Mabilis na naipaayos ni Mikel sa kan’yang mga abogado ang kasunduan namin dalawa. Dalawang araw lamang buhat nang mapag-usapan namin ang mga kondisyon ay nakapirma na kami at naipanotaryo na rin ito. Bilib na rin talaga ako kay Mikel dahil wala siyang sinasayang na oras at sandali.
Ilang araw na rin ako na rito sa bahay niya tumutuloy simula noong araw na umalis ako sa pension house. Malaki rin naman ang bahay ni Mikel kaya nakabukod din naman ako ng silid sa kan’ya.
Maayos naman ang ilang araw na pagsasama namin, huwag lamang ibibilang ang mga oras at sandali na sobra ang pagkasarkastiko niya at ang minu-minuto na halata na pagka-inis niya sa akin.
Hindi na rin muli na tumawag pa si Chad pagkatapos ng araw na iyon at malaki ang pasasalamat ko dahil doon. Alam ko na gaya nang sinabi niya, kaya ako na ipahanap ni Chad, kaya natatakot ako dahil ilang araw na lamang ang nalalabi sa palugit na ibinigay niya sa akin.
Wala pa kami na napag-uusapan ni Mikel kung kailan kami babalik sa Maynila at natatakot ako na madamay pa si Mikel sa mga problema ko kung tototohanin ni Chad ang mga naging banta niya sa akin.
Ilang araw na rin ako na naghihintay ng tawag at pangangamusta mula sa aking mga magulang ngunit nananatili na umaasa lang ako. Wala silang balak na hanapin ako at sigurado ako na inasa na lamang nila kay Chad ang pagpapabalik at pagpapauwi sa akin sa Maynila.
"Nagluluto ka na naman? Hindi ba at sabi ko na sa'yo na hindi mo na kailangan na gawin iyan?" Boses ni Mikel mula sa aking likuran ang umalingawngaw sa kusina.
"Nakakasawa na rin ang mga pagkain sa resort. Halos tatlong beses isang araw na tayo roon na kumakain at idagdag mo pa ang meryenda. Alam ko na mayaman ka pero hindi praktikal ang lagi na bumibili kung puwede naman na magluto."
Kahapon kasi nang magawi ako sa may talipapa nang magpaalam ako kay Mikel na maglalakad-lakad muna dahil abala sila ni Stan sa usapin sa trabaho na hindi naman ako maka-relate ay napagpasiyahan ko na maglibot-libot na lamang. At doon ay nakapamalengke na rin ako ng biglaan. Mabuti na lamang din at may dala ako na pera. Nakakahiya naman din kasi na inasa ko na kay Mikel ang lahat ng pangangailangan ko rito. Tutal, nakatipid naman ako sa bayad sa pension house, kaya ano ba naman na sagutin ko na ang pagkain namin.
"Magkano ba ang mga napamalengke mo kahapon at babayaran ko na lang?"
Napataas ako ng tingin kay Mikel at nagsalubong ang aking kilay. "Hindi mo kailangan na bayaran. Sinabi ko ba na bayaran mo? Kusa ko ito na binili. Isipin mo na lang na housemates tayo, kaya nararapat lamang na maghati ako sa lahat ng gastusin dito."
"I insist. Ako ang lalaki kaya responsibilidad kita habang nasa poder kita. Ilang beses ko na rin iyan na nasabi sa’yo. Makulit ka lang ba talaga?"
Ang hirap talaga makipagtalo kay Mikel dahil may mga makaluma na prinsipyo siya na lagi na dapat masunod. Samanatalang sa kinalakihan ko na pamilya ay lubha na kakaiba ang nakasanayan ko. Kaya madalas ay hindi kami magkaintindihan at nauuwi kaming dalawa sa pagtatalo.
"Nakatipid naman ako sa bayad sa pension house. Pinapatira mo rin ako rito ng libre. Ano ba naman ito na isang beses pa lang naman ako na namili ng pagkain para dito sa bahay?" Muli ko na itinuon ang atensyon ko sa hinihiwa ko na karne. Umaasa ako na rito na matatapos ang pag-uusap na ito dahil ayaw ko na muli ay mag-debate kami. Nakakapagod din ang araw-araw na pakikipagtagisan ng opinyon sa kan’ya.
Naiwan sa ere ang hawak ko na kutsilyo at hindi ko naituloy ang paghiwa sa karne ng may mga bisig na pumulupot sa beywang ko. Nanigas ako at hindi agad nakahuma. Naramdaman ko pa nang hapitin ako ni Mikel papalapit sa kan’ya.
"Bu, you don’t need to do this everyday. Kayang-kaya kita na alagaan at pagsilbihan. Ayaw ko ang napapagod ka."
Nag-iinit ang pakiramdam ko sa puwesto namin ni Mikel at nanlalambot ang mga tuhod ko. Nawala ang boses ko at hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa kan'ya.
Hinawakan pa niya ang kamay ko na nakabitin sa ere at idinirekta iyon upang dalawa kami na maghiwa sa karne. "A-ano?" nauutal na tanong ko na lamang.
"Ang sweet ng newlyweds! Bagay na bagay talaga kayo. I should have known na ang mga tipo ni Tamara pala ang compatible sa’yo, Mikel." Boses ni Stan ang nagpabalik sa akin ng ulirat ko na panandalian na nawala. At doon ko napagtanto na ang lahat ng ito ay parte ng pagpapanggap namin.
"Akting, Tamara. Don’t forget." bulong pa sa akin ni Mikel tsaka siya humakbang paatras upang harapin ang kaibigan niya na dumating.
"What can I say? My wife is the exact opposite of Janine. Sanay sa gawain bahay at matindi mag-alaga. Ano pa ba ang mahihiling ko?"
Napakapit na lamang ako sa kitchen counter nang makalayo si Mikel. Sobra ang pagkabog ng puso ko kapag gano’n siya kalapit sa akin. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko kahit na malayo na siya. Ano ba itong nararamdaman ko na ito? Hindi pa umarte ng ganito ang puso ko sa kahit na sino na lalaki.
Walanghiya lang talaga! Pusong bato tayo, Tamara. Huwag na huwag mo kakalimutan. Hindi tayo maaari na mahulog sa acting skills ni Mikel. Malilintikan talaga tayo kapag nagkataon. Dalawang taon lang, Tamy. Dalawang taon lang ang kailangan natin na tiisin.
"Naayos ko na pala ang lahat, Mikel. Naiparating ko na rin kay Tita Marlene ang pagbabalik natin." Sumulyap ako kay Stan nang marinig ang sinabi niya. Ngumiti naman siya sa akin habang si Mikel ay seryoso lang na nakamasid.
"Good. May alam na ba siya?" sunod na tanong ni Mikel.
"Wala pa. Kagaya nang sabi mo, magiging sorpresa sa lahat ang pagbabalik ninyo. Ipinaayos ko na rin sa sekretarya mo ang ipinapahanda mo na salo-salo."
"Mabuti naman kung gano’n. Good job, Stan. Maasahan talaga kita kahit paminsan-minsan." Bumaling sa akin si Mikel kaya muli ay nahuli niya ang pagsulyap ko sa kan’ya. Mabilis na lamang ako na naglipat ng tingin sa aking niluluto. "Bu." Pagtawag niya sa akin. Tumayo pa siya sa kinauupuan niya at muli ay pumulupot ang mga braso sa aking beywang nang lapitan ako.
Stand still, Tamara! Relaks lang, si Mikel lang iyan. Si Mikel na asawa mo lang. Kalma lang. Pakikiusap ko sa sarili ko na nawawala na naman sa wisyo. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa ginagawa niya.
"Bu, babalik na tayo sa Maynila. Ipapakilala na kita kay mama." Hinihimas-himas pa niya ang braso ko kaya naman patuloy ang panginginig ng kamay ko at hindi ko magawa na mahiwa-hiwa ang ilan pa na sahog na kailangan ko na hiwain.
"O-okay." Maikli na sagot ko habang patuloy na pinapakalma ang aking sarili.
"Ayos ka lang ba? Bakit nanginginig ka? Let me. Ako na ang gagawa niyan at maupo ka na lamang." Kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ko at sinamahan ako na umupo sa may hapag kainan kung saan naroon si Stan.
"Misis ni Mikel, ano ang nangyayari sa’yo? Masyado ka ba na pinapagod ng kaibigan ko simula ng maglipat-bahay ka rito?" Ngingisi-ngisi na tanong niya kaya lalo naman ang pamumula ko.
"Loko ka talaga, Stan. Tigilan mo nga ang misis ko." Naiiling na lumayo si Mikel upang pagtuunan ng pansin ang naiwan na lutuin ko.
Misis niya. Iyon ang tawag na niya sa akin. Parang ang sarap lang pakinggan kung katotohanan.
Tatawa-tawa na itinuon naman ni Stan ang atensyon niya sa kan’yang telepono habang ako ay nakasunod ang tanaw sa likuran ng aking asawa. Lagot na, Tamara! Hindi ka dapat apektado sa mga kilos na iyon. Alam na alam mo na walang katotohanan ang mga arte na iyon ni Mikel. This is all for show, kaya dapat lang na matuto ka rin na sakyan ang mga arte na iyon. Kailangan, Tamara! Hindi para sa kan’ya kung hindi para sa sarili mo.