Nakatutok ang mga mata ni Dante sa altar. Masaya siya para sa kanyang best friend na may mabait at mapagmahal na asawa.
“Siya kaya, kailan lalagay sa sinasabing tahimik na buhay kahit marami ang nagsasabi na ang pag-aasawa ay hindi lalagay sa tahimik, bagkus ay lalagay pa sa magulong buhay? Naroon ang mga pagsubok na dapat ay malampasan bilang mag-asawa. Lahat daw ng hirap, saya, at worst thing ay dadanasin. Kaya paano nga ba masasabi na ang pag-aasawa ay lalagay sa tahimik?”
Nalingunan ni Dante ang katabi dahil sa halos bulong lang na pagkakasabi nito sa kanya.
“Huwag mong titigan o pangarapin dahil hindi mo dadanasin ang ganyang kagandang kasal. Bagay lang ’yan sa mga taong kagaya namin,” pang-aasar niya kay Dante.
“Hindi ako nangangarap ng ganito kagarbong kasal, Ms. Sungit. Ang importante ay mabait, mapagmahal at mahal na mahal ko ang babaeng pakakasalan ko.” Humakbang palayo si Dante para makaiwas sa maaaring hindi magandang kahihinatnan pa ng kanilang pag-uusap.
Mukhang siya pa ang naasar sa ginawang iyon ni Dante kaya sa halip na manatili sa pwesto ay sinundan ang binata sa labas. Nagpalinga-linga siya pero walang Dante na nakita roon kaya minabuti na lang na bumalik sa loob at hintaying matapos ang ceremony.
Matapos ang mahigit isang oras,
“Congratulations, Drake and Aqua,” pagbati ng mga malalapit na bisita nila.
Hindi na magawang lumapit ni Chariz sa bagong couple dahil sa dami ng bumabati sa mga ito kaya minabuti na lang na lumabas na.
“Ate, sumabay ka na sa amin. Papunta na kami sa reception.”
“Sige, Jm. Mabuti pa nga nang mapahinga naman ang mga paa ko. Kanina pa ito masakit.”
RECEPTION HALL
Napansin ni Chariz na tumayo si Aqua at nagtungo sa harapan ng mga kababaihan.
“Girls, ready?” Malakas ang sigaw nito sa karamihan ng kababaihan.
Agad na nagtayuan ang lahat ng naroroon. Si Chariz na walang planong makisali ay walang nagawa nang itulak siya patayo ng kapatid na si Jm.
“Go, Ate…”
Kasabay ng pagtayo niya ay mismong sa dibdib niya pumatak ang bouquet.
Malakas na sigawan habang sa kabilang side naman ay inihagis nang malakas ni Drake ang kulay itim na garter.
Nagtaka si Dante nang walang ni isang kumilos sa mga kalalakihan. Alam na niyang kinutsaba ng kaibigan ang lahat para sa kanya mismo pumatak iyon.
One-week stay sa lugar na nakalagay sa papel na nabunot ni Dante.
One-week stay sa lugar na nakalagay sa papel na nabunot ni Chariz.
Malakas na sigawan ang maririnig sa paligid na dapat ipaalam sa lahat ang nilalaman ng mga papel na hawak nilang dalawa. Si Chariz ay pasimpleng tinapakan ang paa ni Dante na ikinangiwi ng binata. Nagulat naman ang binata sa inasal ng dalaga.
“Talagang papansin iyong sungit na ’to, huh!” Saka na tumawang bumaling sa karamihan ng mga bisita.
“Anong tinatawa-tawa mo diyan, huh!” Pabulong lang iyon pero rinig iyon ni Dante. Sa halip na pansinin ay binalewala lang niya ang dalaga.
“Sorry, guys, pero hindi puwedeng malaman ng iba kung saan ang destination nilang dalawa,” pagpapaliwanag ng MC.
Agad na tumalikod si Chariz at hinila ang kapatid na si Jm. “Brother, gawan mo ng paraan. Ayaw kong pumunta ng hacienda. Alam mo namang hate ko ang probinsya.”
“Ha-ah, ’eh, Ate, okay lang ’yon. Ano ka ba naman? Eh ’di mag-practice kang mangabayo doon. Isa pa, mukhang mag-e-enjoy ka doon, Ate. Relax lang. Saka malay mo, baka doon mo makilala ang soulmate mo. Alalahanin mo, Ate, malapit ka nang mawala sa calendar…”
“What the fvck, Jm!” Angil niya sa kapatid na natatawa-tawa pa. Mukhang mali pa siya ng nilapitan. Bakit ba lahat yata ay pabor sa game na iyon, huh! Kung alam lang niya, hindi talaga siya pumayag na siya ang makasalo ng bulaklak na iyon.
Naramdaman ni Chariz ang dalawang brasong pumulupot sa kanyang baywang. Agad niyang naamoy ang pabango ng pinsang si Drake.
“Okay ka lang ba, mahal kong pinsan? Ha-ha-ha. Sigurado akong after one week may magandang mangyayari sa’yo doon.”
“Kuya Drake! Baka marinig ka nila. Sinadya mo ito, ano?” Pero sa halip ay lalo pa itong humalakhak. Pakiramdam niya ay nakatutok sa kanya lahat ng nasa paligid kaya agad na namula ang kanyang mukha.
“Kambal, bakit naririto ka pa? Hindi ba at dapat naroon ka na sa hacienda ngayon?”
“Kuya Charles, ayaw kong pumunta doon. Anong gagawin ko sa liblib na lugar na ’yon?”
“Sabihin mo iyan kay Drake para hindi maghintay sa’yo ang mga taong nag-prepare ng pag-stay mo doon.”
Nakarinig sila ng pagtigil ng car. Sinilip ni Charles kung sino ang dumating at napangiti siya nang makita ang pinsang si Drake.
“Speaking of the angel, ayan oh. Kausapin muna siya…”
“Ha? Anong ibig mong sabihin, Kuya?”
“Hello, my dear cousin…” Nabitin ang sasabihin pa ni Drake nang makitang naroroon pa rin si Chariz.
“Kuya Drake, ayaw kong pumunta doon. Please, mamatay ako sa gubat na lugar na iyon,” pagmamakaawa niya sa pinsan.
“Hindi puwede, my dear. Halika na. Nasaan ang luggage mo at papahatid kita sa pilot ko.”
Ayaw pang humakbang ni Chariz kaya si Charles na ang tumayo at itinulak na siya paakyat sa kanyang kwarto habang nakasunod si Drake.
“Just one week lang iyon, mahal kong pinsan, kaya pagbigyan muna, okay?”
“Sige na nga! Nakakainis ka, Kuya!” Nagpadyak habang papasok sa kanyang closet.
Nang mawala sa paningin nila ang dalaga ay hinarap ni Charles ang pinsan.
“Sigurado kang safe si Kambal sa lalaking ’yon?”
“Hindi ko ipapahamak ang kapatid mo. Pinsan ko siya at mahal ko ’yan kaya no worries. Ginagawa ko ito dahil ayaw ko sa boyfriend ng kapatid mo.”
Hindi nagtagal ay lumabas din si Chariz na hila-hila ang kanyang maleta.
“Akin na. Ako na ang magdadala.” Agad na dinampot ni Drake at agad na bumaba ng hagdan. Mahirap nang magbago pa ang isip ni Chariz.
SA HACIENDA
Ay kakalapag lang ng chopper na sinakyan ni Dante. Sinalubong siya ng dalawang taong lalaki.
“Sir Dante, akin ’yang mga dala mo. Ihahatid ka namin doon sa magiging tirahan mo para sa buong linggo.”
“S-sige, salamat. Saan ba ang lugar na iyon?”
“Medyo malayo kaya kailangan nating sumakay ng kabayo.”
“Naku, hindi ako marunong niyan. Baka mahulog pa ako,” kakamot-kamot sa ulo.
“Walang problema, sir. Sumakay kayo sa likuran ko at bahala na si Dindo diyan sa backpack mo.”
Nahihiya man ay wala naman siyang pagpipilian, kaya sumakay siya at humawak nang mahigpit sa balikat ng kasama.
Halos fifteen minutes na tinakbo nila at narating din ang lugar. Halos hindi siya kumurap sa ganda ng paligid. Kahit saan siya lumingon ay parang nasa paraiso lang siya. Ang pagbagsak ng tubig sa napakalinis na falls at napakalinaw na tubig na halos mangaso iyon sa lalim.
“Ilang feet ang lalim niyan?”
“Sa pinakagitna ho ay nasa 30 ft. Dito naman sa may gilid ay 10 feet.”
“I see.” Napatingala siya sa taas at napahanga na naman nang makita ang napakagandang bahay sa itaas ng mga puno.
“Pwede ba akong umakyat doon?”
“Pwede, sir. Kunin ninyo na lang ang key sa loob ng rest house. Sa pinakaunang pinto ay naroroon po, nakasabit sa wall.”
“Salamat ho.”
Nakaalis na ang dalawang lalaki ay nakatingala pa rin siya roon sa mga puno. Gusto niyang isipin na nasa isang lugar na paraiso siya ngayon. Sa paligid ay naggagandahang mga orchids at iba’t ibang halaman.
Naglakad siya patungo sa may kalakihan ding rest house. Sinong magsasabing sa ganito kaliblib na lugar ay may ganito karangyang bahay?
Itinulak niya ang nakitang unang pinto, isang katamtamang laki na may mga shelves sa loob. Sa kabilang side ay maraming libro. Sa kabilang dulo naman ay may mga ilang nakasabit na iba’t ibang baril at weapon.
Sa mga wall ay iba’t ibang painting at nagmumukhang maliit na gallery ang loob. Iniikot niya ang tingin at nakita ang ilang key na nakasabit doon.
Hindi na siya nagtagal doon. Lumabas at binuksan ang isang room na may kulay navy blue rug. Sa katapat ay ang kulay red na rug. Pinili niya ang navy blue at doon ay isa-isang ipinasok ang kanyang personal things.
Nalula siya sa ganda ng kwarto. Napaisip siya bigla kung bakit dito siya dinala. Siguradong setup na naman siya ng kaibigang si Drake. Kailangan niyang maghanda. Mukhang hindi siya nag-iisa dito ng isang linggo. Nakakaamoy na siya na darating ang babaeng gusto niyang iwasan.
Walang maisip na gawin kaya nagsuot ng boxer short na hanggang tuhod niya at nagtungo sa falls. Walang inaksayang sandali at agad na nag-dive doon. Nagpabalik-balik siya ng langoy doon, sumisid hanggang pinakailalim. Namataan ni Dante ang pinaka-sulok ng ilalim ng falls at may butas doon. Agad na nilapitan iyon at pumasok sa pinakaloob. Halos kapusin siya ng hininga nang makalitaw sa ibabaw ng tubig. Inikot ang paningin sa kapaligiran at isa pang nakamamangha ay may malawak pa ring tubig doon na mas malalim pa kumpara roon sa kabila. Ang kaibahan lang, simple ang paligid at ang mga puno lang na naggagandahan ang nagbibigay ng attractive sa paligid.
Umahon at naglakad patungo sa medyo mataas na lugar. Nakakita siya ng malapad na bato at doon ay naupo muna. Maya-maya na lang siya babalik sa kabila.
Isang chopper ang lumapag sa malapit sa falls at nang makababa ang dalaga ng chopper ay agad na hinarap ang pilot.
“Bakit dito mo ako dinala?” habang nakasunod sa lalaki. “Dapat doon sa hacienda. Ayaw ko dito at anong gagawin ko sa lugar na…”
Nabitin ang sasabihin pa niya nang bumungad sa mga mata ang mala-paraisong lugar. Hindi niya alam na may ganitong lugar sa hacienda. Ngayon ay alam na niya kung bakit nahuhumaling ang ibang mga kamag-anak nila na mag-stay dito.
Umihip ang malakas na hangin. Napahalukipkip siya nang maramdaman ang kakaibang lamig ng simoy ng hangin.
“Ma’am, maiwan ko na ho kayo dito. Kailangan kong makabalik agad ng Manila.”
“Sige, salamat.”
Agad na pumasok sa loob ng rest house at binuksan ang naunang pinto pero isinara rin iyon nang makitang hindi iyon bedroom. Itinulak ang pintong nakaawang at hindi nakasarang mabuti. Natigilan siya nang makitang may mga gamit doong panlalaki. May kalakihan ang backpack na akala mo ay pang-mountain climbing. Hinila iyon pasara at binuksan ang katapat. Napangiti siya agad, humiga sa ibabaw ng malaking bed at bahagyang pumikit.
Ang papasok ng kwarto na si Dante ay napansing nakaawang ang katapat na pinto. Agad na itinulak iyon at ganoon na lang ang pagkakagulatan nilang dalawa.
“Ikaw? You?”
“Bakit naririto ka, Ms. Sungit?” “What are you doing here?”
Sabay na naman nilang tanong sa bawat isa.
“Dito ako ipinahatid at dito raw ako mag-i-stay for one week.”
“No! Ayaw kong makasama ka dito, Mr. Caretaker! Umalis ka dito!”
“Oh, ayaw mo pala akong makasama, eh ’di ikaw ang umalis dito…”
“Shut up! Ako ang Montemayor, hindi ikaw! Ano, aangal ka?”
“I-Ikaw nga, pero ako ang naunang dumating dito kaya magtiis ka sa presence ko,” at nagmamadaling tinalikuran ni Dante ang dalaga.
“Hoy! Mr…… Pucha! Bastos!”
“Maigi na ’yong mag-lock ng pinto baka sugurin pa siya ng masungit na babaeng iyon.” Gustong matawa ni Dante nang pagsarhan niya ng pinto ang nagtatataray na babae.
Nagmamadaling nag-shower at nagbihis. Lumabas ng kwarto saka binuksan ang unang pinto. Kinuha roon ang key at nagmamadaling lumabas ng resort. “Sana lang hindi mapansin ng babaeng ’yon ang bahay sa itaas ng puno para may mapagtataguan siya.”
“Wow.” (Whistle.) “Napakaganda ng loob. Pagpasok pa lang ay malaking kama agad. Sa kabilang gilid ay iba’t ibang klase ng bagay.” Nailing si Dante habang isa-isang tinitingnan iyon. Dati sa mga porn movies lang siya nakakakita ng mga ganoon. “Sadist! Aba, ang mga Montemayor, para gumamit ng ganitong mga bagay?”
Binuksan ang naruong katamtamang ref at lalo na siyang napanganga nang isa-isang makita ang laman noon. Hindi naman pala iyon refrigerator dahil isa iyong cabinet na may mga shelves sa loob.
Ibang klase talaga ang mga Montemayor. Pati, puro s*x toys ang naroroon, iba’t ibang klase ng vibrator, sari-saring flavor ng condom na puro large and extra large at may mga lubricant din.
Isinara niya iyon at saka sinilip ang bathroom doon. May malaking Jacuzzi, may ilang table din doon na para sa pagsi-s*x.
Isinara ang pinto ng banyo at humiga sa ibabaw ng kama. Unti-unting kinain siya ng kamalayan at nakatulog.
Sa rest house ay kanina pa nag-iikot si Chariz dahil biglang nawala ang kinaiinisang lalaki. Naroroon naman sa kwarto nito ang mga gamit kaya sigurado siyang naroroon lang ito sa paligid.
Naengganyong maligo sa falls dahil napakaganda noon, sobrang linaw ng tubig.
Nagsuot ng two-piece bikini at nag-dive agad doon, pabalik-balik na nag-floating. Minsan ay sumisisid din siya pero ayaw niyang bumanda sa gitna dahil hindi siya masyadong marunong lumangoy.
Sa paglipas ng oras ay nalibang na siya at nakalimutan na ang lahat.
Nahiga sa ibabaw ng malapad na bato saka doon ay ipinahinga ang katawan. Medyo napagod din siya sa kakalangoy. Maya-maya na uli siya lulusong sa tubig.
Si Dante na kagigising ay dumungaw sa bintana. Naikurap niya ang mga mata. “Hallucination ba ang kanyang nakikita?” Isang babaeng parang diyosa na halos hubad ang nakahiga sa malapad na bato habang nakapikit ito. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa kagandahang nakalatag doon. Gusto nang umalis pero hindi niya magawang ibaling man lang ang tingin. Ang napakaputi, sexy, kalakihang dibdib at mahahabang legs ng dalaga. Sinong lalaki ang hindi tatayuan at panunuyuan ng lalamunan sa ganitong nakikita?
“Sh!t! Na babaeng ito, nanadya ba talaga para pahirapan siya, huh!”
Sinikap ni Dante na ihakbang ang mga paa para makaalis doon. Masakit na ang kanyang puson. Hinila ang pinto at nagmamadaling bumaba saka pumasok sa kwarto at nagsuot uli ng boxer short. Kailangan niyang malamigan para mawala ang init ng pagnanasa.
Alam niyang tulog ang dalaga sa malapad na bato kaya mabilis na nag-dive agad at sumisid sa ilalim ng tubig. Plano niyang pumunta na lang sa kabila pero kailangan muna niyang punuin ng hangin ang kanyang dibdib para makarating doon.
Lumitaw muna siya sa ibabaw para makalanghap ng hangin pero sinalubong siya ng ratatat ng bibig ni Chariz.
“Sinong nagsabi sa’yo na maligo ka dito, ha? Nakita mong naririto ako at naliligo! Umalis ka, baka mahawa pa ako ng bacteria na nasa katawan mo! Wala ka talagang modo…”
Natigil sa pagsasalita nang mawala sa paningin si Dante dahil naaninag na lang niya itong nasa ilalim ng tubig.
Tumayo at naghanap ng puwede niyang maibato sa binata once na lumitaw ito. Pero kanina pa siya naghihintay ay walang Dante na lumitaw. Inaninag pa niya ang tubig pero wala na roon ang lalaki. Nagpalinga-linga siya at baka nasa gilid lang ito pero talagang wala. Nakaramdam ng kaba at kung ano-anong takot ang lumukob sa kanyang dibdib.
“May buwaya ba dito? Sawa?” “Oh, God!” Mangiyak-ngiyak na si Chariz habang nakatayo sa malapad na bato. Agad na tumakbo sa loob ng resort at hinagilap ang kanyang cellphone pero hindi iyon makita roon. Halos isa-isahin na niya ang laman ng kanyang luggage ay wala talaga. Lumipat sa kabilang kwarto na okupado ni Dante at itinaktak ang laman ng bag nito para hanapin ang cellphone ng binata pero wala rin.
“Oh, God, anong gagawin niya?” Hysterical na lumabas ng resort at malakas na nagsisigaw pero halos mamaos na siya ay walang dumarating na tao.
Bumalik sa ibabaw ng malapad na bato at sinubukang aninagin uli ang ilalim ng tubig pero wala talaga roon ang binata.
Sa kabila ng falls ay naulinigan ni Dante ang malakas na sigaw ng isang babae. Nagmamadaling nag-dive siya at sumisid pabalik roon. Kinabahan siya sa maaaring mangyari sa dalaga. Baka may masamang taong nakapasok.
Si Chariz ay nag-dive sa tubig at sinisid ang bandang malalim saka pinilit na dumilat para hanapin ang binata pero wala talaga roon. Ilang beses na lumitaw sa ibabaw dahil nangangapos ang kanyang hininga. Pinuno ng hangin ang dibdib at saka sumisid sa pinak malalim, baka sakaling mahanap niya roon si Dante. Nakaramdam siya ng paninigas ng mga paa. Sobrang takot ang lumukob sa kanyang puso at isipan. Nakainom na siya ng tubig dahil habang sinisikap niyang makalangoy ay lalo siyang lumulubog paibaba. Humalo sa tubig ang mga luha ng dalaga. Alam niyang katapusan na niya ito.
“I’m sorry, D-Dante…” Unti-unting nagdilim na ang lahat.