Chapter 6 - Role Play

1168 Words
"Kamusta, newlyweds!?" Ito ang bati sa amin ng kaibigan ni Mikel na si Stan nang lumabas kami ng bahay niya at naisipan na mananghalian sa may resort na malapit dito. "Ang lakas talaga ng radar mo kapag kainan, ano? Paano mo naman nalaman na narito kami?" tanong ni Mikel sa makulit niya na kaibigan. "Bro, naman, alam mo naman ako, naaamoy kita kahit nasa malayo ka pa lang." Naiiling na lamang ako na nauna nang maglakad sa kanila. Kahit paano naman ay talaga na may natitira pa rin ako na hiya sa katawan ko at ayaw ko nang makigulo sa usapan nila na magkaibigan. Nagulat ako ng may mga braso na umakbay sa akin, kaya agad ko iyon na siniko ng malakas sa tagiliran. "Aww! Walanghiya! Amasona ka ba, asawa ni Mikel? Mapanakit ka rin eh." "Bakit ba kasi may pag-akbay ka pa?! Close ba tayo? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos kung makadikit ka na agad sa akin ay akala mo naman matagal na tayo na magkaibigan?" singhal ko naman. Nasulyapan ko pa ang pag-iling ni Mikel sa pagtatalo na naman namin ng kaibigan niya na ubod ng gulo at kulit. "Ang sungit mo ha! Itatanong ko lang naman sa’yo kung wala ka bang plano na magbihis? Kahapon mo pa kasi suot ang mga damit na iyan. Nakakahiya naman sa mga tao na makakakita sa’yo at baka isipin pa na wala ka nang iba na damit." Walanghiya ang lalaki na ito! Talaga na ipinapahiya pa ako rito at sa harapan pa mismo ng asawa ko. "Tumahimik ka nga! Buwisit ka! Kailangan mo pa talaga na lakasan ang pagsasalita mo?" "Asus! Talaga naman na ang hirap mo kausap, asawa ni Mikel. Nang inakbayan kita para bulungan ay nanakit ka na lang ng biglaan. Ngayon naman na tinanong ko sa’yo ng malakas ay gusto mo pa rin manakit. Saan ba talaga ako lulugar sa’yo?" "Doon ka sa tabing-dagat at magpakalunod ka roon. Buwisit ka sa buhay ko." inis na turan ko pa. "Nasaan nga pala ang mga gamit mo? Saan ka tumutuloy? Mabuti pa na kuhanin na natin iyon pagkatapos natin na makakain." singit ni Mikel sa pagtatalo namin ni Stan. "A-ano?" "Kailangan ko ba ulitin ang lahat nang sasabihin ko sa’yo?" tanong ni Mikel na may halong inis na naman sa akin. "Ngayon lang uulitin, parati na agad? Ikaw nga ang paulit nang paulit sa sinasabi ko kanina. At isa pa, kailangan mo ba talaga na lagi na nagsusungit?" ganti na tanong ko rin sa pareho na inis na tono sa kan'ya. "Hep, hep! LQ agad? Puwede kumain na tayo bago pa kayo magsabong diyan at gutom na ako. Doon kayo sa bahay ninyo magsabong mamaya para mahimatay sa sarap itong misis mo, Kel." "Hmp, bastos." Hampas ko sa balikat ni Stan saka ako nagpatiuna nang lakad sa kanila. Nawala sa isip ko ang magiging arrangement namin habang nandito sa Mindoro kung kaya’t gulat na gulat ako kanina sa tinuran niya. Ibig sabihin ba niya ay ngayon na namin sisimulan ang pagpapanggap namin? Handa na ba ako na umarte sa harap ng mga tao? "Tamara, saan ka naka-check-in? Kukuhanin na ni Stan ang mga gamit mo at ihahatid sa bahay habang umoorder tayo ng pagkain." muli ay utos niya sa akin. Ang bawat salita ni Mikel ay parang isang utos buhat sa military official. "Ha? Hindi na kailangan. Ako na lamang ang kukuha mamaya. Nakakahiya naman sa kaibigan mo." "Ano ba ang nakakahiya roon, asawa ni Mikel? Sikat ako rito bilang pamangkin ng tiyuhin ko na hukom, kaya kahit na may utang ka pa roon ay makakalabas at makakaalis ka." "Ang kapal mo! Nagbayad ako sa tinutuluyan ko." "At saan nga iyon? Sabihin mo na kay Stan nang madaanan na niya ngayon. Huwag ka nang magpatagal pa riyan." Inis na nirolyohan ko silang dalawa ng mga mata ko. "Ako na nga lang ang kukuha dahil aayusin ko pa ang mga gamit ko. Huwag mo nga ako na dinadaan sa pagtaas-taas ng boses mo at hindi ako natatakot sa’yo." "Fine, whatever." Tipid na sagot niya at tinalikuran kami ng kaibigan niya. "Misis ni Mikel, pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko. Mabait naman talaga iyan, na broken lang kaya ganyan na, nagalit sa mundo at lagi nang nagsusungit ngayon." Mabuti na lamang at may kadaldalan si Stan kaya makakasagap ako ng tsismis patungkol kay Mikel. "Bakit, ano ang kuwento ng buhay ng kaibigan mo?" "Paano ba nagiging sawi? Eh ‘di nakipaghiwalay sa jowa niya." "Siya ang nakipaghiwalay tapos siya pa ang broken? Aba, matindi." "Matindi talaga ang kadaldalan ninyong dalawa na pati buhay ng may buhay ay pinag-uusapan at pinagpipiyestahan ninyo. Baka gusto ninyo na mahiya kasi ako ang pinagkukuwentuhan ninyong dalawa?" Hindi ako nakasagot nang makita ang salubong na naman na kilay ni Mikel sa amin ni Stan. Kainis! Makakasagap na sana ng balita ay naudlot pa. Chika na, naging bato pa. "Makapamintang naman siya, grabe! Ikaw lang ba ang nakipaghiwalay sa jowa rito? Ikaw lang ba ang may karapatan na maging broken sa lugar na ito?" Palusot ko pa habang inirapan pa si Mikel at naglakad papasok sa resort. Sumunod naman silang dalawa sa akin sa restawran. Nang idirekta kami ng serbidora sa isang lamesa ay nagulat pa ako nang tabihan ako ni Mikel sa kinauupuan ko. Ipinatong pa niya ang braso niya sa may sandalan ng upuan ko kaya naman ay hindi ako komportable sa aming posisyon. Mataray ko siya na tinitigan habang nagkibit-balikat naman siya. Palipat-lipat naman ang tingin sa amin dalawa ng kaibigan niya na si Stan. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Mikel sa kaibigan niya. "Ano ang ginagawa mo?" balik-tanong naman ni Stan. "Ano ba ang nakikita mo?" "You are being too close to her. Are you for real?" Kinuha ko ang baso ng tubig sa harapan ko at uminom na lamang ako dahil parang ewan ang dalawa na kasama ko sa pagbabalik-balik ng tanong sa isa’t-isa. "Bakit hindi? Asawa ko siya. I can be close to her whenever I feel like it." Inilapit pa niya ang bibig niya sa may tainga ko kaya naman napabuga ko ang iniinom ko na tubig. Mabilis naman na inabot ni Mikel ang tissue at pinunasan pa ang bibig ko. Nanlalaki ang mga mata ko at hiyang-hiya ako sa nangyayari kaya inagaw ko ang hawak niya na tissue para punasan ang sarili ko. "Anong ginagawa mo?" mahina na tanong ko sa kan’ya. "Kasasabi ko lang kay Stan, hindi mo ba narinig? Bakit kailangan mo ulitin ang tanong niya?" "Sumagot ka nga ng maayos at baka hindi kita matantya riyan." "Feisty! I like it." Muli pa niya na inilapit ang labi sa may tainga ko kaya naman nanindig ang aking balahibo at may kung ano na parang kuryente ang dumaloy sa aking katawan. "Tumigil ka nga. Gusto mo makatikim ka na?" Bumulong siya sa akin at sa madiin na pananalita ay nagsabi, "This is role-playing, Tamara. Paano natin mapapapaniwala ang mga pamilya natin pag-uwi natin ng Maynila kung ngayon pa lang ay bagsak ka na sa pag-arte?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD