Part- 2

2084 Words
Si Dante na ang umiwas sa dalaga hangga’t kaya niyang kontrolin ang sarili. Ayaw niyang sirain ang magandang pagtingin sa kanya ng kaibigan. Naging tahimik naman ang dalaga mula nang pangyayaring iyon. Lumipas ang mga araw until nagising na lang si Dante na wala na ang dalaga. Panghihinayang ang naramdaman niya at pasasalamat na rin. Dahil kung magtatagal pa si Chariz na kasama niya sa iisang bubong, baka tuluyang mawala ang control niya sa sarili. Matapos maligo ay nagmamadaling nagbihis, baka maiwan pa siya ng flight. Dala ang katamtamang luggage at ang katamtamang gift wrap na ireregalo niya sa kaibigan. Nakatayo siya sa harapan ng bahay nang may tumigil na kotse sa harapan niya. Ipinagbukas pa siya ng driver at kinuha ang mga dala niya saka iyon ipinasok sa back compartment. “Sir, I’m from Montemayor Car Company. My boss sent me here to pick you up.” Matapos magpasalamat ay agad na inayos ang pagkaka-seatbelt saka binuksan ang cellphone. “Mahirap na, baka kausapin pa siya nang kausapin ay maubos ang natutuhan niyang English. Hahaha.” Ibinaba siya nito sa mismong harap ng departure gate. Matapos magpasalamat ay itinulak na niya ang cart. Pipila na sana siya sa check-in counter nang tumunog ang cellphone niya. “Yes, hello. Good morning…” “Hmm, mabait ka yata ngayon?” “Naku, si Ms. Sungit.” “Yes?” “Dumiretso ka na sa immigration dahil private jet plane ang sasakyan mo.” “O-okay, salamat…” Suplada talaga. Nagsasalita pa siya ay pinutol agad ang line. Malalaki ang hakbang na dumiretso na sa immigration at matapos matatakan ang passport. Bitbit ang gift wrap at hinila ang katamtamang luggage. Hinanap ang gate kung saan siya magbo-boarding. Dalawang lalaki ang lumapit sa kanya. “Mr. Dante?” “Yes, I am.” Kinuha ang dala niya at igiya na siya patungo sa naghihintay na private jet. “Magandang araw, sir,” sabay-sabay na pagbati mula sa mga staff ng plane. Matapos magpasalamat ay naglakad na siya sa loob. Palinga-linga pa siya nang marinig ang pangalan niya sa announcement. “Hey! Mr. Caretaker, dumiretso ka sa second floor.” “Fvck! Si Ms. Sungit naririto sa loob at talagang ipinangalandakan pa ang tawag sa kanya.” Namumula ang mukha na nagmamadaling umakyat. Mauupo na sana siya nang tawagin siya ng boses babae. “Sa VIP ka pumasok, Mr. Caretaker…” “Takte, talagang babaeng ito!” Nilingon niya ito at seryosong tinitigan nang matalim. Pero sa halip na matakot ay tinaasan pa siya ng kilay nito. “Sabagay, nasa territory siya nito kaya behave muna siya ngayon.” “Masusunod, mahal na reyna…” Ha-ha-ha. Sinikap na pigilin na hindi marinig. Sa klase ng tingin sa kanya ng dalaga ay malinaw na narinig ang impit na tawa niya. “Wow! Hangang-hanga siya sa ganda ng loob, para na siyang mayaman ngayon. Kahit dito na siya tumira. Ha-ha-ha…” Nagpasalamat si Dante at buong flight na hindi siya binuwisit ng babae. Narinig na lang niya ang announcement na palanding na sila sa international airport ng Pilipinas. Agad na inayos ang kanyang suot at nag-ready sa pagbaba. Nagkagulatan pa sila ni Chariz nang sabay na lumabas ng VIP room. Tumabi na muna siya. Mahirap nang banggain na naman siya nito. “Let’s go…” “Hmm, siya ba ang kinakausap nito?” “Hey! Mr. Care...” “Ayan na, Ms. Sungit!” pagputol ni Dante sa pagsasalita ni Chariz. Agad namang namula ang mukha ng dalaga sa inis. Gusto namang magdiwang ng loob ni Dante dahil nakabawi siya ng kaunti. Ang mga flight attendant ay natatawa sa kanilang dalawa. Nang bumukas ang pintuan ng plane saka lang napansin ni Dante ang suot ni Chariz. “Bakit ganyan ang suot mo? Ang iksi-iksi. Sana naghubad ka na lang!” Natakpan ni Dante ang sariling bibig nang ma-realize ang salitang lumabas sa bibig niya. “Pakialam mo! Eh ’di magsuot ka rin ng maiksi! Tse!” “Ha-ha-ha, bagay na bagay sila ni Ma’am and Sir…” Napapahiyang sumunod na lang si Dante sa dalaga. Pero nagdiriwang ang kalooban sa papuri ng mga staff. Isang limo ang naghihintay sa kanila. Nagmamadaling sumakay si Dante. Ni hindi niya nilingon ang dalaga, baka mamaya ay awayin na naman siya nito. Hanggang marating ang destination ay wala silang imikan. Sinalubong sila ng kaibigan. “Kumusta, pare?” “Oh, kumusta naman kayong dalawa? Magkasama pala kayo sa flight?” “Hi, Kuya. Hello, Ate,” sabay halik ni Chariz kay Drake at Aqua. Masayang nagkukuwentuhan habang papasok sa malaking bulwagan. Si Chariz at Aqua, si Drake at Dante. Dumiretso sila sa dining at doon nagpatuloy sa kuwentuhan. Manaka-nakang sinusulyapan ni Chariz ang binata na seryosong kumakain. Nang makaisip na naman ng pang-aasar, “Ilang araw kang hindi kumain, Mr. Caretaker? Para kang pg…” Namula ang mukha ni Dante at natigilan. Pakiramdam niya ay lulubog siya sa insultong sinabi ni Chariz sa kanya. Kahit si Drake ay natigilan at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Si Chariz ay napayuko. Nabigla rin siya sa nabitiwang salita. Gusto lang niyang asarin ang binata pero kitang-kita niyang nasaktan ito. Hindi rin niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Dumaan ang katahimikan at hindi nagtagal ay tumayo na si Dante. Tinanguan lang ito ni Drake saka matalim na tinitigan ang pinsan. Nang mawala sa paningin nila si Dante ay kinabahan si Chariz. “Kailan ka pa naging bastos, Chariz? I think masamang influence ang boyfriend mo. Hindi na ikaw ang mabait na mahal kong pinsan.” Nasaktan ang dalaga sa lamig ng boses ng pinsang si Drake. Pero tama naman ito. Masyado na siyang naging bastos. Naiinis na kasi siya kay Dante at hindi rin niya alam kung bakit. Matapos ang nangyari ay agad na nagpaalam si Chariz na uuwi muna sa mansion ng mga magulang. Bagsak ang balikat na lumabas ng kabahayan at naglakad palapit sa nakaparadang kotse. Si Dante ay nakamasid lang sa dalaga habang nakatayo sa gilid ng pool. Gusto niyang habulin ang dalaga para sabihing okay lang siya. Kahit ganoon ito ay ayaw niyang nakikitang malungkot at nasasaktan ito. Siguro pinagalitan ito ni Drake dahil sa itsura nitong parang iiyak. “Do you love her?” Nalingunan niya si Drake at seryoso ang mukha habang nakapasok ang kamay sa magkabilang bulsa. “H-hindi ko alam. Isa pa, hindi naman puwede. ’Saka alam mo namang hate na hate ako ng pinsan mo.” “I know you, bro. Hindi mo hahayaan at titiisin ang mga pang-iinsultong ginagawa niya sa’yo kung hindi mo siya mahal.” “Ano ka ba, pare? Wala ’yon sa akin. Siguro ganoon lang talaga ’yang pinsan mo. Saka obvious na biro lang naman ang lahat ng ’yon. Gustong-gusto lang no’n akong asarin.” “I give you access, basta ipangako mo lang na hindi mo siya sasaktan. I know her. Sana lang hindi mo seryosohin ang mga nabibitiwan niyang salita.” “Ha-ha-ha, ikaw talaga, pare. Halika na nga, ’di ba sabi mo may pupuntahan tayo?” “Ay, muntik ko nang makalimutan. Saglit lang, magpapaalam ako kay Aqua.” Sakay ng latest model na Lamborghini si Drake at Dante habang kasunod ang isang BMW black na sinasakyan ng apat na bodyguard. Mabilis ang takbo nila habang panay kuwento ni Drake sa kanya tungkol sa bagong bahay na pupuntahan nila. Forty minutes ang tinakbo nila nang pumasok sila sa isang village. Ilang liko lang at tumigil sila sa two-story bungalow na. Hindi na sila nag-doorbell pa. Itinulak ni Drake ang malaking gate at pumasok sila. Naiwan sa labas ang dalawang sasakyan. “Ano, bro, maganda ba?” “Oo, pare. Ito ba ang magiging bahay ninyo ni Aqua?” “Ha-ha-ha! Hindi, pare. May mansion na kami, ’yong regalo ni Dad.” “I see. Eh, kaninong bahay ito?” “D-Dante, anak.” “Kuya…!” Patakbong sumalubong sa kanya ang kapatid at ang ina. Agad siyang nagmano. Na-miss niya ang nanay niya. Niyakap at hinalikan ang kapatid. “Oh, bakit? Bakit kayo naririto? I mean, pare, bakit pala naririto sila?” “Ito ’yong sinasabi ko sa’yo na bahay para sa mama at kapatid mo.” Gustong maiyak ni Dante. Ang akala niya ay nasa malayong lugar ang kanyang pamilya at naghihirap doon. Kaya gusto niyang magsumikap para mabigyan ng kaginhawahan ang pinakamamahal niyang nanay. Pero dahil sa kaibigan ay naririto ang pamilya niya at masarap na ang buhay. Namumula ang mata na nagpasalamat sa kaibigan. “Basta para sa’yo, bro. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang best friend ko. Gusto kong maging masaya ka kapiling ng mga mahal mo sa buhay.” Masaya silang nagluto ng pork grill at kasalo nila ang apat na bodyguard. May iniabot na car key si Drake sa kanya. “Susi ’yan ng kotse na nasa gilid ng bahay. Sa’yo ’yon.” Hindi halos makapagsalita si Dante. Niyakap na lang niya ang kaibigan. Tinapik-tapik ni Drake ang balikat ni Dante. “Paano, maiwan ka na muna dito at nang makapag-bonding kayo ng pamilya mo.” “Salamat nang marami, pare.” “Welcome, bro.” Wala na ang kaibigan at mga bodyguard nito nang marinig niya ang boses ng ina. “Anak, napakaswerte mo at nagkaroon ka ng napakabait na kaibigan. Ingatan mo ang pagkakaibigan ninyo. Sa tingin ko, hindi lang basta mayaman si Diego—si Drake pala.” “Nay, he’s Montemayor po. Top-rank billionaire sa buong Asia.” “Talaga ba, anak? Kaya pinagpapala ang pamilya nila dahil mababait sila.” “Tama ka, Nay. At nakilala ko na ang ibang kamag-anak nila at talagang may mabuti silang kalooban.” “Tara, Nay, bunso. Ipapasyal ko kayo…” “Naku, anak, baka mahuli ka pa ng LTO. Wala kang lisensya…” “Mayroon po, Nay. International license po. Doon ko kinuha sa Spain.” Walang pagsidlan ng katuwaan ang ina at kapatid ni Dante. Kitang-kita ang kislap sa kanilang mga mata. Kung saan-saan dinala ni Dante ang nanay at kapatid niya. Inubos nila ang buong araw sa pamamasyal. Dinala rin niya sa mamahaling restaurant ang mga ito, ipinag-shopping niya at ang huli ay nanood din sila ng movie. “Anak, ang dami mong gastos sa amin ng kapatid mo. Baka naman maubos na ang pera mo. Dapat mag-ipon ka para kung dumating ang oras na mag-aasawa ka na, may naitabi ka.” “Nay, huwag mong isipin iyon. Ang lahat ng ito ay para talaga sa inyo.” “Salamat, anak.” Pagod sa maghapong gala kaya agad na nakatulog ang nanay at kapatid niya. Siya ay nanatiling gising, hawak ang brandy na panay lagok habang nakatayo sa veranda. Hindi maalis sa isipan ang sinabi ng kaibigan, “I’m giving you access.” Masaya siya na nagtitiwala sa kanya ang kaibigan pero ang labo namang magkagusto sa kanya ang pinsan nito. Napakaganda ng dalaga at napakayaman nila. Siya, wala kahit ano, walang pinag-aralan. Naiiling na lang si Dante para sa sarili. Kailangan niyang dumistansya sa dalaga dahil habang sinusungitan siya nito ay unti-unting nahuhulog siya. Suntok sa buwan na pangarapin niya ang isang Chariz Montemayor. Tinapos ang natitirang laman ng baso at pumasok na sa sariling room. Naligo lang at nahiga na dahil pagod siya sa biyahe at maghapong galaan ay agad na nakatulog. Sa mansion ng mga magulang ni Chariz ay hindi makatulog ang dalaga. Hindi mabura sa isipan ang mukha ni Dante nang mapahiya ito sa sinabi niya. Hindi rin maintindihan ni Chariz kung bakit naiinis siya kay Dante kapag nakikitang masaya ito sa ibang tao. Kapag silang dalawa, halos hindi siya nito kausapin at palaging umiiwas sa kanya. Kaya naman kung ano-ano na lang ang naiisip niyang sabihin para lang makuha ang attention nito. Pero iyong huling nabitiwan niyang salita ay talagang pinagsisihan niya. Napaiyak pa siya dahil pinagalitan siya ng pinsan. Unang beses na nagalit sa kanya si Drake. Kaya ngayon, lalo na siyang naiinis kay Dante. Pakiramdam niya ay sinasadya nito para mapahiya siya sa harap ng pinsan. Bumangon at nagtungo sa terasa. Doon ay matagal siyang nakatayo habang nakasandal sa wall at nakahalukipkip. Bukas na ang kasal ng pinsan niyang si Drake at napag-alaman niyang si Dante ang best man at siya ang maid of honor. At hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang lalaki. Hindi naman siya hihingi ng sorry. Parang inamin na niya na siya ang may kasalanan. Bumalik sa kwarto. Kailangan na niyang matulog; otherwise, puro eyebag siya bukas. Dapat siya ang pinakamaganda sa lahat ng bridesmaid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD