HAILEY May permiso mula kay Dad? Kaya naman pala malakas ang loob ng isang 'to. Dom looked really sleepy though at sa haba ng kalis niya, he's crowding the bed once again. Tumikhim ako. "You can sleep on the couch if you want." Nalukot ang mukha niya. "Hails, magkatabi na tayong natulog sa Baguio. Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin? And seriously, my legs are sore from the drive. Masakit rin ang likod ko. Maawa ka naman sa akin. I was actually going to ask you for a massage." Nagawa pa niyang itaas-baba ang mga kilay niya kaya napa-iling ako. "Come on. I already gave you my word. I'm not going to do anything silly." "Not do anything silly— Dom, lahat ng ginagawa mo puro kababalaghan." I rolled my eyes. "Kukunin ko lang ang lavender oil at mamasahehin kita. Dumapa ka na at tanggalin mo

