HAILEY We drove back to Batangas and the long drive wasn't boring at all. Katulad ng dati, marami kaming napagkwentuhan ni Dom at minsan ay nagkakaasaran rin. But there's a difference now, hindi na siya mabilis mapikon sa akin. Most of the time, naglalambing siya lalo na noong tumigil kami sa isang restaurant para kumain. The waitress was eyeing him pero hindi man lang niya binigyan ng pansin kahit maganda naman at ubod ng sexy. Halos lumuwa na ang dibdib but Dom's eyes remained on me. Kinapitan pa ang kamay ko ay dinala sa mga labi niya saka ginawaran ng halik. And I thought, ganito rin kaya kami noon kung nagustuhan niya ako? "Why now, Dom?" Hindi ko napigilan ang magtanong habang nagmamaneho siya pauwi. "I had to wait, Hailey. Mahigpit si Ninong sa 'yo and to be honest, you weren'

