Chapter 4

1083 Words
Inayos ni Jessica ang kanyang palda na medyo nalukot na sa pagkakaupo. Pero tuloy-tuloy pa rin ang paglakad ni Sam patungo sa sariling sasakyan. She had no other choice, kundi ang sumunod sa lalaki at tawagin ang pangaln nito. “Sam, Hoy Sam hintayin mo naman ako!” Sandaling nilingon ni Sam ang si Jessica ngunit hindi siya sumagot o tumigil sa paglalakad. “Saan ka ba galing?” Kunwari ay hindi niya alam kung saan nagpunta ang babae. Umismid si Jessica sa sinabi ng lalaki dahil nagduda siya na lagi itong nakasunod sa kanya. "Nice car," sabi ni Jessica nang makalapit sa sasakyang dala nito. "Yes, a Mercedes. Wala ka bang ganito?" Dati pang mahilig sa mga sasakyan ang babae at noon pa man ang problema na ng ama nitong si Patrick ang luho ng babae. "Wala, mas gusto ko ang Jaguar at Ferrari." Sabi niya na nakatitig pa rin sa sasakyan ng lalaki at saka niya napansin na kakaiba ang bintana at pintuan nito. “Made to order ba ‘to?” Napailing si Jessica habang tinanong ang lalaki dahil napansin niyang hindi ordinary ang style ng sasakyan. "Armor plating, and bulletproof glass." Paliwanag niya dito. Nakita niyang hindi ito nasorpresa sa sinabi. Siguro dahil, alam ng asawa ang nature ng trabaho niya dati. He made enemies over time kaya mas mabuti na yong nag-ingat at saka, well prepared. Boy scout siya, eh! "I missed you,” sabi ni Sam habang nakatitig kay Jessica. Hindi siya sigurado sa narinig or baka nasira na din ang kanyang eardrums. Sinabi ba talaga ni Sam yon? "Ano'ng sabi mo?" tanong niya kay Sam pero hindi ito sumagot. Tumitig lang ito sa kanya tapos bigla na lang siyang niyakap nito ng mahigpit at siniil ng halik. Nagulat siya nang unang dumampi ang labi nito sa labi niya. She tried to push him but failed. Hindi siya makawala mula sa mahigpit nitong yakap at ang kanyang tuhod ay parang nanghina na din at gustong bumigay na lang sa kapusukan ng lalaki. She also missed him, but she's still hurting from his betrayal few years ago. "Open your mouth, sweet," he could feel her hesitation and confusion but it couldn’t stop him. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito and one thing led to another. Naramdaman niyang nagpaubaya ang babae pero hindi pa rin tama na biglain ito. Ano na lang ang sasabihin nito sa kapusukan niya?    Napasinghap si Jessica sa sinabi ng lalaki. He's talked dirty to her! Bumuka ang bibig niya sa shock kaya naging malaya ang lalaki na ipasok ang dila nito sa loob ng bibig niya at mas naging mapusok pa. Oh, it was insane! Unti-unting nanghina ang kanyang katawan at natunaw sa mga halik ng asawa. He had always been a good kisser. Pero hindi tama ito. Sinikap niyang labanan ang sensasyong nadarama,pero hindi niya kaya. Nagpadala siya sa kanyang karupukan. Naramdaman ni Jessica na bumaba pa ang kamay ni Sam patungo sa kanyang dibdib at nagawa nitong iakyat ang laylayan ng kanyang palda hanggang sa kanyang beywang. Malamig ang hanging dumampi sa kanyang na-expose na balat ngunit hindi niya ramdam ang lamig kundi ang mainit na kamay ni Sam na malayang naglakbay sa buo niyang katawan. Pareho pa silang nagulat nang marinig ang malakas na bosena ng towing truck at bigla niyang naitulak ang lalaki. He smiled and winked at her. “We should hang out sometimes,” sabi ni Sam. Tumaas ang kilay ni Jessiaca sa sinabi ng lalaki. Naangasan siya sa dating ng sinabi ni Sam na para bang isa siyang mababang klase ng babae. Sabagay ay hindi niya masisi ang lalaki dahil bumigay siya kaagad ng halika siya nito. “Wala ng next time, Sam.” “Bakit? We’re good together,” tumanggi si Sam na tanggapin ang sinabi ng babae na wala ng next time. “You’re imagining things, Sam! Just because I allowed you to kiss you means that I’m into you, understand?” Itinama niya ang mali nitong akala. Hay, bakit ba kasi at hindi siya pumalag kanina? “Talaga? Stop lying to yourself, Jess. Alam ko na may naramdaman ka pa rin sa akin nang hinalikan kita kanina,” sumagot si Sam. Humalakhak si Jessica sa sinabi ng lalaki at tiningnan ito sa mata. “Agad? Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ang pakiramdam na makipaghalikan? Common Sam, don’t be naïve. Any man will do, okey?” Iniwan niya ang lalaki at nagtungo sa kanyang sasakyan. Natigilan si Sam sa sinabi ng babae. What? Any man would do? Mabilis niyang sinundan ang babae at hinawakan ang braso nito. “Ulitin mo nga ang sinabi mo!” Sumigaw siya. “Ang sabi ko, kahit sinong lalaki ay pwede kong halikan. Talaga bang inisip mo na ikaw lang ang naging lalaki sa buhay ko?” Pagak siyang tumawa at binuksan ang pintuan ng sasakyan ngunit pinigilan siya ng lalaki. “Ako pa rin ang legal mong asawa, Jessica!” Galit na ni-remind ni Sam ang babae. Legal na asawa? Ano ngayon? Sinubukan niyang kalimutan na lang ang lahat, ngunit bakit ipinaalala pa ito ng lalaki sa kanya? Ang kapal naman ng mukha nito! “Niloko mo ako, sinaktan mo ako, niyurakan mo ang aking pagkatao, tapos sasabihin mo ngayon sa akin na ikaw ang legal kong asawa? So what? Just to let you know, kaya ako bumalik sa Pilipinas ay upang ayusin ang annulment ng kasal natin!” Natigilan si Sam sa kanyang narinig mula kay Jessica. “Annulment? Bakit?” “Bakit? Naririnig mo ba ang iyong sarili Sam? Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili kung bakit tayo umabot sa ganito?” At tuluyan ng humulagpos ang galit na kanyang kinimkim sa loob ng maraming taon. “Huwag mo na akong guluhin, Sam.” Sabi niya sa lalaki at inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Sinundan ni Sam ng tingin ang towing truck nang umalis ito. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin nang mag-backfire ang kanyang ginawang kapangahasan. Ilang taon siyang nagtiis nang maglaho ang babae kaya hindi siya makapapayag na mawala ulit ito. Kung kailangan niyang ampunin ang bastardo ni Jessica ay gagawin niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Attorney Elarcosa. “Ninong, nadisturbo ba kita?” Tinanong niya ang matanda nang sumagot ito sa kabilang linya. “Sam, it’s been awhile. May problema ka ba?” Sabi ng matandang lalaki sa kabilang linya. “Bumalik si Jessica,” sabi niya. “Talaga iho? Mabuti naman kung ganun, sana ay magkaayos na kayo.” Pahayag nito. “May ibang lalaki na ho siya, at may anak silang dalawa. Anyway, kaya ako tumawag ay upang sabihin sayo na gusto kong ampunin ang batang ‘yon.” Narinig  ni Sam ang pagsinghap ng matanda sa kabilang linya. Siguro ay nagulat ito sa kanyang ibinalita. “Nag-usap na ba kayo tungkol sa plano mo?” “Hindi pa,” sagot ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD