Pag-arte. Ang lahat ng ito ay isang palabas lamang. Tama si Mikel. Kailangan namin na umakting na parang mahal na mahal namin at gustong-gusto namin ang isa’t-isa upang mapapaniwala namin ang aming pamilya. Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung palagi naman na pinapa-init ng lalaki na ito ang ulo ko?
"Ano ito, Kel? Bukal sa loob mo nang tinatanggap ang naging kasalan ninyong dalawa?" Ang boses ni Stan ang kumuha ng atensyon ko kung kaya’t tahimik na lamang ako na nakikinig sa usapan nila.
"Well, wala naman na kami na ibang magagawa pa. Kusang-loob kami na nagpakasal kagabi, kaya kailangan naming na panindigan iyon ngayon na kusang-loob din."
"Masaya ako na hindi ka nagwawala ngayon. It seems like si Tamara ang susi para tuluyan mo na makalimutan si Janine."
Janine? Sino si Janine? Iyon ba ang nobya niya na hiniwalayan niya? Ano kaya ang istorya ng buhay niya? Napaarko ang kilay ko nang tapunan ko siya ng tingin.
Bago pa man ako makapagtanong ay muli siya na nagsalita. "Huwag ka magselos, bu. Hindi mo na kailangan na pagselosan si Janine dahil ikaw lang ang tanging bu sa buhay ko."
"Ang sweet, Kel. Hindi ka naman ganyan ka-oa kay Janine." pang-aalaska pa ni Stan.
"May binabagayan ang pagiging oa. Kagaya ng asawa ko, hindi ba at bagay na bagay sa kan’ya? OA kasi siya, kaya kailangan ko rin na magpaka-oa." Gusto ko sapukin ang lalaki na ito. Ngayon pa lang ay magdarasal na ako at hihingi ng sangkaterba na pasensya upang matagalan ko ang buwisit na ito.
Natawa na lamang si Stan sa tinuran ni Mikel. Mabuti na lamang at mabilis na dumating ang order namin na pagkain kaya roon na napunta ang atensyon namin. Tahimik lang ako na kumakain habang si Mikel at Stan naman ay nag-uusap patungkol sa ilang bagay tungkol sa trabaho.
Walanghiya talaga! Ayaw raw na nagsasalita kapag kumakain, pero ngayon naman ay walang tigil sa pakikipag-usap kay Stan. Ako lang ba talaga ang ayaw niya na makausap? Puwes, mabuti na rin iyon upang hindi kami magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa isa’t-isa na maaari pa na magbigay ng komplikasyon sa kasunduan namin.
Mabilis ako na nakatapos sa pagkain kaya agad ako na nagpaalam sa kanilang dalawa upang bumalik sa tinutuluyan ko na bahay. Ayaw pa sana pumayag ni Mikel na mag-isa ako na aalis, pero wala na silang nagawa nang takbuhan ko sila palabas ng resort. Hindi naman niya ako nahabol dahil hindi pa sila natapos kumain ni Stan.
Habang mabagal ako na naglalakad pabalik sa pension house na aking tinutuluyan dito ay muli ako na nag-isip kung tama ba ang naging desisyon ko. Hindi man ito ang nararapat na solusyon, pero ito ang tingin ko na pinaka-puwede na maging sagot sa problema ko ngayon.
Tumunog ang telepono ko at ang pangalan ni Chad ang rumehistro rito. Labis ang kaba ko na tinitigan na lamang ang aking telepono. Hindi ko magawa na sagutin ito sa takot ko kay Chad. Alam ko na nagwawala na siya buhat ng araw na takbuhan ko siya. Kaya ko magtrabaho para sa kanila at sustentuhan ang pamilya niya, pero hindi ko kaya na ibigay ang buong buhay ko para lamang maabot niya ang pangarap niya. Masakit man tanggapin ang katotohanan na taga-salba lamang sa kanilang pangangailangan ang tingin sa akin ng pamilya ko, ay hindi no'n mapapalitan ang katotohanan na kaya ko magsakripisyo para sa kanila. Huwag lamang nila hilingin ang buong buhay at pagkatao ko.
"Hindi mo ba sasagutin iyan?" Napalingon ako nang maulinigan ko ang boses ni Mikel sa aking likuran.
Nang harapin ko siya ay magkakrus na naman ang mga bisig niya sa kan’yang harapan habang titig na titig ang mga mata sa akin. "Tapos ka na kumain?"
"Why did you run away?" Sinagot niya ng tanong ang aking tanong.
"Hindi ko naman sinasadya. May tumatawag sa akin. Look." sagot ko naman kahit na ngayon pa lang naman talaga tumawag si Chad.
"Then answer it. Bakit hindi mo sagutin ang tawag ngayon?"
"Ay, mamaya ko na lang pala sasagutin kasi nagmamadali pala ako. Pupunta ako sa pension house." Akma na ako na hahakbang palayo nang hablutin niya ang braso ko dahilan upang awtomatiko ako na mapaharap sa kan’ya at mapahawak sa malapad niya na dibdib.
"Ano ang sabi ko sa’yo?" Napa-isip ako sa tanong na iyon.
Nablangko ako lalo na at ang mga kamay ko ay nakapatong pa rin sa dibdib niya. Hindi tuloy ako makapag-isip lalo na at damang-dama ko ang matigas na dibdib niya. At sa dami ng sinabi niya kanina, alin ba roon ang tinatanong niya ngayon?
"Ah eh, Mikel, hindi ako manghuhula at hindi rin ako magaling sa pagmememorya. Kaya ano ba ang nais mo na isagot ko riyan sa tanong mo?"
"Act, Tamara. We need to act together. Kailangan natin mag-ensayo at magsanay na magkasama tayo upang maniwala ang lahat sa kasal natin." Humakbang ako paatras habang tumatango-tango pa bilang pagsang-ayon sa kan’ya. Kailangan ko magbigay ng distansiya sa pagitan namin nang makapag-isip ako ng maayos.
Ngunit muli siya na nagsalita bago pa man ako makasagot sa kan’ya ulit. "Kung kay Stan pa nga lang ay hindi na tayo makapasa, paano pa sa mga pamilya natin? Remember, Tamara, kailangan natin na palabasin that we are madly in love with each other, at iyon ang dahilan sa agaran natin na pagpapakasal. Love at first sight kind of thing."
"Agad-agad naman kasi. Shookt kaya ako. Mga artista nga may pa-workshop bago simulan ang shooting, pagdating sa akin ay take agad?"
"Hindi mo na kailangan iyon lalo na at kahit saan naman ay arteng-arte ka. Kaya please lang, Tamara, learn to follow rules. Huwag mo sabihin na wala ka pa na nakakarelasyon kaya hindi mo alam kung ano ang ginagawa ng magkasintahan?"
"Hoy! Sumosobra na talaga iyan pangmamaliit mo sa akin ha. Ano akala mo sa akin, nbsb? Puwes, mali ka. Sikat na sikat ako mula high school hanggang kolehiyo at pinipilahan ang ganda ko."
"Ganda, oo, puwede, maniniwala ako, pero oras na magsalita ka, I doubt it. Malamang lahat nang nakapila ay magsitakbuhan palayo sa’yo."
"Buwisit ka talaga!" Natatawa na hinapit niya ako papalapit sa kan’ya kaya nahampas ko siya sa dibdib at sa ikalawang pagkakataon ay nadaplisan ko ng hawak ang magandang pangangatawan niya. "Tsansing ka na yata ah." Pag-uuna ko na sa kan’ya kaysa ako pa ang pagbintangan niya.
"Ang dami mo parati na sinasabi. Halika na at ituro mo ang tinutuluyan mo ngayon. Sasamahan na kita nang mapraktis iyan pag-arte mo."
Nang marating namin ang pension house na tinutuluyan ko ay nagpasiya na lamang si Mikel na maiwan sa labas habang ako ay nagpaalam sa may-ari. Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay muli na tumunog ang telepono ko. Si Chad pa rin ang tumatawag. Wala bang pakialam ang mga magulang ko at hindi man lamang ako nagawa na tawagan at hanapin simula noon araw na iyon na umalis ako?
Nakakalungkot isipin na si Chad lamang ang naghahanap sa akin at hindi pa sa rason na nais ko. May sariling dahilan ang kapatid ko kung bakit pilit niya ako na hinahanap. Hindi tumitigil ang pagtunog ng telepono ko kaya naisipan ko na sagutin na iyon.
"Hello." bungad ko nang sagutin ang tawag.
"Anong kalokohan na naman ito, Tamara?! Nasaan ka at susunduin kita? Panay problema na lamang ang hatid mo sa pamilya na ito." Galit na galit ang boses ni Chad at kahit na natatakot na ako ay pilit ko na tinatagan ang loob ko.
"Hindi na kailangan, Chad. Uuwi na ako." tipid na sagot ko.
"Isang linggo, Tamara. Isang linggo lamang ang ultimatum mo para bumalik sa mga iniwan mo na responsibilidad dito sa pamilya natin. Kung hindi ay ipapahanap kita at ako mismo ang kakaladkad sa’yo pabalik dito sa atin. Alam mo ang mga koneksyon na mayro’n ako ngayon, Tamara. Huwag mo ako subukan."
Hindi na ako muli na sumagot at sadya na pinutol na ang tawag. Wala akong nagawa kung hindi ang lumuha. Ang pamilya na pinakamamahal ko ay ang pareho na pamilya na ipinagkakanulo ako.
Si Mikel. Siya na lamang ang inaasahan ko na makapagsasalba sa akin sa magulo na buhay na kinakaharap ko. Si Mikel na lamang ang natitira na pag-asa ko.