NASUNDAN ang panunuod ni Sir Daxton sa akin sa Corral Restaurant. Pero minsan nasa bar siya at kasama ang mga kaibigan niya. Matalik na kaibigan niya pala iyong dalawa. Pare-parehong foreigners at walang tulak kabigin. Isang linggo din iyon na naroon siya sa tuwing kumakanta ako. Nasanay na din ako at nasabi din kasi sa akin ni Maam Sammy na mahigpit kasi ako nitong binabantayan. Inaantay yata nga kung magkakamali na naman kaya talagang pinagbubutihan ko. Pinapakita ko na hindi na iyon mangyayari. At masasabi kong nagtagumpay ako kasi after a week hindi ko na siya nakita. Sabi ni Maam Sammy, satisified daw sa performance ko at hindi na kailangan ng strict observation. Nakaisang buwan na din ako sa Wright Hotel. Iyong experience ko talaga doon hindi ko makakalimutan. Ayaw ko na ngang umal