel, ang mga bagay na kaya ko naman gawin ay gagawin ko na. Hindi naman ako yayamanin na kagaya mo. Sanay ako na magtrabaho at wala akong balak na magbuhay prinsesa o reyna sa piling mo."
"Fine. Bahala ka." Inabot niya sa akin ang papel at bolpen kaya nagtataka na tiningnan ko naman siya. "Tutal pareho tayo na may makukuha sa kunyari na kasal na ito, pareho tayo na mag-isip kung ano ang mga gusto at ayaw natin na mangyari habang kasal tayo."
Ano ba iyan? Nakakatamad naman ang gusto niya na mangyari. Bakit kailangan pa na magsulat? "Bakit hindi na lang ikaw ang magsulat tapos sasabihin ko na lang sa’yo kung ano ang gusto ko at ayaw ko?"
"Ano ang tingin mo sa akin, sekretarya mo?" inis na inis na sagot na naman niya sa akin. Wala na yata ako na masasabi na hindi niya kaiinisan. Mabuti pa yata na lasing ang lalaki na ito dahil mas mabait pa siya na kausap kapag gano'n.
"Sabi ko nga magsusulat na." Itinuon ko ang atensyon ko sa papel na hawak ko. Wala naman ako na ibang hangad sa kasal na ito kung hindi ang makatakas kay Chad. Ano pa ba ang kailangan ko na isulat dito? Hindi ko nga alam ang mga bagay na pinapasok ko.
Napasulyap ako kay Mikel at nakita ko pa ang tuloy-tuloy niya na pagsusulat doon sa papel. Mukha naman siyang marami na naisusulat, siguro naman ay sasakto na iyon sa mga nais niya na mangyari.
Ilang minuto pa ang lumipas at habang patuloy siya na nagsusulat ay patuloy naman ako na nakamasid at inoobserbahan siya. Guwapo nga talaga siya, pero iyon nga lang, huwag na lang magsalita at napakasungit na napaka-istrikto pa. Daig ko pa ang may ama kaysa ang may asawa. Ilan tao na ba ang lalaki na ito at parang mas masungit pa sa tatay ko?
Hindi ko maalis-alis ang paningin ko sa kan’ya. Nasisigurado ko na mayroon din siya na tinatakbuhan kung kaya’t bigla ko rin siya na napapayag sa kasal na ito. Kung ano iyon, ay aalamin ko. Aba, mabuti na ang sigurado dahil baka mamaya ay may asawa na pala ang mokong na ito at maging kabit pa ang kalabasan ko.
"Stop staring and start writing. Wala sa mukha ko ang mga dapat mo na isulat, Tamara." Nag-init ang mukha ko nang mapagtanto na kahit nakayuko siya at hindi direkta na nakatingin sa akin ay alam niya na pinagmamasdan ko siya. Huli ka na naman, Tamara!
"Para sabihin ko sa’yo, nag-iisip ako. Kaya puwede ba, huwag ka nga masyado na feelingero riyan. Ggss ka lang?"
"I heard that!"
"Pinaparinig ko naman talaga sa’yo. At kahit marinig mo, alam mo ba ang ibig sabihin? Aber, sige nga, ano ang ggss?"
"Guwapong-guwapo sa sarili. At para sabihin ko rin sa’yo, talagang guwapo ako. Kaya tigilan mo ang kakatingin mo riyan." Napa-ismid na lang ako sa tinuran niya dahil sa kahihiyan. Walanghiya! Alam niya ang ibig sabihin no'n. Akala ko pa naman makalumang tao siya pero may alam naman din pala kahit paano bukod sa pagiging masungit.
Makalipas ang ilan pang minuto nang pananahimik niya ay muli niya ibinalik ang atensyon niya sa akin. "Are you done? Naisulat mo ba ang mga kondisyon mo?"
Ngumiti lang ako ng pagkatamis-tamis dahil ang katotohanan ay wala naman talaga ako na naisulat, dahil ang isip ko ay kung saan lupalop na nakarating.
"Gusto mo ba na mauna na basahin ang kondisyon mo?" tanong pa niya sa akin.
"Hindi na. Mauna ka na." mabilis na tugon ko naman.