HINARANG ako ni Maam Sammy ng makita niyang papunta ako sa elevator. "Good morning po!" bati ko. "Good morning, Charlotte. Sabi sa akin ng isang empleyado. Nakita ka niyang kinakausap ka ni Sir Daxton. Bakit? Anong sabi? Pinagalitan ka ba?" nag-aalala niyang sabi. "Uh, hindi naman po. Kaya lang gusto niya akong makausap ngayon tungkol po sa trabaho," wala sana akong balak sabihin sa kanya iyong tungkol sa napag-usapan namin ni Sir Daxton kagabi. Para kasing hindi pa naman kami tapos pag-usapan iyon kaya ayaw ko muna sanang magsalita. "Bakit daw?" "Kakausapin ko po muna kasi hindi ko nga din po alam. Sige, Maam. Mauna na ko kasi gusto ko na din umuwi. Nag-aantay ang anak ko sa akin." Natulala lang siya at sinundan ako ng tingin ng nilagpasan ko na siya at sumakay sa elevator. Kanina